TFS 08

116 52 21
                                    

"Kahit gaano kabigatan ang dinadala mo, kung may nagsabi sa 'yo ng I love you ay magiging magaan ang lahat ng ito dahil may taong nagmamahal sa 'yo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kahit gaano kabigatan ang dinadala mo, kung may nagsabi sa 'yo ng I love you ay magiging magaan ang lahat ng ito dahil may taong nagmamahal sa 'yo."

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

KATATAPOS LANG ni Elise isuot ang black skinny jeans niya nang makarinig ng katok sa pinto at pagbukas niyon.

          "Nasa ibaba na si James," bungad agad ng Mommy Agnes niya.

          Nang tingnan niya ang wall clock ay napangiti siya. Palagi talagang on-time si James kung sinusundo siya.

          "How do I look, Mom?" tanong niya. Isang white T-shirt ang suot niya. Dark blue ang kulay ng sleeves at collar, may kalahating red heart sa left side, at may naka-print na 'I Love James' sa likod. Binili iyon ni James sa kanya noon. Black skinny jeans ang pang-ibaba niya at white converse sa paa niya. Simple lang ang suot niya dahil iyon ang bilin ni James sa kanya.

          Lumapit ang mommy niya sa kanya. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok sa pisngi niya at inipit iyon sa kanyang tainga. "Kahit naman ano ang suotin mo ay lumulutang pa rin ang 'yong ganda," saad ng kanyang mommy.

          "Thanks, Mom! Bababa na po ako. Ayaw kong paghintayin si James nang matagal."

          "Okay. Mag-ingat ka and enjoy your date."

          Nakangiti siyang tumango. Napag-alaman niyang hindi pa pala alam ng mga magulang niya at magulang ni James na mahigit tatlong buwan na silang hiwalay. Kung ano man ang rason ng lalaki ay hindi na niya tatanungin pa.

          Mabilis na siyang bumaba sa unang palapag ng bahay nila. Nakita niyang tumayo si James mula sa pagkakaupo sa couch nang makita siya nitong bumababa sa hagdanan.

          Pareho silang natawa nang magkaharap na silang dalawa. Hindi nila 'yon pinag-usapan pero ang suot ni James na T-shirt at katerno ng sa kanya. Ang kalahating heart ay nasa kanan at ang naka-print sa likod ay 'I Love Elise.'

          "Oh! The two of you really look great together at naka-couple shirt pa talaga kayo," saad ng mommy ni Elise. Hindi niya namalayang sumunod pala sa kanya itong bumaba. "Magtabi nga kayong dalawa at kukunan ko kayo ng picture."

          Napangiti na lang si Elise.

          "Ayy! Sandali kunin ko muna ang phone ko." Mabilis tumalikod ang ginang sa kanila at nagtungo sa may kitchen. Nakabalik din naman agad ito. "Oh, pose na kayong dalawa," utos nito.

          Tumayo si James sa kaliwa ni Elise upang ma-impasize ang heart shape. Inakbayan siya nito. Iniyakap naman ni Elise ang isang kamay niya sa may likuran ng baywang ng lalaki.

The Four Statements Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon