10

2 1 0
                                    

PAST AND PROMISES
written by jhilyneeeeed





Naglalakad ako ngayon dito sa kahabaan ng kalye sa tinitirhan kong apartment. May gig kase ang banda namin ngayon sa isang bagong bukas na cafe.

Nakatingin sa cellphone at pinapraktis ang tutugtugin namin na Siguro by Kyle Juliano.

Wala na akong peke kung may makarinign sa akin na malakas na kumakanta sa kalye.

Habang nakatayo sa gilig ng pedestrian lane ay kinakanta ko ang kantang iyon at sa hindi ko malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na sana papansinin iyon ng mapansin kong nakatingin ang isang lalaking nasa kabilang dako ng kalsada.

Ngunit nawala din ang tingin na iyon ng umilang na ang sign na pwede ng tumawid. Nasa kalagitnaan ako ng pagtawid sa gitna ng kalsada ng biglang may bumunggo sa akin. Or should I say, nabunggo ko?

Agad akong yumuko para kunin ang mga nalaglag kong gamit dahil maya maya lang ay aandar na ulit ang mga sasakyan.

"Heto, Miss. Sorry." Abot sa akin nung lalaking nakabungguan ko na tumulong din sa aking mapabilis ang pagdampot.

"It's okay." Ngumiti ako sakanya at kinuha na ang gamit kong nasa kamay niya.

"Van Edwan." Pagpapakilala niya sa sarili niya. Kaya nagpakilala na rin ako.

"Star Sy." Sabi ko saka siya nginitian. Sakto naman ay nag-beep na ang mga sasakyan kaya agad kaming umalis sa gitna.

Pagkarating sa kabilang side ng kalsadaay hindi ko na napigilan ang sarili kong lingunin ang nagpakilala kanina na si Van.

Saktong paglingon ko sa kanya ay lumingon din siya sa akin at nagtama ang aming mga mata. Nawala lamang ang tingin namin ng biglang may napakahabang container truck ang dumaan sa gitna namin.

tumalikod na ako at ipinagpatuloy ang paglalakad ko. HIndi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng magtama ang tingin namin.

Para bang nagkita na kami dati.











A/N: STREAM SIGURO BY KYLE JULIANO.
Post ko soon yung letter ni Simon kay Eudora. Thankss.

PAST AND PROMISES | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon