[13- Serendipity]

22 2 0
                                    

"Anong sched ko today?" Tanong ko sa attending nurse, "2 pm po may Brain Tumor surgery po kayo then at 9 pm po mag aassist kayo sa surgery ni Doc Perez." Anito. "Ikaw anesthesiologist ko ha." Bilin ko kay Cleo, "Once mo lang naman ako di naging anesthesiologist." Sabi nito tsaka kumain ng ice cream. "Hi hon." Bati ni Anton, he then kiss my forehead. "Doc naman, wag dito, nakakainggit." Sabi ng isa namin colleague, "Dapat sinisesante yung mga magjojowa dito eh." Bitter na sabi ni Cleo, "Ikaw sisantehin ko sa ospital namin eh." Ani ko, I hugged him tightly nang may dumating na dumating na ooperahan agad, hawak ni Anton 'yon dahil general surgeon siya.
"Kamusta? Anong feeling na andun ex mo?" Tanong ni Cleo, "He's not my ex." Dependsa ko. "Not your ex pero kala mo mag ex." She then rolled her eyes, "Wag na sana bumalik 'yang mata mo." Pagsusungit ko. "Hi sisters!" Maingay na bati ni Astrea, "Ginagawa mo dito?" Tanong ni Cleo, "Pumunta ako sa OB ko." Sagot nito. "Bakit ka naman bibisita sa OB eh hindi ka naman buntis tsaka wala namang bubuntis sa'yo." Pambabara ko at tsaka kami nagtawanan ni Cleo, "You never know." Anito. "Anong you never know? Sapukin kita eh." Sabi ng aming Virgin Mary ma si Cleo, "Di kasi ako dinatnan for two weeks, akala ko buntis na'ko, ayun pala delayed lang." anito in a disappointed tone, "Ay oh, disappointed si mamsh."

"Oh em." Sabay kaming tumingin ni Reng sa direksyon na tinitingnan ni Cleo, "Alis na'ko." Tsaka nga ito umalis. "Balik lang ako sa quarters." Bulong naman ni Virgin Mary, "Hi, dito ka pala nagtatrabaho." Bati nito sa akin. "Anton and I own this hospital." Tipid kong sabi, "Goals."
"Doc, pa assist daw po sabi ni Doc Perez." Ani ng isang nurse, "I'll go ahead." Paalam ko kay Eugene.
"Hon, are you okay?" Tanong ni Anton pagkapasok ko sa loob ng operating room, "I am." Matipid kong tanong. Nagsimula na itong magopera and ako di parin maalis sa isip ko kung bakit andito si Eugene. "Doc Sy." Bumalik ako sa focus nang tawagin ulet ako ni Anton, "You're not in the focus, magusap tayo after the operation."
Matapos ang operation ay pumunta kami sa hq para doon magusap. "Anong problema?" Tanong nito sa akin, "Wala." Sagot ko naman rito. "You're out of focus, so I know for sure na may bumabagabag sayo." Huminga ako ng malalim at umupo ng komportable, "Bakit andito si Eugene?" I asked. "Baka nagpacheck up lang." anito, "Yun ba ang nagbobother sayo? Bakit?" Tanong nito sa akin pabalik. "Hindi ko alam, uneasy lang ako kapag andyan siya." Pageexplain ko. "Naka move on ka na ba talaga?" Nagulat ako nang tanungin miya ito, "Oo naman. Anong klaseng tanong 'yan?" Pagdedepensa ko. "Bakit apektado ka pa?" Pagtatanong nito sa akin, "Look, hindi yun ang point ko. What I'm saying is hindi lang ako komportable na makasalamuha siya, diba nga di naman kami nagtapos sa maayos na paraan." Tumayo ako at niyakap siya, "I love you." Malambing kong sabi sa kanya.

"Four hundred seventy six pesos po ma'am." Ani ng cashier sa akin, kinuha ko ang telepono ko para magbagad via gcash. "Ma'am kulang po ng seventy two pesos, do you have any cash?" Kinalkal ko ang handbag ko at hindi ko nakita ang wallet ko. I was about to approach the cashier nang may maglapag ng seventy two pesos roon. Nilingon ko ito and nakita ko si Eugene at Sasha, "I'll pay you via gcash nalang." Ani ko.
Dumiretso ako sa isang cafe nang makaalis ako sa department store.
"What's your order ma'am?" Tanong ng cashier sa akin, "One cafe americano." Ani ng lalake sa likod ko. "Can't you see? I'm still—." Natigilan ako nang makitang si Eugene iyon, napagdesisyonan kong umalis nalang sa pila ng hawakan niya ang palapulsuhan ko. "Let's talk." Tsaka niya ako hinila malapit sa upuan. "Respetuhin mo naman yung girlfriend mo!" I exclaimed, "She's not my girlfriend." Naguluhan ako nang sabihin niya iyon. "We broke up when I got here, magpapakasal na siya and nagkita kami ngayon dahil best man niya ako." Paninimula nito, "Eula." Tawag niya sa pangalan ko at tsaka niya hinawakan ang kamay ko. "Let's start again." Tinanggal ko ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak at nagsalita, "Matuto ka namang rumespeto ng relasyon ng ibang tao." Pagdiriin ko at tsaka umuwi na.

"Ate, may cake dito para sayo." ani Primo, binuksan ko ito then may nakasulat na 'i'm sorry, please forgive me' gamit ang icing. "Galing kanino?" Tanong ko, "Kay kuya Eugene." Sinara ko ang cake at tsaka inabot sa kanya. "Sayo na 'yan." Tsaka ako umakyat ng kwarto.

ting ting ting!

From: Eugene
Hope you like the cake, red velvet yun.

To: Eugene
Stop doing those kind of things, di ko yun maaappreciate.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang sunod nitong message.

From: Eugene
Tatawag ako.

[Hello?] anito sa kabilang linya, "Anong gusto mo?" Masungit kong tanong. [Look, I just want to talk things out. Gusto kong magexplain kung bakit di ko agad sinabi o kung bakit naging kami ni Sasha, please talk to me.] pagmamakaawa nito, "7 pm sharp, sa cafeteria ng hospital namin, bawal malate." Tsaka ko ito ibinaba.

Am I really going to do this? Cheating ba 'to? Di ko naman siya babalikan eh. Hays, bahala na. Sana walang makakita samin na kakilala namin ni Anton, kasi kung hindi matinding war 'to.

"You have 20 minutes to talk, may operation pa'ko." Cold kong ani dito, "That time balak kong hindi nalang sumakay ng barko, kaya ko hindi sinabi sayo kasi inaayos ko na papeles ko na di na ako tutuloy sa pagseseaman, oo, pangarap ko 'yun pero mas pangarap ko na makasama ka." Panimula nito. "Walang kaso yun, pero yung pangako mo sakin? Pinako mo lang." nanginginig kong sabi, he held my hand as he talk, "I kept my promise, kung akala mong hindi, I did. Ginalingan ko talaga para maging kapitan na ako agad so that I can attend your graduation. Umattend ako, nakita ko kung gaano ka kasaya nung matanggap mo yung diploma mo, andun rin ako sa oath taking mo, I didn't miss it." Di ko na napigilan ang sarili ko, my tears started to fall down. "Serendipity keeps on bringing us together, pero maglelet go na ako, be happy with Anton." Anito as he wipe my tears.

Now, clear na talaga na friends nalang kami.

Blood of Sy Series 1: The Forgotten PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon