[6- Box of Suprise]

40 2 1
                                    

"Ate Eula!" tawag ni Primo sa akin. As of now andito kaming magkakapatid sa bahay ng tatay namin, mini get together lang. "Bakit bunso?" tanong ko, "Hi ma'am, may package po kayong dumating and nakasulat po na MUST OPEN kaya naisipan kong ihatid dito."  ani Tisay, yung helper namin ni Astrea sa condo. "Thank you." nakasmile ko itong kinuha sa kanya.
Dumiretso ako sa kwarto ko at tsaka tiningnan ang box.

To: Eula Soriano (21 y.o self)
From: Elay Soriano (9 y.o self)
Hi 21 year old me! Open mo itong box na ito ha, inipunan ko yung padala ko dito kasi mahal pag after 13 years pa ipapadala eh. Sana kayo pa ni Oji!

Natawa ako sa nabasa kong note, who's Oji?
Binuksan kong dahan dahan ang box at tsaka ko binuklat ang japanese paper na nakatakip rito. Bumungad sa akin ang iba't ibang letter at iba't ibang sized ng wrapped gifts...

 Bumungad sa akin ang iba't ibang letter at iba't ibang sized ng wrapped gifts

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagbukas ako ng isang letter na mayroong nakasulat na 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagbukas ako ng isang letter na mayroong nakasulat na 1...

Hi Eula! Siguro nahihiya ka nang tawaging Elay 'no? Kasi ako medyo nahihiya na ako, pero kinikilig ako kapag si Oji ang tumatawag sa akin noon. Friends mo parin ba si Cleo, Astrea, Shiloh, Mica at Cass? Eh si Agatha yung pinsan ni Oji? Nako sana friends mo parin sila kasi mabuti silang friends sa akin eh. Alam mo ba na binigyan ako ng chocolates ni Oji kahapon tapos may sticky notes bawat chocolate, nilagay ko yun dyan sa first wrapped gift na may nakasulat na one. Enjoy!
-Elay

Kinuha ko ang box na iyon at binuksan. Onti onting nagflash back sa akin ang mga panahon na parang mas something sa amin nung Oji ba 'yun? Di ko na masyadong tanda kasi 10 palang ako that time and marami nang nangyare.

Sticky #1
Hi Elay! Kamusta ka naman? Sana magustuhan mo itong chocolates. Padala 'yan ni mama from Thailand yung share ko ipinadala ko nalang kay Agatha para ibigay sayo.

Sticky #2
Oh wag masyadong maraming kinakain, bad 'yan sa health. Happy ako kasi I have you. I love you

Natawa ako nang mabasa ko ang mga iyon, tangina may ka I love youhan na ako nung grade 4 ako? Matapos ko ito buksan ay ang sunod naman na letter ang binasa ko, hanggang sa mabuksan ko ang last letter ko para sa sarili ko.

Dear Eula,
Kamusta ka? Okay ka na ba? Ang sakit pala kapag naghiwalay kayo ng first love mo 'no? Pang ilang months na sana namin ni Oji kaso nahuli daw siya ng mama niya na kausap ako, bata pa daw kami masyado kaya ayun nakipaghiwalay siya sa akin. Ang sakit sakit pala pag nakikipag break. Alam mo ba umiyak ako kanina, di naman yung super iyak mga four lang na patak ng tears, baka kasi tanungin ako ni mommy eh, di ko naman pwedeng sabihin na naging kami ni Oji kasi baka sabihin niya kay daddy tapos palayasin ako! Saan ako titira niyan? Baka mamatay pa'ko sa kalye. Kaya titiisin ko nalang yung sakit! Wag kang iiyak dahil sa lalake ah, papangit ka, magkaka eye bags ka! Sige ka, di talaga mag kakagusto sayo ni Lee Kang Seok! Sana happy ka ngayon ha! Good luck sa pagdodoctor mo, payting!

