TFS 02

132 54 21
                                    

"Sabi ni God, kung hindi ka masasaktan paano mo malalamang manggamot ako?Kung hindi ka malungkot, paano mo malalaman na kaibigan ako?Kung hindi ka nawalan, paano mo malalaman na handa akong magpuno ng lahat?Sa tingin mo, kung ang buhay mo'y ginawa...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sabi ni God, kung hindi ka masasaktan paano mo malalamang manggamot ako?
Kung hindi ka malungkot, paano mo malalaman na kaibigan ako?
Kung hindi ka nawalan, paano mo malalaman na handa akong magpuno ng lahat?
Sa tingin mo, kung ang buhay mo'y ginawa kong perpekto, kikilalanin mo pa ba ako?"

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

MULING TINALIKURAN ni Elise ang lalaki matapos niyang magsalita. Kung ano ang sinabi niya ay totoo. Hindi niya totoong magulang ang kanyang kinalakihan. Iyon ang rason kung bakit siya umalis sa kanila. Hindi sinasadyang narinig niya ang pag-uusap ng dalawa. Inampon siya noong tatlong buwan pa lang siya mula sa orphanage. Hindi raw kilala ng mga ito kung sino ang tunay niyang mga magulang. Kahit nga raw ang mismong orphanage ay 'di alam dahil nakita lang diumano siya sa labas ng gate.

          Iyong mundo niyang sintayog sa pinakamataas na gusali ay biglang bumulusok paibaba. At dahil sa taas ng kanyang ibinagsak ay nahihirapan siyang bumangon. Sa dalawampu't apat na taon na paninirahan sa daigdig, ipinagmamalaki niyang ipagsigawan sa lahat na isa siyang Samaniego. Tapos sa isang kisapmata ay huwad lang pala ang lahat. 'Di ba ang sakit niyon? Sobrang sakit para sa kanya.

          Pero ang pinakamasakit na parte ay 'yong malaman niyang inabandona siya ng kanyang totoong magulang. Ano ba ang naging kasalanan niya upang basta na lang iwan sa labas ng gate? Hindi ba siya minahal ng mga ito? Kahit kaunti ba ay hindi siya ginusto ng mga ito? Ang dami niyang tanong sa isipan na masasagot lamang kapag nakita na ang totoong mga magulang. Subalit, alam niya sa sariling malabong mangyari 'yon.

          Tumayo si James at nilapitan siya. "Makinig ka, Elise. Sabihin na nating hindi mo siya tunay na ina o 'di mo sila tunay na magulang dahil hindi sila ang gumawa sa 'yo. Look on the other side, si Tita Agnes ang nagpalaki sa 'yo. Siya ang nag-alaga noong maliit ka pa lang. Siya mismo ang nagpapalit ng diapers mo. Ang nagpupuyat sa tuwing umiiyak ka sa kalaliman ng gabi. She suffered a lot for you. Siya ang nanatili sa tabi mo sa tuwing natatakot kang mag-isa o madilim ang paligid."

          Nanatiling tikom ang bibig ni Elise. 'Di niya magawang suimagot. Ni hindi nga niya ito magawang tingnan. Nakatuon lang ang mga mata niya sa bintana. Gano'n din ang lalaki. Nasa tabi niya ito at sa labas ang tingin habang nagsasalita.

          "When you fall, she's the one that helped you up. Nang dumating ang time na nawawalan ka ng pag-asa, Tita Agnes was the one who gives you a glimpse of hope. At hindi mo man totoong ama si Tito Rico . . . pero siya 'yong nagtrabaho para lang maibigay sa 'yo ang lahat ng kailangan mo."

          Biglang nahiya si Elise. Lahat ng sinabi ng lalaki ay totoo. Ang dami talagang alam ng lalaking 'to. Alam niya kung gaano ka-proud ang mga magulang ng lalaki rito. Hindi lang ito mabait at matulungin kung 'di isa ring mapagmahal na anak.

The Four Statements Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon