"Omg! Laki laki na ng tummy mo!" tuwang tuwa na sabi ni Cassedie, "Si Astrea?" tanong ni Vitto. "Ayun, busy sa work. Kinuha kasi siya ng Elle kaya di makaalis." sagot sa kanya, "So next week na due niyan?" excited na tanong ni Shiloh, "Yes po." nakasmile kong ani.
Having this baby changed my life, she brought happiness within me.
"How's our branch here?" pangangamusta ni Cleo, "Okay naman, dumadami na rin ang mga patients." sagot ko rito.
"Omg! Andito sa Shanghai si Eugene!" Shi exclaimed, "Why do you guys bother to be updated with his life." angal ko rito. "Eh ikaw, bakit ka bitter?" inirapan ko nalang sila, we were laughing when I felt that my tummy is about to burst.
"Cleo! Yung kotse!" sigaw ni Shi. Cassedie and Vitto helped me walk hanggang sa kotse, buti nalang at 10 minutes away lang yung ospital namin."Isa pa!" the OB said, inire ko ito ng bongga. "Go love! Kaya mo 'yan!" Vitto cheered, "Ahhhh!" I shouted. "She's so beautiful." the doctor complimented, and it is the last thing that I heard before passing out.
"Si baby?" tanong ko nang magising ako, "Nasa nursery pa siya, gusto mo ba na ipakuha ko?" ani Shiloh. Tumango naman ako bilang sagot rito, "You did a great job." Vitto said then kissed me on the forehead. After minutes my daughter came, as I look at her she reminded me of someone. Bakit parang kamukha siya ni Eugene. "Kamukha ng tatay." si Cleo, "Kilala mo na?" sabay sabay naming tanong. "Ay, haha, hindi. Ang layo kasi ng face niya kay Eula." anito, "Pero ang ganda ng anak mo." si Cassedie. She really is pretty. "Can I?" tanong ni Vitto then carried my daughter, "Anong ipapangalan mo sa kanya?" tanong nito. "Ylona Jane." sagot ko naman dito, "Ylona." banggit nito sa pangalan ng anak ko.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Okay ka lang?" tanong ni Drake, "Hindi ko parin siya mahanap." ani ko rito. Magsasampung buwan na nang huli kong makita si Eula, and hanggang ngayon hindi ko parin matunton kung asan siya.
"Why don't you try contacting her siblings?" suggestion nito, "Ayaw magsalita ng mga kapatid niya eh, si Primo naman wala talagang alam kasi sure daw yung mga ate niya na sasabihin nito sa akin." bumuntong hininga ako at tiningnan ang social media accounts nito para makita kung may update ito.
A post caught my attention, Eula was tagged on it."Awit, pamilyado na pala eh." nagulat ako nang magsalita si Drake sa likod ko, "Kaya pala di mahanap, ayaw magpahanap." ibinaba ko ang telepono ko at nagdecide na kumuha ng beer.
"Looks like kailangan mo nang mag move on." tsaka niya tinapik ang balikat ko.Pamilya mo na ba talaga 'yan?
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Andito na kami sa Pilipinas since gusto ko rin naman na lumaki yung anak ko na malapit sa pamilya niya.
"Ang ganda ganda talaga!" happy na sabi ni Astrea, "Love love yan ni mama." she was referring to herself. "Hon naman kasi, magpakasal na tayo." paglalambing ni Vitto rito. "Kapal mo ha, hoy, tatlong buwan palang tayong nagkakabalikan wag kang ano diyan." tsaka nito ulet nilaro ang buhok ng anak ko.
"Kamusta na paghahanap niyo?" tanong ni Shiloh sa amin, "Sabi sa akin ng may ari ng Waves Ph ay limited edition lang daw yung anklet na 'yun, there are only 5 people na mayroon noon all over the world." explain ni Cassedie. "So paanong pa effect? Pupuntahan natin yung limang tao na yun tapos manghihingi ng dugo para ipa- DNA?" si Cleo, "Sure ba tayong lahat yun lalake? Malay niyo naman dalawa lang dun yung lalake na may ari ng anklet." opinyon ko. "I'll talk to them, hihingin ko na rin ang names." singit ni Astrea.
"Mommy!" tawag ni Ylona sa akin at tsaka ako niyakap, "I want to be a vet." masiglang anito. "Really? Bakit naman?" malambing kong tanong dito, "I have an idol, napapanood ko po sa youtube and he is so maalaga when it comes to pets." she said then showed me the guy. Eugene. "Anong name niya?" tanong ko rito, "Siya po si Doc Oji, super galing niya po mag care sa dogs, cats, I want to be like him mommy." nagkatinginan kaming magkakapatid sa sinabi nito.
"Anak, play muna tayo sa park." aya naman ni Vitto.-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[Hello kuya?] pagbati ni Primo sa kabilang linya, "Bro, bakit?" sagot ko rito habang nagaayos ng records ng pasyente. [Punta ka dito sa bahay, gusto ko andito ka pag announce ko na ikakasal na ako.] anito sa akin, "Puta, naunahan mo pa'ko ha." natatawa kong sabi rito. "Hindi naman awkward? Alam mo na, andyan yung asawa't anak ng ate mo." pahabol ko dito, [Sinong ate?] tanong nito. "Si Eula." sagot ko. [She only has her daughter, Ylona.] he said that enlightened my mood, "Wala siyang asawa? Eh si Vitto, yung ex ni Astrea?" tumawa siya at sinagot ang sinabi ko. [Ano ka ba, nagkabalikan na si Ate Reng at Kuya Vitto. Single mother yun si Ate Elay.]
"Talaga ba? Asan yung tatay nung baby?" I asked, [Ayun, hinahanap pa nila kuya eh. Di raw kilala ni Ate. Kaya kuya may chance ka pa.] tsaka ito humagalpak ng tawa. Matapos naming magkwentuhan ay nagready na akong umuwi sa Pilipinas. Oo, andito ako sa Switzerland kasi napagdesisyonan kong mag branch out ng Pet Hospital.
As the plane landed unti unting kumakabog ang dib dib ko, hindi ko alam kung dahil ba sa excitement o dahil sa kaba, siguro both.
"Kuya!" ani Grace at tsaka ako niyakap, "Ang laki mo na ah." tsaka ko ginulo ang buhok nito. "Kuya naman, yung hair ko." nagulat ako sa sinabi nito. "Ano? Hair?" humagalpak ako ng tawa nang bumusangot ito, "Nako, may jowa na kasi 'yan." si Ate Maira nang yakapin ako nito. "Jowa? At sino naman 'yan?" I glared at her for her to answer my question, "Hello po, Hansleth Crisostomo po." then he offered me a handshake. "May kapatid ka bang Carlo?" tanong ko rito, "Meron po." nakasmile nitong sabi. "Utol pala 'to eh." then I gave him a bro hug.
"Family dinner tayo mamaya." pagaaya ni ate, "Can't mag aannounce si Primo ng engagement niya, invited ako." explain ko.I wore a blue tux with a bow tie, inayos ko rin ang brown hair ko.
BINABASA MO ANG
Blood of Sy Series 1: The Forgotten Promise
Teen FictionEula, Astrea, Clio, Shiloh, and Cassedie. Five best friends na ginather para ibreak ang isang balita na sila ay magkakapatid sa ama. As they ask questions about their family they then knew na ang panganay na anak ng kanilang ama ay pinatay at pamil...