Kinuha ko ang telepono ko at tsaka tinawagan si Agatha. [Elay! Omg! Napatawag ka?] sagot nito sa kabilang linya, "Ata, may tanong me." ani ko. "Yes?" huminga ako ng malalim, "May pinsan ka bang Oji?" tanong ko. [Hmm, Oji? Wala akong matandaan eh, Uji lang, baka Uji.] sagot nito, "Naging ex ko ba 'yun?" muntik pa itong mabulunan at tsaka humagalpak ng tawa. [Ateng yung Uji na tinutukoy ko ay si Ate Jewel na, diba tanda mo nagladlad si Kuya Uwel sa atin nung grade four tayo.] remind nito sa akin, "Ah ganun ba? sige sige." Nagsoscroll pa ako sa telepono ko nang tumunog ang bell ng bahay whicg means kakain na kami. Nilapag ko ang phone ko sa side table at tsaka bumaba. "Oh, Eugene." gulat kong pansin sa kanya, "Hey, by the way flowers," pagaabot nito sa akin. "for the garden." patuloy nito na nagpatawa sa mga kapatid ko, "Awit, para sa garden." si Astrea. "Wawa naman, tagal nang di nakakatanggap ng bulaklak." sabay hagalpak ng tawa ni Cleo. Nakisabay na rin si Shiloh at Cassedie, "Don't worry ate, ibibili kita." paglalambing ni Primo. Binelatan ko naman ang apat, maya maya ay dumating si ama. "Eugene, hijo, join us." pag papaupo nito sa dining table, "Hi ama!" masigla naming bati at tsaka humalik sa kanya.

"Girls, bukod kay Agatha Samson, may iba pa ba tayong friend na Agatha?" tanong ko habang kumakain, "Hmm, Agatha Dela Cruz?" ani Cleo. "Si Agatha Ordeja." si Cass naman, "Si Maria Agatha Santos." sabay na sabi ni Shiloh at Astrea. Tumawa kami nang malakas nang maalalang simula nung highschool Maria na ang tawag namin sa Agatha-ng iyon. "Bakit? Is someone bothering you?" curious na tanong ni Eugene, "Ah, no. May hinahanap lang ako." sagot ko. "Bakit ate? May nangutang sayo?" at tsaka naman sila ulet naghagalpakan, "Nope. It's my first boyfriend." ani ko. "Eh diba si Jay ang first boyfriend mo." si ama, "Ama, how'd you know?" medyo natatawa kong tanong. "Eugene keeps an eye on all of you my dear." nakangiting tugon nito, "Pero hindi si Jay ang unang boyfriend ko. Oji ang name niya, way back 2008." muntik maibuga ni Astrea ang iniinom nitong juice at tsaka nagsalita, "2008? Grade four ka palang that time!" tumango tango ako. "Kaya nga eh, ngayon ko lang din nalaman. Kaso di ko naman alam real name nung Oji and sure akong maraming Oji sa mundong 'to." paliwanag ko.

After dinner ay bumalik na ako sa kwarto ko, I dialed Maria's number to know who's Oji. "Hello?" sagot ko, [Yes bebe?] sagot nito sa kabilang linya, "May pinsan ka bang Oji?" tanong ko. [Oo, yung ex mo.] sagot nito at tsaka humagalpak ng tawa, "Bwisit ka." ani ko habang sinasabayan ito. [Bakit?] tanong nito, "Ano real name niya?" niloud speaker ko ito para maisearch sa socmed ang name nito. [Isus, makikicome back ka?] pangaasar nito, "Gaga, hindi. May dumating kasi ditong package from my self 12 years ago. Kaya curious ako kung sino si Oji na nabanggit sa lahat ng letters na andito sa box." sambit ko. [Eugene Magsaysay, Eugene M sa socmeds.] anito, I was typing Oji's name when I realized that the Eugene I know and Oji are the same.

Is this serendipity?

Blood of Sy Series 1: The Forgotten PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon