3

3 1 0
                                    

PAST AND PROMISES
written by jhilyneeeeed




"Tara sa Sei Cafe/ Bar, Tala." Aya sa akin ni Jai at binato ako ng damit.

Tuumayo naman ako agad at nagbihis. Bagong tayo daw iyon at balita ko may mga kumakanta doon. Pagkatapos mag ayos ay lumabas na agad kami ni Jai at pumara ng jeep.

"Bawal tayo maglasing." "Walang maglalasing."

Sabay namin na sabi ni Jai habang nasa harap ng cafe bar at pumasok na sa loob. Pareho kaming namangha sa  ganda ng cafe.

Habang nilalasap kko ang ambiance ng cafe ay biglang hinatak ni Jai ang laylayan ng damit ko papunta sa pwesto kung saan walang tao.

Ilang sandali ay lumabas na ang mga kakanta.

Siya yung tumulong sa akin sa may pedestrian lane! Yung lalaking hindi tinatablan ng kakayahan ko.

Tumingin rin siya saken at ngumiti. Siguro ay naalala niya din ako. Sa ganda kong to?

Tinignan ko pa siya isang beses ng matapat ang paningin ko sa kwintas na suot niya ay naramdaman ko nanaman ang hapdi at kirot ng dibdib ko. Agad akong uminom ng tubig na nasa harap ko at huminga ng malalim.

Napansin ko ang pagbaba nung lalaki sa stage at lumapit sa akin. Humatak siya ng upuan at tumabi sa akin.

"Miss ayos ka lang?" Tanong niya sa akin. Gusto kong sumagot na ayos lang ako pero ayaw bumuka ng bibig ko.

"Inom ka muna ng tubig." Inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig na hinigin niya sa duumaan na waiter.

Kinuha ko iyon at nagbakasakaling mawawala ang sakit pero ganoon pa rin. Naramdaman kong kinuha niya ang isang kamay ko at minasahe ang aking palad.

Unti- unti ay nararamdaman ko ang pagluwag ng aking dibdib na kalanan ay umayos na.

Nagpaalam na siyang kakanta na sila at hindi ko siya nasagot. Habang naninikip ang dibdib ko ay may pangyayari uulit akong nakita. Pero sa pagkakataon ngayon, malabo ang pangyayari at putol.

Natigil lang pag- iisip ko ng naramdaman kong bumalik na sa tabi ko si Jai. Nag- aya agad akong umuwi na sinakyan niya naman dahil may shift siya bukas sa isang library.

Pag- uwi ay binalak kong matulog agad pero naisip ko lang ulit mga pangyayaring nakikita ko at kung bakit tuwing nasa paligid ang lalaking iyon ay bumabalik ang sakit ng dibdib ko.

Wala akong sakit sa puso pero simula ng malaman kong nakakakita ako ng future ng tao ay may mga oras na humahapdi bigla ang aking dibdib. At kapag nawala na ang sakit ay bigla na lang malulungkot at mararamdaman ang feeling may kulang sa buhay. Na para bang iniwan ako ng mga taong nangakong hindi ako iiwan.

Sa mga oras na ganoon ay napapa- isip ako kung bakit kailangan nila akong iwan pero hindi ko matukoy kung sino ang nang iwan sa akin. Napapa isip ako kng bakit ako binigyan ng ganitong kakayahan.

"Tala? Magsearch ka nga ng tungkol sa K. K. K." Seryosong utos sa akin ni Jai. Sinunod ko na lang dahil nagrereview ata siya. Nag aaral ulit kase siya ng ibang course, BS Education History Major.

Kaya imbis na pabigatin ang ulo kakaisip a sinunod ko na lang ang inuutos niya at kinuha ang cellphone na nasa tabi ko.

Habang nagbabasa tungkol sa pinasearch niya bigla akong nakaramdaman ng hilo at antok. Nakarinig din akon ng mga boses na nag- uusap.

Kait nakahiga ay ramdam na ramdam ko ang pagikot ng paligid kaya pumikit ako ng mariin at nagbabakasakaling mahihinto iyon pero lalo lang lumala ang antok na nararamdaman ko at parang hinihila ako sa malalim na tulog.













A/N: STREAM SIGURO BY KYLE JULIANO.

PAST AND PROMISES | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon