TFS 05

127 53 22
                                    

"Saying thank you is more than just good manners

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Saying thank you is more than just good manners. It is good spirituality."

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

NASA DALAMPASIGAN si Elise nagdiya-jogging. Sa di-kalayuan, sa may mabatong bahagi ng dagat, may isang babaeng nakaharap sa malawak na karagatan. Walang ingay na lumapit doon si Elise. Pinatili niya ang dalawang metrong distansiya. Pinagmasdan niya ang babaeng nasa limampu ang edad. Halata na rin ang ilang hibla ng puting buhok nito. Nakasuot ito ng sweatshirt at isang itim na sáya na lampas tuhod.

          "Lumapit ka na, Elise."

          Napanganga si Elise. Nagtataka kung paano nito nalamang naroon siya gayong wala naman itong ingay na lumapit sa ginang.

          "Papa'no n'yo po nalaman, Aling Anita?" tanong niya habang humahakbang palapit sa ginang.

          Ngumiti ang ginang. "Bulag lang ako pero maselan naman ang ibang pandama ko. Alam ko rin na ikaw 'yon dahil sa amoy ng pabango na gamit mo."

          Napa-ahh na lang si Elise. Sa ilang beses niyang pagpunta sa lugar na 'yon ay palagi nitong nakikita ang ginang. Nakausap na rin niya ito noong nakaraan kaya nagkakilala na sila. Sa katunayan, iyon pa lang ang ikatlong beses na lumapit siya rito. Hanga siyang natatandaan nito ang amoy niya. Tumingin siya sa malawak na karagatan at saka napabuntong-hininga nang malalim.

          "May problema ka ba, Elise?"

          "Wala akong problema," mabilis niyang sagot.

          "Hindi mo naman kailangang ikaila na wala kang problema. Mga musmos lang ang walang iniisip na problema. Alam ko rin na mayroon dahil sa paraan ng pagbuntong-hininga mo."

          Hindi sumagot si Elise. Sa halip ay muli siyang humugot ng malalim na hininga.

          "Ilang beses pa lang naman tayong nagkausap kaya hindi ko pa alam ang pinagdaraanan mo pero sana kung ano man ang sasabihin ko'y makakatulong sa 'yo. Natutunan ko ang lahat ng ito kay Sister Fatima. Ang mga problema at pagsubok ay 'di nawawala. Nariyan lang sila sa tabi-tabi. Kasama na 'yon sa pang-araw-araw nating pakikipagsapalaran dito sa mundo. Nakakatulong iyon para maging matatag tayo. Sabi nga sa madalas nating marinig, don't worry to much. Let the problem worry itself."

          Tipid na lang na napangiti si Elise. Hindi dahil sa medyo baluktot ang dila nito sa pagbigkas ng mga English words kung 'di dahil sa mismong huling pangungusap na sinabi nito. Subalit, parang ang hirap naman ng sinabi nito. Papa'no ba niya gagawing huwag problemahin ang problema niya at hayaang ang problema ang mamroblema sa sarili nito?

          "Buksan mo 'yang puso mo sa mga taong gustong tumulong sa 'yo. Tingin ka sa paligid at sabihin mo sa akin kung ano ang 'yong nakikita."

The Four Statements Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon