Nanonood lang kami ng netflix nang maalala ko ang bilin ni Astrea at Shiloh. "Ah, love." tawag ko dito, tiningnan niya ako, "Yes love?" half smile nitong sagot. Huminga ako ng malalim at nagsalita "I'm leaving to Manila, next month, kay Astrea." sabi ko, "Oh, ilang days?" tanong nito at tsaka tumingin ulit sa tv. "Hindi days, for 6 years ako doon sa condo niya." nanghihina kong sabi, "Ano love? Ilan? Sorry nakafocus ako eh." tanong ulit nito. "6 years love. Dun ako mag memed school sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Pero uuwi uwi rin naman ako dito." kumalas siya sa pagkayakap sa akin at tsaka umayos ng upo, "Bakit ngayon mo lang sinabe? Tsaka bakit ka pa lilipat? Maganda naman sa MCU ah." tanong nito. "Eh love, mas maganda med school doon." sagot ko dito, "Eula, alam mong ayaw ko ng magkaibang school, mahirap yun." seryoso nitong sabi. Huminga ako ng malalim, "I know, pwede mo naman ako puntahan." naka yuko kong ani. "Let's break up, pursue your dream." nagulat ako nang bitawan nito ang mga katagang iyon, "Love." naluluha kong tawag sa kanya. "Sorry Eula, di ko talaga kaya ng ganun, alam mong hirap na ako sa course ko, I can't do that. Sayang sa oras." nanghihina akong tumayo at kinuha ang purse ko, nagbook ako ng grab at pumunta sa BGC para uminom.
Sinubukan kong tawagan sila Shiloh pero wala talaga, siguro nageenjoy na sila o kaya mga tulog na. Nagkaroon ako ng lakas nang sagutin ni Mica ang telepono niya, [Labs?] sagot nito, "May ginagawa ka? Andito ako sa BGC let's have some drinks sana." sabi ko habang naghahanap ng club na papasukan. [Sorry, finals kasi namin ngayon, I can't. Bawi ako after.] anito, "Sige, goodluck." at tsaka ko ibinaba ang tawag. Pumasok ako sa isang club na feeling ko friendly naman, dumiretso ako sa may counter top, "One margarita." sabi ko sa barista habang kinakalikot ko ang cellphone ko para may maalok. "Oh, Eula." I raised my head then saw Eugene wearing a barista's uniform, "Eugene? Why are you here? Wait, barista ka?" sunod sunod kong tanong sa kanya. "Boss, mauuna na ako." paalam nung isang waiter, "I own this place, ikaw why are you here? I can't see any shadow of your friends." ani Eugene. "No, I came alone." half smile kong sambit, "Would you like to taste our best seller? It's called oublier which means forget in french." pageexplain nito. "I think I'll have the margarita first and then serve me the drink you're talking about." agad niya naman akong sinervan ng margarita and in no time ay naubos ko na ito.
"Here." pagkaabot niya nung best seller nila, I was to drink it in one shot when he grabbed my wrist. "Wag mong i-bottoms up, you'll feel tipsy and after minutes, drunk." bilin nito sa akin, tumawa ako at binatuhan lang siya ng tingin. Iba ang hagod nito sa lalamunan nang isahan ko itong nilagok, "I'm here to be wild." sabi ko, kasabay noon ay ang pagtapon ko ng purse sa kanya at pagpunta sa dance floor. I danced through the beat and nakisabay sa hiyawan ng mga tao everytime na nakaka hype yung music. While I was enjoying the night someone approached me, "Hi." anito. Tiningnan ko lang siya nang saglit at nagsimulang tumalon talon, "I'm Kiefer, Philosophy student at UP." pagpapakilala nito. "Hindi ka naman madaldal 'no." pagsusungit ko dito, so irritating.
I was about to go back to my seat nang hawakan niya ang palapulsuhan ko, "Don't. Touch. Me." mariin kong sabi. "Look, let's just have one drink." pagaaya nito sa akin at tsaka ako tumango. Binitawan niya ang kamay ko sa pagaakalang susunod ako sa kanya, akma ako aalis nang hawakan niya ang braso ko. "Let go!" sigaw ko nang may sumapak sa kanya, "Dude, pag ayaw sumama wag pilitin. Get lost." umatras ito kaya humarap si Eugene sa akin, "Are you okay? Wala naman bang-." I was shocked nang biglang napaluhod ito sa harapan ko, hinampas siya ng bote nung Kiefer which caused him to almost collapse. "You're bleeding!" nanginginig kong sabi sa kanya, I immediately tore my long dress at tsaka ito priness sa sugat niya. "Give me your car keys." utos ko dito, "Ayoko nga, baka i-estafa mo eh." pagbibiro nito. "You even managed to tell a joke. Give me your fucking keys." pikon kong sabi, "Chill, eto na nga." tsaka niya ito binigay sa akin. Inalaayan ko siya papuntang parking lot habang ang mga bouncer naman ay pinaalis yung Kiefer and also pinapulis na rin. "Sure ka ba talaga na sober ka na? Baka naman mamatay ako sa car crash niyan hindi dahil sa sugat ko." pabiro nitong sabi, "Pwede ba manahimik ka nalang." pagsusungit ko. "You really have a temper, lalo na pag lasing ka." tinapunan ko siya ng tingin at nagsalita, "Para kang babae, ang daldal mo for pete's sake." tumahimik nalang ito hanggang sa makarating kami sa ospital.
"Bat naman kasi nagpaka hero ka pa doon? Ang epal mo rin eh 'no." then I rolled my eyes, "Okay ka lang? Edi napahamak ka pa sana." sambit nito habang sapo sapo niya ang ulo niya. "I've been into that situation many times and nakalusot ako kahit magisa ako." pagmamayabang ko, "Eula?" napatingin ako sa likod ko nang makita ko si Cassedie. "Cas!" tawag ko rito, tumayo ako at pumunta sa kanya. "What are you doing here? Diba may slumber party kayo." tanong ko sa kanyan, "Natin, di ka lang umattend. Anyway, nagkaroon kasi ng emergency operation kaya nag assist ako. Ikaw? Hindi ba dapat kasama mo boyfriend mo? Tsaka bakit kayo magkasama ni Eugene?" napabuntong hininga ako tsaka sumagot, "I had few drinks sa club niya and someone harassed me tapos he dealt with it. Correction, ex-boyfriend." napatakip siya sa kanyang bibig at tsaka tumawa. "Oh em! The girls needs to know this, sumama ka na sakin pabalik doon." ani Cassedie, kinuha niya ang phone niya sa kanyang side pocket at minessage na sila Cleo. Kumuha ako ng resibo sa purse ko at nanghiram ng pen, sinulatan ko ng note si Eugene saying thank you and then left with Cassedie papunta sa bahay nila Shiloh.
•••
A/N: Thank you for reading the First Chapter of BoS: Eula Soriano❤️
BINABASA MO ANG
Blood of Sy Series 1: The Forgotten Promise
Fiksi RemajaEula, Astrea, Clio, Shiloh, and Cassedie. Five best friends na ginather para ibreak ang isang balita na sila ay magkakapatid sa ama. As they ask questions about their family they then knew na ang panganay na anak ng kanilang ama ay pinatay at pamil...