Chapter VI

149 12 0
                                    

"SIRA ka," anang kaibigan ni Tara, habang pailing-iling na tumatanggi sa pakiusap niya. "Mabibisto na ako ni Ma'am Andie."

"Promise, Jillian, hindi," paniniyak niya. "Wala ka bang tiwala sa 'kin? 'Tsaka konti na lang 'to. Ang galing-galing mo nga nung isang araw, eh."

Umirap ito. "Pa'no naman kung ako napagalitan ni Ma'am?"

"Hindi. Malabo niyang gawin yun, kasi tama ka naman sa sumbong mo, pero mali siya sa assumption niya. Okay? That was a great move." Inayos niya ang buhok, habang nakatingin sa salamin sa kuwarto ni Jillian. "'Tapos si Dad, walang nabanggit pag-uwi namin sa bahay."

In fact, they seldom talk, if at all. Natigilan bahagya si Tara, napaisip.

"Ano'ng sabi lang ni Tito sa 'yo, about dun sa pagpapatawag sa kanya ni Ma'am?"

"Mag-aral daw ako. Huwag daw akong tatamad-tamad."

"As if."

"Yeah, as if. Buong school life ko, tamad akong mag-aral, pero never pinatawag si Papa ng teacher dahil lang dun."

Nagtawanan ang magkaibigan.

"Sa palagay mo, ba't hindi sinabi ni Tito sa 'yo ang tungkol sa bisyo mo?"

Tara chuckled. "Ayaw na ayaw niya kasi ng mahabang usapan. In fact, ayaw niyang nag-uusap kami. Pero like I told you, bago kami nag-transfer dito sa Padre Garcia from Nueva Ecija, hindi siya ganyan ka-boring. Si Dad ang pinaka-cool na daddy sa buong mundo."

"Hoy, cool din ang Papa ko," singit ni Jillian, ayaw patalo.

"Yeah, I know, sorry. Pero ang ibig kong sabihin, bago siya iniwan ni Mommy, he was the perfect dad. You should have met him that way."

"So sad..."

"Yeah," Tara agreed. "Pero, hey, he'll be back. He'll be okay," Tara promised, more to herself.

"Siguro si Papa, kung iiwan ni Mama, magpapakamatay yun. Kaya naiintindihan ko ang Daddy mo."

"Nung simula worried ako na baka nga mag-suicide si Daddy, eh. But then I know, minahal niya si Mommy nang sobra kaya na-depress siya sa nangyari, pero mas mahal niya ako kaya he wants to keep living kahit nahihirapan siya."

"Aww..."

"Never ko siyang naisip sumbatan," dagdag ni Tara, habang naglalagay ng powder sa mukha. "Na bakit pinababayaan na niya ako at ang sarili niya, dahil lang kay Mommy. Never. Kasi sobra niya talagang mahal ang mommy ko, 'tapos lolokohin siya. In fact, hindi ako galit sa mommy ko dahil sa pag-iwan niya sa 'kin—I don't need her.  Galit na galit ako sa kanya dahil sobrang hirap makita ang pinakamahal mong tao sa mundo na nagkakaganun."

Hinawakan ni Jillian ang braso ng kaibigan.

"Anyway... Uwi na 'ko," Tara said. Lumapit siya sa kama ng kaibigan at dinampot ang bag niya. It was almost dark at baka mag-alala ang ama niya. Ayaw niyang dinadagdagan ang nag-uumapaw nang stresses nito. "I hope you're ready for tomorrow."

Bahagyang nagusot ang mukha ni Jillian. "Tara naman, eh... Kelangan ba talaga yun? 'Pag ako nahalata na ni Ma'am..."

"'Pag nakahalata at kinausap ka, itanggi mo."

"Parang sanay na sanay ka, eh, ano?" subok ng kaibigan niya.

"Hindi," tanggi ni Tara. "Desperate lang ako. And I have a very strong feeling na everything will work. Saka na ako babawi sa 'yo, nang bonggang-bongga." Isinukbit niya ang bag sa balikat. "Hatid mo na 'ko sa labas. Paalam na ako kina Tita."

"Gusto kong kiligin sa mga naiisip mo, Tara," sabi nito. "Pero hindi ko pa maramdaman ngayon, dahil kinakabahan ako sa ipinapagawa mo sa 'kin."

Tinapik ni Tara ang balikat ng kaibigan habang papalabas ng silid. "Kaya mo 'yan, Jillian."

Oh, My Ma'am!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon