4

2 1 0
                                    

PAST AND PROMISES
written by jhilyneeeeed




"Eudora! Ikaw ba ay sasama o hindi?" Sigaw ng aking nakakatandang kapatid na nagngangalang Teodoro.

"Heto na!" Sigaw ko mula sa aking kwarto at lumabas na.

"Madami bang magagaling sa itak doon?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad.

"Magagaling din sa paghawak at paggamit ng baril."Sabi ni Kuya Teodoro at umarte pang may hawak na barili kay napatawa ako.

"Maaari ba akong magpaturo sa kanila gumamit ng baril?" Taka kong tanong saka lumingon sa kanya. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo at inis na tumingin sa akin.

"Umuwi ka na lamang kung puro armas ang iyong nasa isipan." Mataman niyang sabi sa akin at nauna ng maglakad.

"Ako lamang ay nagtatanong." Sabi ko sa kanya ng mapantayan ko ang lakad niya at yumuko.

Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang braso sa baikat ko patunay na inakbayan niya ako.

"Mangako ka sa minamahal nating bansa, kapatid kong Eudora. Manatili kang tapat at naisin ang kalayaan mula sa Espanya. Huwag na huwag magpapabulag sa pera." Mahina niyang bulong sa akin at ginulo ang aking buhok.

Tumango ako sa kaniya at tuloy tuloy ng naglakad habang tinitignan ang aking sarili sa hinaharap hawak ang baril. Ang sarap sa pakiramdam.

Pagkadating namin sa kanilang laging tagpuan ay bmungad sa akin ang halos mahigit isang daan katipunero na namamahinga.

Agad sumilay ang ngiti sa aking labi at tumayo sa kanilang harapan at tinawag ang kanilang atensyon. Sinubukan pa akong pigilan ng akking kapatid ngunit huli na siya at naitaas ko na ang aking kanang kamay.

"Ako, si Eudora Rosario, ay nangangakong mananatiling tapat sa iniibig kong bansa at hindi kailanman maghahangad at magpapabulag sa kapangyarihan ng mga Kastila. Ang tanging hangad ko lamang ay ang malanghap ang hangin sa tinubuang lupa na may galak at ngiti sa labi at isigaw na "Laya na ang ating bansa! Laya na mula sa mga malulupit na Kastila!" Matigas na sabi ko sa harap nila at saka yumuko. HInarap ko ang aking kapatid na ngayon ay katabi na aming ama. Parehas nila akong nginitian na para bang mangha sila na dumadaloy sa aking dugo ang pagmamahal sa bansa. Pumikit ako at inilarawan sa aking isip ang mapayapang bansa.

"Gising!" Sigaw ng kung sino sa harap ko kaya bigla akong napadilat.

"Ano bang sinasabi mo!?" Sigaw niya ulit mismo sa harap ng mukha ko.

"Ano bang sinasabi ko?" Taka kong ballik ng tanong sa kanya.

"Bakit ka nangangako at ibang pangalan ang binabanggit mo?" Tanong niya at saka umalis na sa harap ko at bumalik sa harap ng laptop niya.

Sinubukan kong alalahanin ang sinasabi niyang nangangako ako ng biglang pumasok sa isip ko lahat ng nangyari.

Tama si Jai. Nangangako nga ako sa harap ng mga Katipunero. Ako si Eudora Rosario ng taong 1895.

"Hoy tama na pangangarap. Kanina pa tumutunog cellphone mo." Biglang sabi ni Jai kaya tinignan ko ang cellphone ko at puro text iyon ng isang unregistered number, baka costumer.

Agad kong binasa iyon costumer nga.

May hinahanap siya at magpapatulong siyang hanapin yon, ng tinanong kung anong item ay hindi niya naman sinabi at magkita na lang daw kami sa The Book, isang library kung saan nagtatrabaho si Jai.

Pumayag agad ako babalik na sana sa pagtulog ng mapansing umaga na pala. Wala akong nagawa at pumunta na lang ng banyo para maligo at mag ayos.

"May idedeliver ka?" Tanong ni habang kumakain siya at ako naman ay palabas ng apartment.

Hinarap ko siya at kinindatan ng may kasamang ngiti. "Date!"

Agad siyang lumapit sa akin at tinapik ang palad sa mukha ko kaya napapikit ako.

Ng dumilat ako ay para siyang tangang naghihintay sa sasabihin ko.

"Tataas ang sahod mo sa cafe, hindi ka na tagapunas sa library at mapupunta sa inventory, at may lima kang uno na grade." Sabi ko na nagpatalon sa kaniya at nagpasigaw kaya nasigawan nanaman kaming manahimik. Puro taga callcenter kasi ang katabi namin na night shift.
Parehas kaming napangiwi at tumawa ng mahina. Lalabas na sana ako ng pinto ng magtanong nanaman siya.

"Kelan mangyayari yon?" Sabi niya saka nagpuppy eyes. Akala niya naman ay malalaman ko kung kelan kapag ginawa niya yon.

Nginitian ko siya ng peke at saka nagsalita. "Hindi ko alam."

Matapos kong sabihin iyon ay tuloy tuloy na akong lumabas. Habang nasa daan ay iniisip ko ang mga nakita ko sa pagtulog ko.

Kung bumabalik ako sa nakaraang buhay ko anong dahilan? Bakit kailangang ipakita ulit sa akin ang nakaraan na yon? Nagtaksil ba ako sa Pilipinas noon at kailangan kong pagbayaran ngayon?

Hindi ako pwedeng mawala sa world! Wala pa akong maraming pera at wala pa akong boyfriend! Mag- aasawa pa ako ng engineer na umiigting ang panga!

"Here!" Sigaw ng lalaking nakatingin sa akin kaya lumapit ako doon. Eto na siguro yung magpapatulong.

"Ikaw yung laging tumutulong sa akin!" Malakas na sabi ko sa kanya kaya napatingin sa akin ang ibang tao sa cafe pero hindi ko na pinansin at umupo sa harap niya.

Dumako ang tingin ko sa dibdib niya at himalang hindi nanikip ang dibdib ko kaya bumuntong hininga ako.

"Tulungan mo akong hanapin ang may ari ng kwintas na to." Diretsong sabi niya at nilapag sa harap ko ang kwintas na suot niya nung nagkita kami sa tawiran at sa cafebar.

Pumikit ako at hinintay ang paghapdi ng dibdib ko pero wala kaya ngumiti ako at kinuha ang cellphone ko para picturan ang kwintas.

Pagkatapos ay binalik ko na sa bag ang cellphone at kinausap siya.

"Tala Ry Barcelona." Pagpapakilala ko at saka inextend ang kamay sa kanya.

Tinanggap niya iyon at nagpakilala na rin. Ulit, wala akong nakita sa kanya.

"Von Edward Trias." Pagpapakilala niya. Naramdaman ko nanaman ang pagdilim ng paningin ko pero bago matuloy iyon ay naramdaman ko ang pagpisil ni Von sa kamay ko kaya bumalik ako sa ulirat.

"Pangako na dapat kong ibigay sa may- ari yan kaya kailangan magawa iyon bago mahuli ang lahat." Nakangiti niyang sabi sa akin pero ang mga mata niya malungkot.

Nakita ko na ang mga mata na iyon. Nakita ko na.












ps. Gregoria de Jesus is Bonifacio's wife.
A/N: STREAM SIGURO BY KYLE JULIANO.

PAST AND PROMISES | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon