8

2 1 0
                                    

PAST AND PROMISES
written by jhilyneeeeed




"Nahanap ko na ang may- ari ng kwintas, Tala." Masayang sabi sa akin ni Von. Isang linggo na simula nung tinamaan ako ng lagnat at hindi niya na inungkat ang pag iyak ko ng gabing yon.

Ngayon at nahanap na niiya DAW ang may ari ng kwintas ay sumibol sa akin ang takot.

Hindi na ba kami ulit magkikita kapag naibigay na niya sa may ari yon?

"Hoy nakikinig ka ba?" Tanong niya saka pinitik ang ilong ko. Tsk.

"Ano daw pangalan?" Walang emosyon kong tanong sa kanya at kunwaring may ginagawa sa cellphone.

"Andrea Lacson." Masaya niya pa ring sagot. Hays.

"Paano ka nakakasigurong siya yon?" Naagaw ng atensyon niya ang tanong ko.

"Siya lang ang umangkin."Kibit balikat na sagot niya saka nagsimula ng kumain.

Pinanood ko siyang kumain at nawala lang  ang tingin ko sa kanya ng nagsalita siya.

"Bakit ka ba nakatingin?" Inis na tanong niya na nagpayuko sa akin.

"Ano ng gagawin mo kapag naibigay mo na sa kanya yon?" Wala sa sarili kong tanong na nagpaubo sa kanya. Agad ko siyang inabutan ng tubig at nginiwian.

"Hindi ko alam. Wala na akong gagawin." Matamlay niyang sabi.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang nagdudugo niyang ilong.

"Nagdudugo ilong mo!" Alerto kong sabi sa kanya at saka binato ng panyo na nasalo niya naman.

Pinapanood ko lang siyang oinuounasan ang ilong niya hanggang sa magtigil ang pagdudugo noon.

"Namumutla ka, ano bang nangyayare sa yo?" Nag aalala kong tanong sa kanya at saka inabutan ng malamig na tubig na hiningi ko sa nagdaang crew kanina.

"Wala. Mainit kasi ang panahon.." Sabi niya lang na tinanguan ko.

Nagpahinga lang siya saglit at nag ayaw ng lumabas. Hesitant pa ako nung una pero sinamahan ko na..

Pupuntahan namin yung shop ni Mister Brown kung saan ko binili yung guitar case niya at ma hahanapin daw siya. Hindi ko alam kung ano.

"Mister Brown~" Pakanta kong tawag sa may ari.

"Hija, may hahanapin ka ba?" Tanong niya saka kami pinapasok sa loob.

"May hahanapin po  siya." Turo ko sa katabi kko na naglalakbay na ang mata.

Itinuro lang ni MIster Brown ang tanggapan niya at nakuha ko na agad ang gusto niyang sabihin.

Pagpasok mo kasi ay hindi siya mukhang antique shop dahil puro sapatos ang nakadisplay. Ang mga antique items niya ay nasa loob ng tanggapan niya.

"Magpapalibre ka ba ng sapatos?" Hindi makapaniwalang tanong ni sa akin ni Von na tinawanan ko lang.

HInawakan ko ang kamay niya papasok sa tanggapan at doon na siya namangha.

Umupo ako doon habang hinihintay siya. Ilang saglitl lang ay lumapit na siya dala ang isang box.

Iyon yung box na hinawakan kung saan unang beses ko nakita ang nakaraang buhay ko.

Umiling ako sa sarili ako tinanong si Von.

"Yan na ba?" Tanong ko sa kanya at tumango na siya.

Binayaran na namin iyon kay Mister Brown at lumabas na ng shop.

Sinundan ko pa siyang maglakad pero humarap siya sa akin at nagsalita.

"Uuwi na ko. Umuwi ka na rin." Sabi niya at saka ako tinalikuran.

Nagkibit balikat na lang ako at nag abang na ng tricycle na dadaan. Mainit sa jeep ngayon.

Pag- uwi ko ay nadatnan ko lang sa bahay si Jai na parang mauubos na ang pasensya sa harap ng laptop.

HIndi ko siya pinansin at nagbihis na. Parang masarap matulog ngayon.

"Tala may writing skills ka ba?" Tanong niya sa akin at saka nagpuppy eyes.  "Tulungan mo ko gumawa ng story ng isang lalaking katipunero." Dugtong niya dahilan para makaramdam ako ng hilo.

Agad ko siyang inilingan at humiga sa kama bago pa ako lumanding sa tiles.

"Binibini, tatanungin ulit kita. Bakit ka nanginginig tuwing ako ay kaharap mo?" Tanong sa akin ni Simon habang magkatabi kami at nagmimiryenda.

Gaya ng dati ay hindi ko siya sinagot ay itinuon ang pansin sa pagbabalot ng tela sa aking kamay.

"Ikaw ba ay may pagtingin sa akin?" Diretsong tanong niya na nagpatigil sa akin saglit.

"Sa halos isang taong kong pamamalagi sa kuta ng ng mga Katipunero at sa araw araw na pgamot ko sa sugat mo ay walang palya kitang pinapanood, Ginoo." Dire diretso kong sabi sa kanya at himalang hindi ako nakaramdam ng takot. "Sa dinami ng buwan ng kinakausap mo ako at tinutulungan sa pag eensayo ay nahulog na ako." Dugtong ko at naramdaman ko ang pagtigil niya.

"Mahal kita. Hindi mo kailangang sumagot. Hindi mo kailangang sabihin na 'Mahal din kita.' dahil mas gugustuhin kong marining mula sayo na mas mahal mo ang ating bansa kaysa sa akin." Sabi ko sa kanya at saka dinampot ang itak sa aking tabi at dumiretso sa likod bahay.











A/N: STREAM SIGURO BY KYLE JULIANO.

PAST AND PROMISES | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon