5

3 1 0
                                    

PAST AND PROMISES
written by jhilyneeeeed





"Sorry Sir, but the item is not for sale. Thanks." Magalang kong sabi at saka ppinatay ang tawag.

"The necklace is not for sale po. Hinahanap lang po namin ang may- ari." Sabi ko pa sa isa ng may tumawag nanaman.

Simla ng ipost namin sa account ko ang kwintas at nagsimulang maghanap ng may ari ay dumagsa na ang tumatawag at nagtatanong kung magkano iyon at ipinagbebenta ba.

Sa sobrang dami ay nandito ako ngayon kaharap si Von na sumasagot ng mga inquiries sa laptop ko at sumasagot din ng tawag.

Samantalang ako hindi na alam kung paano sasagutin ang mga taong iba ang order sa akin. Kailangan bago mag alas dos ay maka- alis na ako dito dahil bibisita ako ng mga antique shop dahil madami silang pinapahanap sa akin.

"Tala? May nagmessage sayo." Tamad niyang sabi saka hinarap sa akin ang laptop.

"Hello. I heard madalas mo daw nahahanao yung mga pinapahanap sayo. Find this one at idodoble ko ang bayad sayo." Basa ko sa message doon. Tumango na ako at sinave ang photo sa aking cellphone.

Pagkatapos ay bumuntong hininga ako at tamad na sumandal sa aking upuan.

"Ayos ka pa?" Tanong ni Von at saka hinarap na ullit sa kanya ang laptop at nagsimulang magreply sa mga tungkol sa necklace. Sasagot na dapat ako ng biglang nagring ang cellphone ko kaya sinenyasan ko na saglit lang.

"Po? Bukas pa po ang dating diba?" Sabi ko kaagad sa kausap ko dahil ito yung supplier na humahahawak ng mga items na pagkukunan ko.

"Hindi ko din alam. Biglang dumating agad. Pakuha na lang, ine. Salamat." Diretso niyang sabi at saka pinatay ang tawag at hindi na ako hinintay na makapagsalita.

Napapikit na lang ako saglit at saka nagumpisang magligpit na ng gamit na nasa harap ko kaya nagtanong si Von kung anong gagawin.

"Biglaan. Kukuha ako ng items. Sorry." Mataman kong sabi sakanya at tumayo na sa kinauupuan para sa lumabas ng tumayo din si Von sinundan ako.

"Sama ako." Nakangiti niyang sabi at nauna ng lumabas sa akin. Napangiti na lang ako sa sarili at sumunod sa kanya.

Isang hakbang na lang ay makakalabas na sana ako  ng may nakabunggo sa akin kaya nalalag ang mga gamit ko. Mabilis kong pinulot iyon ng tinulungan ako nung babae at inabot sa akin ang notebook na nalaglag ko.

Kusang pumikit at mata ko at hinawakan ang braso niya. Nakaramdam ako ng humawak sa pulsuhan ko kaya dumilat ako.

Nagtataka akong tinignan ng babaeng kanina ko pa hawak at saka lang pumasok saisip ko lahat ng nakita ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kaya tinanggal ko na lang ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nagsorry.

Dumiretso ako sa labas habang hawak pa rin Von ang pulsuhan ko. Ng makalampas kaming parking lot ng cafe ay binitawan niya iyon.

Nasa isip ko pa rin ang mangyayari doon sa babaeng nakabungguan ko at hiindi kaya ng konsensya ko kung hindi ko sasabihin sa kanya kaya patakbo akong bumalik sa cafe at hinanap ang babae.

Natagpuuan ko siyang nakaupo mag- isa sa mga table doon at nilapitan siya. Umupo ako sa harap niya naglean palapit sa kanya.

"Miss cook ka ba sa isang restaurant?" Diretso kong tanong sa kanya na muntik niya pang ikabuga ng kape.

"Wala na kaming hiring, miss. Sorry." Natatawa niyang tugon na para bang sanay na siyang tinatanong ng ganoon.

"Huwag ka munang pumasok ngayon." Sabi ko saka yumuko at umayos ng upo. Narining ko siyangnagtanong ng bakit kaya sinagot ko siya.

PAST AND PROMISES | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon