PAST AND PROMISES
written by jhilyneeeeedNapahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ang hapdi at kirot doon.
"Miss ayos ka lang?" Inalalayan ako ng isang pamilyar na lalaki at sinuportahan ang balanse ko.
"Ayos lang." Sabi ko saka umayos ng tao at humawak sa poste ng ilaw sa tabi ng kalsada.
Ng mabawi ang balanse ay humarap ako sa kanya at ngumiti bilang pasasalamat. Sakto naman ay umilaw na ang sign na pwede ng tumawid kayan naglakad na ako palayo sa kanya.
Nararamdaman ko pa rin paghapdi ng dibdib ko pero nakakapagtaka ay nakakaya ko ng balansehin ang sarili ko.
Ng mmarating ang kabilang dako ng alsada ay didiretso na dapat ako sa antique shop na pagpipick- up an ko ng isang antique radio ng huminto ako pumikit.
Bakit ganon? Nahawakan niya ako. Nagtama ang balat namin. Naramdaman ko ang lambot kamay niya sa balikat ko. Pero bakit wala akong nakita? Posible bang nawala na ang kakayahan ko?
"Miss bakit?" Tanong sa akin ng isang babaeng hinawakan ko ang kamay. Naramdaman ko ang mata kong pumikit at ang mga litrato at pangyayari sa isip ko. Pag dilat ko ay tinanggal ko agad ang kamay sa kanya.
"Sorry po, nagkamali lang." Mahina kong sabi saka naglakad palayo sa kanya.
Binalikan ko ng tingin ang kinakatayuan ng lalaki kanina pero wala na siya doon. Nakikita ko pa rin sa isip ko ang pamilyar niyang mukha na hindi ko alam kung saan ko nakita.
Kailangan ko siyang mahanap. Hindi ko alam kung bakit hindi ko makita ang susunod na mangyayari sa kanya pero alam kong may dahilan.
Tinanggal ko muna sa isip ko ang nangyari kanina lang at pumasok na sa shop na pagkukuhahan ko.
"Mister Brown~" Pakanta kong tawag sa may- ari at dumiretso sa tanggapan niya kung saan nakalagay ang mga antique items niya.
"Hija, saglit lang. Kukunin ko lang sa likod." Sabi niya saka ako iniwan doon sa loob.
Nagikot ikot ako at nagbakasakaling mahanap ng mga items na pwede kong ilagay sa apartment namin.
Habang naglalakbay ang aking kamay sa ibat ibang bagay na nakadisplay dito ay may nakatawag ng pansin ko. Isang lumang box na parang first aid kit kung pipinturahan at lalagyan ng handle.
Sinubukan kong hindi pansinin iyon tumalikod na ng maramdaman ko ang parang paghila noon sa akin kaya pumihit ulit ako para balikan iyon.
Dahan dahan kong hinawakan ang box at binuksan iyon pero hindi ko pa nakikita ang laman ay bbiglang nag- itim ang paningin ko at wala akong makitang kung ano.
Sa takot ay kinusot ko agad iyon at sinubukang buksan ang mata para tignan kung bumalik ba ang paningin ko.
"Eudora, hindi ka pwedeng sumama sa amin ni Ama." Sabi ng isang lalaking mas matanda siguro sa akin ng ilang taon. Nakatao kami dito sa loob ng isang luumang bahay sa gitna ng bukiran.
"Kuya Teodoro gusto ko lang naman makita ang lugar ng mga katipunero. Nakakasawa din dito sa ating tahanan." Pangungulit ko sa lalaking kaharap ko.
"Bukas. Subukan mo ulit magpaalam kay Ama. Sa ngayon aalis na ako at baka hinahanap na ako ng iba naming kasamahan." Paalam niya sa akin at lumabas na ng bahay.
"Mag- iingat kayo roon!" Sigaw ko sa kanya at saka kumaway. Kumaway lang siya pabalik at tuloy tuloy ng naglakad palayo sa aming tahanan.
Pagkapasok ko sa loob ay umupo lang ako sa harap ng aming kaininan at kumuha ng maiinom ng may tumawag sa akin.
"Hija? Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ng matandang kakapasok lang sa pinto, at dala ang antique radio.
"Ano pong nangyari?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Sariwang sariwa sa isip ko ang nangyari.
"Hindi ba't ikaw dapat ang tinatanong ko hija? Kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang diyan sa box na hawak mo." Nagtataka rin niyang tanong sa akin.
Agad kong binitawan ang box na iyon at kinuha ang alcohol sa bag ko. Pagkatapos ay kinuha ko na ang radio at binigay ang bayad ko.
Bago ako umalis ay hinawakan ko ang kamay ni Mister Brown.
"May bibili po sayo ng maraming items. Huwag kakaimutan ang gamot." Sabi ko saka nagmano at umalis.
Katipunero? Katipunan? 100 years ago? 110 years? or 120?
Ano ang pangyayari na iyon?
"Miss Tala? Friend ko ang kukuha ng item. Nasa cafe na siya." Sabi ng lalaking umorder ng antique radio na hawak ko ngayon. Nagpaalam lang ako sa kanya at binaba na ang tawag.
Mamaya ko na siguro iisipin iyon. Kailangan ko itong ideliver at baka mawalan ako ng costumer.
Pagkarating ko sa cafe ay nilapitan ko agad ang nag- issang lalaki doon at umupo sa katapat na upuan niya at nilapag doon ang radyo.
Nagpaalam siyang oorder lang at nagpaalan din akong pupuntang cr kaya tumayo muna kami.
Pagpasok ko sa loob ng cr ay may nagsalita sa likod ko.
"Anak, saan ka pupunta?" Tanong sa akin ng isang lalaking nasa 40 na ang edad.
"Sa likod bahay, Ama. Mag eensayo." Sabi ko at saka ngumiti. Hindi ko na siya hinintay na magsalita at tumakbo agad ako papunta sa likod upang mag ensayo at magsanay sa oaghawak ng itak.
"Eudora! Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa!?" Galit na tanong ni Ama at saka lumapit sa akin at inagaw ang itak na hawak ko. "Kailan pa itong ginagawa mo!?" Galit niya pa ring dugtong.
"Titigil lang ako Ama kapag isinama mo na ako sa tuwing pupunta kayo sa lugar ng mga katipunero." Nagtatampo kong sabi at inilihis ang tingin sa malawak na bukirin.
"Bata ka pa, hindi pwede." Matigas na tugon niya at inilihis din ang tingin sa akin.
"Ama, sinasabi mo na sa akin iyan simula ng maitatag ang Katipunan noong taong 1892 at 1895 na ngayon. Labing siyam na ang edad ko at hindi mo pa ako dinadala doon. HIndi ba't ganoon lang edad ng aking nakakatandang kapatid na si Kuya Teodoro ng isinama mo siya?" Nagtatampo ko pa ring tugon sa kanya ng hindi tumitingin sa kanyang mga mata.
"O siya at nagtatampo na ang aking anak. Bukas ay isasama kita. HIndi kita pipigilan kung nais mong sumama sa pakikipaglaban para sa ating bansa basta ay manatili kang tapat." Sabi ni Ana na nagpasibol ng kasiyahan sa aking dibdib.
Pumasok agad ako sa aming tahanan at dumiretso sa aking silid para magpahinga. Doon ko naramdaman ang pagod sa aking katawan dulot ng pag eensayo sa umaga tuwing wala ang aking kapatid at Ama.
Bumuntong hininga ako dahil sa antok at ipinikit na ang aking mga mata.
"Miss? Miss?" Rinig kong tawag sa akin ng kaharap ko. Idinilat ko mata ko at takang tumingin sa kanya. Saka lang akong binalikan ng ulirat ng maproseso ko lahat.
Agad kong inusad sa harap niya ang item at kinuha ko na ang bayad na nilapag niya sa lamesa.
Nagpasalamat na ako at tatayyo na sana ng nagsalita siya.
"Noong nagpaalam akong oorder ay nagpaalam kang mag- cr. Nauna kang bumalik sa akin pero tulog ka nga ng bumalik ako dito. Take a rest, Miss." Sabi niya at saka naunang lumabas sa akin.
Siguro nga pagod lang to, Tala. Mabubura din sa isip mo lahat ng nakita mo ngayon.
Matutulog na lang ako sa apartment at magpapahinga. Kulang lang ako sa pahinga at sobra sa pagod. HIndi na to mauulit- pero takte! Bakit pakiramdam ko ay ako talaga iyon at nangyari na talaga ang nakita kong yon?
A/N: STREAM SIGURO BY KYLE JULIANO.
BINABASA MO ANG
PAST AND PROMISES | ✔
Historical FictionAnong gagawin mo kung nakikita mo ang nakaraang buhay mo? Samahan sina Tala Ry Barcelona at Von Edward Trias sa mala k-drama nilang kwento. Date started: June 30, 2020 Date Finished: July 2, 2020