PAST AND PROMISES
written by jhilyneeeeed"May gagawin ka ba bukas?" Tanong ni Von sa akin nung sinagot ko ang tawag niya.
"Magdedeliver, bakit? Mag aaya ka ba ng date?" Tamad kong sabi dahil anong oras na tumatawag pa.
"Ikaw ba'y buo?" Inis na tanong niya sa akin. Bwiset siya.
"Huwag kang tatawag ng alas dose kung ayaw mong makarinig ng ganyang sagot." Sabi ko at saka pinatay ang tawag.
Hindi pa naman ako matutulog or hindi niya naman ako nagising. Nanonood ako ng kdrama!
"Tala! May naghihintay sayo sa labas! Umiigting ang panga!" Rinig kong sigaw sa akin ni Jai. Agad akong bumangon at nalaglag pa sa kama. Ang ending landing sa tiles ang pwet.
"Sino ba yon!?" Inis kkong sigaw din sa kanya kaya narinig nanaman namin ang nananaway naming kapitbahay.
HIndi niya ako sinagot at tumawa lang. Lumabas na lang ako para makita kung sino ang sinasabi niyang naghihintay.
"Nice! Bagong gising." Bati niya sa akin pagkabukas ko ng pinto.
Ng makita ko ang maaliwalas niyang mukha na halatang nakaligo na kaya agad kong sinara ang pinto at tumakbo papuntang banyo.
"Bakit!?" Inis kong tanong sa kanya ng lumabas ako sa apartment ng nakaligo na.
"Naks bilis maligo." Natatawa niya pang pang aasar sa akin.
Inirapan ko lang siya at kinuha ang cellphone ko sa bag.
"For sale. Vintage necklace." Sabi ko sa sarili ko habang nagkukunwaring nagtatype sa cellphone.
Agad niyang inagaw iyon at inakbayan ako palabas ng gate.
Sa halos isang buwan ko siyang tinutulungan ay naging close na kami na halos mukha kaming matagal ng magbestfriend.
Lagi ko din siyang kasama kapag nagdedeliver at lagi niya akong sinasama sa mga gig niya.
MInsan na rin kaming sabay na kumanta sa isang cafe. Madalas ay siya na rin ang lumuluwas para kunin ang mga items na idedeliver namin.
At sa isang buwan naming laging magkasama, ay isang buwan na rin makalipas simula ng mag- umpisang makita o maalala ang nakaraang buhay ko.
"Anong sayo?" Tanong niya sa akin. Nandito na pala kami sa bilihan ng milktea.
"Dark chocolate." Sabi ko saka tumungo sa lamesa.
"Eudora?" Tawag sa akin ni Binibining Angelica.
"Bakit po?" Tanong ko sa kanya at saka nagpunas ng aking pawis dahil kakatapos ko lang mag- ensayo.
"Paparating na ang mga Katipunero mula sa ensayo. Pumarito ka at tulungan mo akong maghanda ng kanilang makakakain." Utos niya at saka tinuro ang mga kanin na iniluto sa dahon ng saging.
Naghugas na ako ng kamay at saka siya tinulungan roon. Hindi nga siya nagkamali dahil ilang saglit lang narinig na namin ang mga kwentuhan ng mga nagdadatingan na Katipunero.
Iniwan ko na doon si Binibining Angelica at pinuntahan si Binibining Delfina na nagpapakulo ng tubig upang panglanggas sa sugat at galos ng mga katipunero. Naglagay na ako sa palanggana at inumpisahang lapitan ang mga Katipunero.
Sa mga nauna kong nilapatan ng gamot ay ayos naman ang nararamdaman ko pero ng lumapit ako sa aking kapatid na katabi ang lalaking matagal ko ng ibig malaman ang pangalan ay tila nangatal ang aking buong katawan.
"Unahin mo na ang aking kaibigan. May malalim siyang sugat sa binti na tinamaan ng kahoy kanina." Sabi sa akin ng aking nakakatandang kapatid at tumayo sa kanyang kinauupuan kaya hindi na ako nakatanggi.
Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko lalo na ng siya ay humarap sa akin nakita na ang maaliwalas niyang mukha.
GAmit ang nanginginig na mga kamay ay inumpisahan kong huagasan ang sugat niyang may kalaliman nga.
Kinuha ko ang telang pangbabalot doon at inumpisahan takpan iyon ng makita ko ang kamay niyang hinawakan ang aking kamay.
"Bakit tila tuwing ako ang kaharap mo Binibini ay natatakot ka?" Tanong niya na lalong nagpasilay ng kaba sa aking dibdib.
Wala siyang natanggap na tugon sa akin at ipinagpatuloy ko na nag panggamot sa kanya.
Nalunasan ko na lahat ng sugat niya sa kanyang braso at binti. ang natitira na lang niyang sugat na hindi nagagamot ay ang sa may sintido niya.
Kaya tumayo ako at lumapit sa kanya. Nanginginig pa rin ang kamay na dinampi ang sugat niya upang punasan ang dugong natuyo roon ng iangat niya ang aking baba.
"Bakit ka nanginginig sa harap ko, Binibini?" Tanong niya sa akin habang nakangiti at tila nang aasar.
Sakto ay natapos ko ng gamutin ang sugat niya roon ay iniwan ko na siya at nilapitan ang aking kapatid na na nakauupo sa may bukana.
"Nalunasan mo na ba ang sugat ni Simon, Eudora?" Tanong niya sa akin na nagpatigil sa aking pag upo.
"Sa gayon ay Simon ang pangalan ng magandang lalaking iyon?" Nakangiti kong tanong sa kanya at tuluyan ng umupo sa tabi niya.
"Oo, bakit? Simon Carpio ang kanyang pangalan." Nagtataka niyang tanong at nilingon ako kaya agad kong tinanggal ang ngiti sa akin mukha.
Sinimulan ko ng gamutin ang kanyang sugat ngunit hindi ako makakilos ng maayos ng dahil sa kanyang mga tingin.
"Natitipuhan mo ba ang aking kaibigan?" Direstong tanong niya sa akin.
"Bakit? Ikaw ba ay magagalit at pababalikin ako sa ating tahanan?" Tanong ko sa kanya ng hindi siya tinitignan.
"Ayos lamang sa akin." May galak sa tono niyang sabi na nagpangiti sa akin. "Tiwala naman ako sa natitipuhan mo." Dugtong niya.
Ng natapos ko siyang lunasan ay tumayo na ako at dinampot ang mga kagamitan ng biglang may nagsalita sa aking likod.
"Sino ang natitipuhan ng Binibini, Teodoro?" Mataman na tanong ni Simon na nagpagulat sa akin at naisigaw ko ang kanyang pangalan.
"Von!" Sigaw ko at saka iniangat ang ulo na kanina ang nakadukdok sa lamesa.
"Ayos ka lang?" Tanong niya sakin. Agad akong huminga ng malalim dahil ramdam na ramdam ko ang kaba.
Tinignan ko ang mukha niyang nag- aalala at saka gumuhit sa mukha ko ang gulat.
"Simon."
ps. Angelica Lopez and Delfina Herbosa are Dr. Jose Rizal's nieces.
A/N: STREAM SIGURO BY KYLE JULIANO.
BINABASA MO ANG
PAST AND PROMISES | ✔
Historical FictionAnong gagawin mo kung nakikita mo ang nakaraang buhay mo? Samahan sina Tala Ry Barcelona at Von Edward Trias sa mala k-drama nilang kwento. Date started: June 30, 2020 Date Finished: July 2, 2020