LAST CHAPTER

130 52 23
                                    

"Every second brings a fresh beginning

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Every second brings a fresh beginning. Every hour holds a new promise. Every night out dreams can bring hope and every day is what you choose to make it."

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

PATAKBONG PUMASOK ng bahay nila si Elise. 'Di alintana kung matapilok man siya dahil sa takong ng sapatos niya na mataas.

          "Am I late?" hinihingal niyang tanong sa mga magulang na nasa living room. Mukhang nainip na sa paghihintay sa kanya.

          "You're ten seconds late," nakangiting sagot ng Mommy Agnes niya habang nakatingin sa relo nito. "Kanina ka pa namin hinihintay ng daddy mo. Malapit na raw magsimula ang event."

          "Pasensiya na. Tinapos ko muna kasi ang trabaho sa opisina bago ako umalis."

          Siya na ang pinamahala ng kanyang mommy sa publishing house nito. Ayaw niya noong una pero pinilit siya. Wala rin naman daw kasing ibang hahawak doon dahil siya rin naman ang magmamana ng kompanya. Nakapagtapos din naman siya ng Business Management kaya magagawa niya raw iyong palaguin.

          Half-day lang siya sa trabaho dahil may dadaluhan silang event sa Angels Orphanage na kung saan siya mismo ang guest speaker.

          "Kung aalis na tayo ngayon din, makakaabot pa tayo sa opening," sabat naman ng daddy niya.

          Nagsitango ang dalawang babae at nagmamadali na silang umalis.

         Pagkarating nila sa orphanage ay naghihintay sa kanila sa may entrance ang kanyang Mama Anita at si Lara kasama ang boyfriend nito. 'Yong lalaking nagligtas sa kanya na 'di niya pinasalamatan at tinawag pang stupid at feeling guwapo sa kanyang isipan ay ang boyfriend ni Lara. At ayon kay Lara, sobrang bait at maalaga raw ng lalaki. Wala na raw itong hahanapin pa.

          Looks can really be deceiving, iyon na lang ang nasabi ni Elise. Dahil doon ay may natutunan siya. Huwag husgahan ang isang tao sa panlabas na anyo. Minsan kung sino pa 'yong mukhang masama o galing sa kulungan dahil sa dami ng tattoo sa katawan ay iyon pa ang mabuti. Kaya kailangang mag-ingat sa mga taong mukhang mabait.

          Mahigit walong taon na raw ang relasyon ng dalawa. Mas matagal pa sa naging relasyon nilang dalawa ni James.

          Tungkol naman kay James, mahigit limang buwan na niyang hindi ito nakikita nang personal. Stalker sa mga social accounts ng lalaki ang drama niya simula nang umalis ito. Masaya na siya kahit makita lang ang larawan nito. Halos libutin na kasi ng medical team nito ang mga liblib na lugar sa Pilipinas. Kapag walang bagong larawang nai-post ang team nito ay 'yong larawan nila ni James na kuha ng mommy niya ang kanyang tinitingnan.

          "Bakit narito kayong tatlo sa labas?" magkasabay na tanong ng daddy at mommy niya kaya nagtawanan ang dalawa.

          "Ito kasing si Aling Anita atat nang mayakap si Elise. Na-miss na raw niya," sagot naman ni Lara.

The Four Statements Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon