TFS 04

123 54 13
                                    

"Always keep your eyes open

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Always keep your eyes open. Keep watching. Because whatever you see can inspire you." —Grace Coddington

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

PAGBUKAS NG TREN ay nagpulasan agad ang mga tao. Naipit si Elise habang nagpupumilit itong makapasok sa loob ng tren. Paunahan ang mga tao sa paghahanap ng mauupuan. Mukhang naunahan na agad siya. Wala na siyang nagawa pa kundi ang tumayo sa gitna kasama ang ibang mga pasahero. Nagsisiksikan sila sa loob. Nang umusad ang tren ay mahigpit siyang napahawak sa safety handle.

          "Ano ba 'yan! Hindi ba uso sa kanila ang maligo?" pagrereklamo niya sa isipan sapagkat ang kanyang nakatabi ay isang matandang lalaki na mukhang isang buwang 'di naliligo. Ngumiti sa kanya ang lalaki na mas lalo niyang ikinainis. Para itong modelo ng toothpaste kung makangiti. Nabibuwesit siya. Maypa-smile-smile pang nalalaman, e, ang dilaw ng mga ngipin. Parang ilang buwan na 'di nag-toothbrush.

          Kapag minamalas nga naman siya, napasubsob ang mukha niya sa may kilikili ng lalaki dahil sa biglaang pagbagal ng tren. Gusto na niya agad makarating sa susunod na istasyon. Pakiramdam niya'y masusuka na siya. Parang gusto na niyang sabihan ang lalaki na maligo naman at gumamit ng kahit tawas kung hindi nito afford ang deodorant.

          Nang huminto ang tren sa isang istasyon ay nagmamadali na siyang lumabas. Nakahinga siya nang maluwag dahil nawala na ang masangsang na naaamoy. Mas kaya pa niyang tiisin ang amoy galing sa mga usok ng sasakyan sa paligid kaysa roon sa lalaki.

          Nagtungo naman siya sa paradahan ng jeepney. May nakasabayan siya sa paghihintay, isang babae na may kausap sa cell phone.

          "Naghihintay pa ako ng sasakyan pero malapit na ako. Pakisabi na lang sa anak natin na I'm sorry kung medyo mali-late ako ng dating."

          Narinig niyang saad ng babae. Bigla siyang napatingin dito. May dalawang salita na binanggit nito na nagpapukaw ng kanyang isipan. 'Iyon kaya ang isa sa apat na statements?' naitanong niya sa isipan.

          Nang may makitang jeep na parating na dadaan sa lugar na pupuntahan niya ay mabilis nito iyong pinara. Nang huminto ang sasakyan ay mabilis silang sumakay na dalawa. Marami ang pasahero kaya siksikan sila sa loob. Nang kumilos ang nakatabi niyang babae ay 'di sinasadyang nasiko nito ang kanyang braso. Hindi naman ganoon kasakit.

          May maamong mukha na tumingin sa kanya ang katabi. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya," saad nito sa kanya.

          Tumango na lang siya at binigyan ito ng tipid na ngiti. Narinig na naman niya ang dalawang salita na iyon na may pitong letra.

          Tumingin siya sa unahan baka kasi lumampas siya. "Para po!" may kalakasang saad niya saka iniabot ang eksaktong pamasahe. Nang huminto ang dyip ay mabilis siyang bumaba. Nasa tapat na siya ng St. Luiza Hospital. Bumuntong-hininga muna siya nang malalim bago naglakas-loob na pumasok sa nasabing hospital.

The Four Statements Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon