"Goodmorning." bati ng prof namin sa anatomy, "Good morning sir Anton!" masigla naming bati. Naglesson ito hanggang sa huli ng sakop niyang oras, "That's all for today." I was about to go outside and meet with Des nang tinawag ako nito. "Bakit po?" tanong ko, "You are Eula Soriano Sy, tama?" nagulat ako nang banggitin niya ang tunay kong pangalan na kahapon ko lang din nalaman. "Prof—." he cut me off by placing his index finger over my lips, luh ang pafalla neto. "I am friends with Eugene, and you know batch mates kami." anito, "So you're three years older than me?" tanong ko nang tanggalin niya ang daliri niya sa bibig ko. Tumango ito bilang sagot, "Come with me." at tsaka ako sumunod sa kanya.
Sir huwag po, baka mahuli tayo ng dean! Sa condo nalang dali, paaalisin ko si Astrea.
"Take a sit." offer nito sa akin, "Prof, bakit ako andito, ulet." ani ko. "Your father as of the moment ay kapatid ng nanay mo, lahat ng tatay niyo ay kapatid ng mga nanay niyo, gets mo ba?" tumango ako bilang sagot, "Minurder ni Blood ang mga nanay niyo para hindi masolve ang kaso ni Wilbert Sy." sabi niya kaya mas naguluhan ako. "He wants us to join hands para malutas yung case ng kapatid namin pero pinaglayo niya kami? Psycho talaga siya eh 'no." then I rolled my eyes, "Ayun na nga, kaya we decided to make this organization stronger para by the time na yung bunsong anak ni Theodore Sy ay tumungtong ng 20 handa na ang lahat." explain nito. "So you've been keeping an eye on us eversince?" nakangiwi kong sabi, lumapit ito sa mukha ko at nagsalita. "Yes, I've been keeping an eye on you. Only on you." ilang saglit akong napatitig sa mala lobo nitong mga mata at tsaka naubo. Eula calm down. "Here." at tsaka niya ako binigyan ng bottle of water, "Eugene and I are assigned to keep an eye on you. Each of you ay may dalawang bantay. Pero madalas ako ang nakabantay sayo, kasi kinailangan rin ni Eugune maging updated sa mga kapatid mo, tungkulin niya 'yun bilang mensahero sa inyo." explain nito.
Nagkwento pa ito tungkol sa kuya namin hanggang sa nagring na ang alarm. Tiningnan ko ang orasan ko at napagtantong hindi ako nakapasok sa 2 kong subject. "Oh em! Ikaw kasi!" tsaka ko siya hinampas sa braso, tumawa ito at nagsalita. "Okay lang 'yan, akong bahala." tsaka niya ako kinindatan. Kupal talaga eh, pafall! Iuwi kita sa condo eh!
"Ay malandi." nagulat ako nang magsalita si Desiree sa likod ko, "Ay komportable." sagot ko naman sa kanya. Nagdecide kaming pumunta sa study shed para tumambay. "Des, yung best friend mo mag isa." pang aasar ko, "Sumali siya sa Blood Hunters." panimula nito. "Kaya mag isa na siya." kumunot ang noo ko sa sinabi nito, "Anong connect?" humarap ito sa akin. "Isa sa batas ng Blood Hunters ang huwag makakalabas ang mapaguusapan sa hq, and because of the twins asking her constantly ayun nakipag F.O siya." explain nito, "Eh si Misty?" tanong ko. "Ah, naka assign sa research kaya ayun nasa hq." lumingon ito sa amin at tsaka tumayo, "Can I have this seat?" tanong ni Yura, tumango naman kami bilang sagot. "Eula, sorry for being masungit sayo at first. Part yun ng utos sa akin eh, we have to see if nananalaytay sayo yung pagiging matapang. You did well." naka smile niyong sabi sa akin, "Iwan ko na kayo. Bye Eula, head ako ng communications department kaya kinausap kita, it's nice meeting you. From now on Yura and Misty will be assigned as your guide." pagpapaalam ni Desiree. Ay nako ha, naloloka nako.Nagkakwentuhan kami ni Yura at thanful ako na madali kaming nagkasundo, "Tara shopping." biglang sulpot ni Misty. "Sama ka sami Eula! Nako marami kaming alam na magagandang stores." pagaaya ni Yura, "Sige, text ko lang si Astrea."
To: Astrea
'te, shopping lang kami nila Yura. Ingat ka pauwi, magbobook nalang akong grab."Let's go." aya ko sa kanila. Comfortable akong nakapag shopping kasi nakasuot ako ng plain white shirt then matched it with a pair of black slacks. I used my white tote hand bag tutal di pa naman kami masyadong naglecture except sa class ni Prof Anton. White sandals and shades to complete my outfit. Nilugay ko na muna ang buhok ko and nagdala nalang ng ponytail.
"Dude, aren't you hot?" tanong ni Misty kay Yura, "Hot naman talaga ako." sagot nito. Sino ba naman kasing di maiinitan eh nakasuot ito ng black long sleeved dress at pinatungan pa ng red leather jacket na kasing haba ng dress niya.
"May pa boots ka pa? Eh bodyguard lang naman tayo metong si Eula." natatawang sita nito, "Eh ikaw? Di ka ba nilalamig lalo na't nasa mall tayo." at tsaka umirap si Yura. Natawa ako kasi totoo naman na nakakapagtakang di nilalamig itong si Misty. Naka suot sya ng oversizes shirt na pinapatungan ng cropped spaghetti strap at naka shorts.
"Hay nako, tara na. Nagugutom na'ko." pagaaya ko sa kanila. After namin kumain at nagsimula na kaming mamili ng gamit.
"Okay ka lang ba talaga? Hatid na kita." pangaalok ni Yura, "Oo naman, go ahead." nakangiti kong sabi. "Dami mo kayang dala, pahatid ka na dito, ako kasi dadalhin ko pa pusa ko sa vet." si Misty, "Okay lang, I'm good. Magbobook nalang akong grab.Nasa labas na ako ng mall dala dala ang walong paper bag ng damit, shoes and cosmetics. Isinukbit ko lahat ng ito sa braso ko at tsaka kinalukot ang phone ko para magbook ng grab. "Shet." ani ko as I try to get my phone, nagpanic ako when someone picked up it. "Ms. Soriano, bakit naman kasi di nagpapatulong." iniangat ko ang ulo ko para makita kung sino iyon, "Prof Anton." amused kong sabi. "Anton nalang." tsaka nito kinuha ang ibang bags sa braso ko, "Hatid na kita, tutal nadadaanan naman yung bahay niyo before yung sa amin." tinalikuran niya ako kaya no choice ako kung hindi sumunod sa kanya.
"Mag isa ka lang nagshopping? Yung mga kapatid mo?" tanong nito, "Uhm, Shiloh's in Korea na and si Cass, Cleo and Astrea naman pinuntahan si ama. Kasama ko naman kanina si Misty and Yura." sagot ko. "I see. You can call me out kapag wala kang kasama, responsibility ko naman na protektahan ka eh." I felt that my cheeks was hot and parang pinagsasampal ni Shiloh. "Are you okay?" tanong nito habang iniikot ang manibela for U-Turn. "Ah, oo, okay lang." ani ko sabay kuha ng panyo para punasan ang pawis ko. "We're here." tsaka niya tinganggal ang seat belt niya para kuhanin ang mga paper bags ko sa trunk, "If kelangan mo ng maghahatid o magsusundo sayo, feel free to message or call me." sabay kindat. Pumasok na ito sa kotse niya at tsaka tuluyan nang umalis.
Is he flirting with me?
BINABASA MO ANG
Blood of Sy Series 1: The Forgotten Promise
Teen FictionEula, Astrea, Clio, Shiloh, and Cassedie. Five best friends na ginather para ibreak ang isang balita na sila ay magkakapatid sa ama. As they ask questions about their family they then knew na ang panganay na anak ng kanilang ama ay pinatay at pamil...