TFS 06

122 53 19
                                    

"Be thankful for the bad things in life

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Be thankful for the bad things in life. For they opened your eyes to the good things you weren't paying attention before."

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

SA SUMUNOD na araw, muling inihatid ni Elise si Aling Anita sa orphanage. Hindi niya alam kung bakit palaging naroon sa dalampasigan ang ginang.

          "Pasensiya na sa abala, Elise," saad ng ginang sa kanya.

          "No worries. Okay lang sa akin," tugon niya. Nasa loob na sila ng bakuran ng orphanage. Pinapasok rin kasi siya ng guwardiya. Noong unang beses niya itong inihatid ay hanggang sa labas lang siya. Nakita sila ng mga bata at nagsitakbuhan ang mga ito palapit sa puwesto nila. Galak ang makikita sa mukha ng mga bata. Hindi maipagkakailang mahal ng mga ito ang ginang.

          "Good morning, Miss beautiful!"

          Napangiti si Elise dahil sabay-sabay pa talaga ang pagbati ng mga ito sa kanya. Ginantihan niya rin sila ng 'Good morning, too' at tipid na ngiti. Nagpaalam sa kanya ang mga bata at saka hinila palayo sa kanya ang ginang.

          Aalis na sana siya nang may makitang magandang dilag na palapit sa kanya. Parang pamilyar sa kanya ang mukha nito.

          "Salamat sa paghatid kay Aling Anita rito," nakangiti nitong saad sa kanya. "Ako nga pala si Lara, isa sa mga volunteers dito sa orphanage.

          "Lara? As in Lara Mallari?" naniniguradong tanong ni Elise.

          "Oo," sagot nito at saka sinuri ang kanyang mukha nang mabuti. "Oh my God! Elise? Ikaw ba 'yan?"

          Tumango lang si Elise bilang tugon. Lara Mallari ang isa sa mga malapit niyang kaibigan noong high school pa lang sila. Pagkatapos nilang gumraduate, hindi na nila nakita pa ang isa't isa.

          Niyakap siya ni Lara dahil sa labis na tuwa. Hindi nila inaasahang magkikita silang muli pagkalipas ng maraming taon.

          "Ang laki ng ipinagbago mo, a," puna ni Elise matapos siyang yakapin nito.

          Ngumiti lang si Lara sa kanya. Na-curious siyang bigla kung bakit at ano ang dahilan ng pagbabago nito. Habang tinitingnan ang babae ay masasabi niyang kabaliktaran na ito ng Lara na kanyang kilala noon.

          "Pasok ka muna, Elise. Ipapakilala kita sa ibang mga volunteers dito," saad ni Lara.

          Gusto pa sanang umayaw ni Elise ngunit hawak na nito ang kanyang kamay. Hinila siya nito sabay sabi sa kanya ng, "Huwag kang mahiya."

          Hindi na lang umangal pa si Elise. Wala na rin naman siyang magagawa pa. Bago makapasok sa mismong establisimyento ng orphanage ay madaraanan pa nila ang mga bata. Ang mga batang lalaki ay masayang naglalaro ng soccer sa playground samantalang ang mga babae ay kasama si Aling Anita na nakaupo sa ilalim ng punong acasia. Nakikinig ang mga ito sa pagkukuwento ng ginang.

The Four Statements Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon