1

19 1 0
                                    

PAST AND PROMISES
written by jhilyneeeeed




"Send ko na lang po yung photo, Sir. Paconfirm na lang po kung iyon ang hinahanap niyo. Salamat." Sabi ko saka pinatay ang tawag.

"Maam ang vintage watch po na pinapahanap niyo ay nabili na po sa isang pawnshop." Malungkot na tugon ko sa tawag na isang ring palang nasagot ko na.

"Miss yung tops po na inorder niyo ay ide- deliver ko na mamaya. Pasend na lang po ng address niyo. Thanks." Pinatay ko ang tawag saka humilata sa kama.

Ilang minuto akong nakapikit lang saka tumayo na at bumuntong hininga. Kinuha ko na ang longsleeve coat na nakasabit sa may kabinet at isinuot iyon kahit tirik ang araw sa labas.

Sasabak nanaman ako sa matinding iwasan sa kalsada at sasakyan.

"Ay sorry Miss!" Sabi sakin ng isang babaeng nasa mid 30's ng mabunggo niya ako. Agad kong naramdaman ang pagpikit ng mata ko at paggalawa ng kamay ko para pigilan si Ate.

"Miss sorry talaga. Male- late na ko." Mabilis na sabi niya at pilit tinatanggal ang pulsuhan niya na nasa kamay ko.

"Matatanggal ka sa trabaho at malulugi ang family business niyo. Huwag kang pumasok ngayon para hindi matuloy." Wala sa isip kong sabi saka kusang bumukas ang mga mata ko.

Napansin ko kaagad ang magulong tingin sakin ni Ate na hawak ko pa rin ngayon. Agad ko siyang binitawan at nag sorry. Umalis agad ako doon ng umiiling dahil sa kahihiyan.

"Miss paabot ng bayad. Bingi ka ba!?" Sigaw nung lalaking nasa mag pintuan ng jeeo nakaupo. Ako naman agad na umusad para maabot ang bayad na pinapabigay niya at tahimik na nagdasal sana ay hindi magkadikit ang braso namin.

"Ay ukinam!" Sigaw kong gulat at nakapatingin sakin ang ilang sakay ng jeep, naramdaman ko nanaman ang kusang pagpikit ng mga mata ko.

Napangiti ako sa sarili ko at dumilat. Inabot ko na kay Manong ang bayad na pinapaabot kanina. Nilingon ko ang lalaki at nginitian.

"Kuya, makukuha ka sa isang malaking kompanya. Fighting!" Sabi ko at saka pumara. Dinampot ko na ang malaking bag na pinaglalagyan ng mga idedeliver ko.

Natawa na lang ako ng marinig ko ang bulong ni kuya.

"Baliw ata. Pero sana magkatotoo." Rinig kong bulong ni kuya kahit nakalayo na ang jeep.

"Dito po ba ang bahay ni Ariane Dela Cruz?" Tanong ko sa babaeng kakalabas lang ng gate.

"Ako yon. Ry Shop?" Tanong niya sa akin saka binuksan ng malaki ang gate.

Tumango ako sa kanya at binuksan ang bag na dala ko. Inabot ko sa kanya ang plastik na naglalaman ng order niya na puro croptop at off shoulder.

"Sa inyo po ba to?" Tanong ko habang hinahanap sa sling bag ko ang notebook kung saan nakalagay ang invoice niya.

"Hindi, sa anak ko to." Sabi niya saka ngumiti sa akin.

"We? May anak na po kayo? Mukha lang tayong magka- edad, Maam." Sabi ko sa kanya saka kinindatan na nagpatawa sa kanya.

"Naku, hija. Wala na ako sa kalendaryo." Natatawa niyang sabi saka inabot ang bayad. Agad akong napa atras at napapikit.

Narinig ko siyang tinatanong ako kung anong nagyare pero ayaw bumukas ng bibig ko.

Nagulat na lang ako ng naramdaman ko ang pagyugyog ng katawan ko.

"Ayos ka lang, Miss?" Nag aalalang tanong niya.

"Sorry po, Ate. Pwede pong malaman kung tumataya kayo sa lotto?" Tanong ko sa kanya na nagpasilay ng ngiti niya.

"Ang asawa ko, hija. Bakit?" Nagtataka niyang tanong sa akin.

"Mananalo kayo sa 1million jackpot prize pero mawawala lahat ng iyon kapag nagamit niyo sa masama ang pera. Mag ingat po kayo. Salamat." Tuloy tuloy kong sabi saka kinuba na ang bag na dala ko at pumihit na paalis.

Habang naglalakad papunta sa restaurant na pagdedeliveran ko ay narinig ko sa isip ko ang sinabi nung babae tungkol sa lotto.

"Diyos ko! Pagalingin mo ang batang iyon!"

Natawa ako sa narinig ko. Hays, mukha ba akong baliw?

"Tala, anong kapalaran ko ngayon?" Tanong sakin ni Jai, kaibigan ko.

"Tanga, hindi ka magkakaboyfriend ngayon." Tamad kong sabi sa kanya saka sumimsim ng juice.

"Grabe ka naman. Ano nga?" Pangungulit niya tsaka inagaw ang cellphone ko na ginagamit ko sa pagsagot ng inquiries.

"Friendzone, Jai! Friendzone!" Inis kong sigaw sa kanya saka hinablot ang cellphone ko sa kanya. "May costumer ka na!" Dugtong ko ng marinig ang tunog ng wind chime.

"Gaga ka!" Pabulong niyang sabi na may diin saka hinatak ang buhok ko.

"Susumbong kita sa Manager niyo!" Sigaw ko sakanya na inirapan niya lang.

"Miss?" Tanong sa akin ng isang lalaking ay katangkaran at ay dalang gitara.

"Yes po?" Balik na tanong ko sa kanya at nilapag sa lamesa ang baso ng juice na iniinuman ko.

"Ry Barcelona po?" Tanong niya sa pangalan ko. Nakalimutan ko, baka eto na yung hinihintay kong nagpahanap ng vinatge guitar case. Mababawasan na rin ako ng mabigat na bitbitin.

Agad kong kinuha sa tabi ko ang guitar case na bubbble wrap ang balot at inabot sa kanya.

Napabuntong hininga na lang ako ng hindi magdikit ang balat namin, buti na lang.

"Miss sakto na ba yung bayad o may handling fee?" Alinlangan niyang tanong ng bumalik siya sa pwesto ko. Umiling lang ako at ngumiti. Umalis na rin siya ng tuluyan.

Pupunta pa ako ng angkatan ng para kumuha ng mga order na idedeliver ko bukas. Na message ko na rin lahat ng antique shops na alam ko para magpahanap ng mga pinpahanap ng costumers ko.

"Wait!" Tawag sa akin ng isang babae at saka hinawakan ang balikat ko. Tinggal ko pa naman ang longsleeve kko at naka thin strap lang.

Naradaman ko nanaman ang pagpikit ng mata ko at pagdaloy ng mga pangyayari doon.

"Betrayed. Mag- ingat ka sa mga nakakasalamuha mo. May tatraydor sayo sa mga kaibigan mo." Mahinang sabi ko na siguradong narinig niya.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko at nilingon ko siya. Namumutla at tila gulat sa narinig. Tinapik ko siya sa balikat at nginitian saka pumihit na paalis.

Nangyari na sa kanya ang sinabi ko. Nalate ang oras ng pagkikita namin at hindi kami nagkatagpo agad at hindi ko siya nasabihan.

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko na agad kong pinunasan. Tuwing nangyayari ang ganoong pagkakataon na nale- late ang tadhana na pagtagpin ang dapat na sabihan ay nararamdaman ko ang nararamdaman nila. Sakit, galit, saya, selos, o kahit ano pa.

Tuwing nadidikit ang balat ng iba sa balat ko ay nakikita ko ang susunod na mangyayari sa kanila. Pwedeng ilang oras lang o ilang taon bago mangyari. Madaming naniwala, pero mas madami ang nagsabing baliw at may sakit ako sa isip. Madami ding nagalit dahil sa mga nakita ko at sinabing diniktahan ko ang buhay nila.

Hindi ko sila masisisi dahil ako to.

Dahil ako si Tala Ry Barcelona. Isang babaeng biniyaan na makita ang susunod na mangyayari sa mga tao. At ang dahilan? Hindi ko rin alam.

















A/N: STREAM SIGURO BY KYLE JULIANO.

PAST AND PROMISES | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon