PAST AND PROMISES
written by jhilyneeeeed"Von? Kakanta ba tayo? Isang linggo na wala ka pang paramdam." Sabi ko kaagad ng sinagot iya ang tawag ko.
"Nasa... hospital si V- von." Utal na sabi ng lalaking hidi ko alam ang pangalan.
"What? Wait, sino ka ba?" Tanong ko kaagad at sumilay ang kaba sa dibdib ko.
"Kaibigan niya to. Naka admit siya sa Maurio Medical Hospital." Diretso niyang sabi nunit mahina at parang nag iingat na hindi siya marinig.
"Can you please tell me what happened?" Inis kong tanong sa kanya at narinig ko ang pagbuntong hiniga niya.
Hindi na hinintay ang sasabihin niya at pinatay ang tawag. Agad akong pumara ng jeep papuntang MMC at pagdating doon ay tinanong ko kaagad ang room niya.
"Von!" Tawag ko sa kanya pagpasok sakanyang kwarto.
Tila nagulat siya at hindi makapaniwala sa nakita.
Naramdaman ko ang panunubig ng mata ko ng makita ko ang matamlay na katawan ni Von at nakahiga sa kama.
Agad ko siyang nilapitan at hinatak ang upuan palapit sa kama niya.
"Paano mo.. nalaman...n- na...nandito...a-ako?" Nanghihina niyang tanong sa akin na nagpabagsak sa luha ko.
"Please, dont talk." Pagmamaka awa ko sakanya at saka hinawakan ang kamay at yumoko doon. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
Habang nakayuko doon ay naramdaman ko nanaman ang hilo.
"Saan kayo pupunta, Ama?" Tanong ko sa aking ama ng mapansin kong lumabas sila ng aking kapatid.
"Sa San Juan, aking anak." Sabi niya at saka niyakap. Nakaramdam ako ng takot at kaba at nananisin ko na huwag na silang tumuloy ngunit hindi ko na nasabi dahil umalis na sila.
Babalik na sana ako sa pag eensayo ng may humatak sa akin papunta sa likod ng malaking puno.
Papalaag nasa ako ng makita ko kung sino iyon.
"Mag- iinngat rito, Eudora. HIndi ka pababayaan ng La Semilla." Diretso niyang sabi at hindi na ako hinayaang makapagtanong dahil inangkin na niya ang labi ko.
Hihiwalay sana ako para makapagtanong ngunit natagpuan ko na lang ang sarili kong tumutugon sa halik niya.
Ang braso niyang nasa aking baywang ay humigpit at dinala ako sa isang mainigt na yakap.
Ng pakawalan niya ang labi ko ay doon ko narammdaman ang mas matinding kaba at takot kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol sa harap niya.
Agad niyang pinunas ang mmga luha ko at hinalikan ako sa noo. Matapos noon ay umalis na siya.
Buong gabi ay ipinagdadasal ko na sana ay ligtas sila sa pupuntahan nila.
Ngunit pag gising ko kinabukasan ay nagimbal ang buong buhay ko ng marinig ang inpaka pangit na balita.
"Eudora, kasama sa mga nasawi ang iyong ama at kapatid." Balita sa akin ni PResidente Josefa.
Hindi ko na napigilan ang akingmga luha at napaupo na lang sa aking kinakatayuan.
"Ipinapabigay ni Simon, Binibini." Umupo rin siya sa harap ko at iniabot sa akin ang sulat.
"Si Simon, Binibini? Nasaan si Simon?" Nagtataka kong tanong sa kanya habang yakap yakap ang sulat na ibinigay ni Simon.
"Kasama na ng iyong ama ta kapatid si Simon." Malungkkot niya sabi saka ako niyapos ng mahigpit.
Gabi na ng huminto ako sa pag- iyak. Nuung mga oras na rin iyon ko binuksan ang sulat ni Simon.
Akala ko ay ubos na ang mga luha ko ngunit tumulo nanaman ang mga iyon.
Habang umiiyak ay naramdaman ko ang paghaplos na kung sino sa aking pisngi at hinawi ang buhok na nakaharang sa aking mukha.
"V- von?" Tanong ko at saka umayos ng upo.
"T-tanu...ngin m-mo ulit... iyong t-tanong mmo kung na...nini..wala ba a-ko...kung ma-kiki...ta mo ang n-akaraang b-buhay." Utal utal niyang sabi habang nakatingin sa akin.
"Nanini...wala ka bang nakikita k-ko ang nakaraan b-buhay k-ko?" Utal na sabi ko rin dahil sinasabayan ng paghikbi ang pagsasalita ko.
"Nanini...wala a-ako, E-eudora." Mahina niyang sabi habang nakahawak pa rin sa pisngi ko.
"Sa i- isang linggo k-kong...p-pamamalagi d-dito s-sa hospi...tal ay na-kita ko la...hat." Dugtong niya pa na lalo kong kinaiyak.
"Von hindi pwedeng maulit yon. Hindi pwede." Diretso kong sabi at marahas na umiling sa kanya.
"Shh." Pagpapatahan niya sa akin. Bakit naman ganto? Bakit ang bilis?
"B-buksan m-mo yung cabinet s-sa t-tabi mo." Sabi niya at saka humugot ng malalim na hininga.
Sinunod ko siya at natagpuan ko doon ang box na binili niya nung nakaraan kay Mister Brow pero ang tumawag ng pansin ko ay ang maliitn na kahon na nakapatong doon.
Kinuha ko iyon at binuksan. Ng makita ko ang lama noon ay bumuhos ulit ang mga luha ko.
"A-ang sulat... ng iyong a-ama at kapa...tid ang laman noon. K-kasama na a-ang s-sulat k-ko bilang s-si Simon." Sabi niyya at hinawakan ang kamay ko. "At s-sayo ang k-kwintas na i-iyan." Dugtong niya ay naghabol ng hininga.
"HIndi ko tatanggapin. Ayoko!" Malakas na sabi ko at eskahederang umiling sa kanya.
Kahit nahihirapang huminga ay nagsalita pa rin siya.
"S-sayo y-yan, Tala." Nakangiting sabi niya kahit nahihirapan ng humingi.
Sinenyasan ko ang kaibigan niyang naka upo sa may sofa malapit sa kanya na tumawag ng doktor.
"HIndi ko kayang tanggapin, Von! Hindi! Nagkita nga ulit tayo, aalis ka nanaman." Iyak kong sabi sa kanya narinig ko na rin ang hikbi niya.
Bakit kailangang ulitin ang nakaraan!? Oo walang giyera ngayon! Walang patayan, walang himagsikan!
Pero bakit ay iwanan?
"S-sa susu...nod n-na habang b-buhay, w-wala n-ng mga n-nakaraan at p-pangako ang mmagpapagulo s-sa a-atin. Till we m-meet a-again, my -S-star." Huling mga salita niya at saka bumitaw sa kapit ko. Unti unting dumulas sa kamay ko ang kamay niya.
Doon ko narinig ang hagulgol ko na sinasabayan ng tunog ng makina nan nakakonekta sa walang buhay niyang katawan.
"Hanggang sa susunod, Von." Mahina kong sabi at saka muling niyakap ang malamig niyang katawan.
A/N: STREAM SIGURO BY KYLE JULIANO.
ps. The women's chapter of the KAtipuunan was born during the presidency of Roman Basa (second president) in July 1893. Josefa Rizal was elected President of the women's chapter called La Semilla.
San Juan- Bonifacio led his army to attck the polverin (power depot) in San Juan at the dawn of Sunday, August 30, 1896. This is now known as the Battle of Pinaglaban.
BINABASA MO ANG
PAST AND PROMISES | ✔
Historical FictionAnong gagawin mo kung nakikita mo ang nakaraang buhay mo? Samahan sina Tala Ry Barcelona at Von Edward Trias sa mala k-drama nilang kwento. Date started: June 30, 2020 Date Finished: July 2, 2020