Chapter XIII

99 9 0
                                    

"ETHAN, si Raymart, co-teacher ko," sabi ni Andie. "Raymart, si Ethan, er, a friend."

Nakakunot ang noo ng bagong dating habang kinakamayan ang naunang bisita. Seryoso lang ang mukha ng nakaupong si Ethan, mukha ng isang taong walang pakialam.

"Pare," sabi ni Raymart. Tinanguan nito si Ethan, bago naupo. He looked genuinely hurt to see some other guy with Andie.

But then, naisip ni Andie, he was good at this sort of thing. Magaling umarte ang lalaking ito.

"Bihis ka," puna ni Raymart. "May lakad?" Sinulyapan nito si Ethan.

Awkward kay Andie ang sitwasyon. Kailan ba huling tumuntong sa bahay niya ang kanyang ex-boyfriend? May dalawang buwan na siguro. To think na halos araw-araw ito noong mga unang buwan nilang magkasintahan. The happy days... Pero sinaktan lang siya nito nang basta-basta lang, na para bang bale-wala lang dito ang mga nangyari. Pagkatapos, heto ito ngayon at muling bumabalik sa buhay niya.

Tiningnan niya ang isa pa niyang bisita. Kung tutuusin, pareho sila ng pinagdaanan ni Ethan. Niloko sila, na-depress. Ang kaibhan nga lang siguro, mas lamang ang pagmamahal nito sa asawa kaysa sa naging pagmamahal niya kay Raymart. At ang nanloko dito, mukhang nang-iwan na for good, samantalang si Raymart, heto at sumusubok na suyuin siyang muli. Nagawa na nito iyon nang maraming ulit sa kanya.

"Actually, paalis kami," sagot niya kay Raymart. "Ba't napadaan ka?"

"Hindi ako napadaan," inis na sagot nito. "Sinadya kita."

"Bakit?" she asked coolly.

"Birthday ni Mama, hinahanap ka niya." Biglang lumungkot ang boses nito. "Nagbabaka-sakali lang naman ako. Pero mukhang may nauna na."

Naging close si Andie sa pamilya ni Raymart sa dalawang taon na kasama niya ito. Mabait naman sa kanya ang pamilya ng ex-boyfried. Hindi siya nawawala sa mga salu-salo ng mga del Mundo sa tuwing may okasyon.

"Hindi ba niya alam na break na tayo?" she asked, somewhat bitterly.

Nahuli niyang napatingin si Ethan sa kanya. Bumawi din kaagad ito ng tingin.

Sumagot si Raymart. "Hindi. As far as they know, girlfriend pa rin kita. Wala silang nakilalang girlfriend ko kundi ikaw."

"Ba't hindi mo ipakilala yung iba? Yung mga naging kasabay ko?" buwisit niyang sumbat.

"Andie, please—"

Isang kumpas ni Andie ang nagpahinto sa sasabihin nito.

Meanwhile, Ethan was twitching in his seat. Mukhang nagsisimula na itong mainip. Baka sumpungin na naman ito, pagkatapos ay bigla na lang magpaalam. Anxiety can be unpredictable like that. Sayang ang exciting na dinner.

"I'm sorry, Raymart," sabi ni Andie. "Pupuntahan ko na lang si Tita kung may time pa ako mamaya."

"Ano ba'ng lakad mo ngayon?"

"Er..." For a moment, she was actually at a loss for words. Would she be going out on a date? Ano ba ang tawag doon? "Pupuntahan ko lang ang estudyante ko," ang sabi na lang niya.

Andie saw a hint of relief on Raymart's face. "Sinong estudyante?"

"Si Tara."

Raymart's face lit up in recognition. "I knew you looked familiar, Pare. Kamukhang-kamukha mo ang anak mo."

Kumunot ang noo ni Ethan.

"I'm sorry, Ethan, uhm, P.E. teacher siya ni Tara."

Ethan shrugged. He had that impatient look on his face now.

"Raymart, magkita na lang tayo mamaya, ha?" paalam niya sa dating nobyo.

"Hihintayin ka ni Mama," sabi nito bago lumabas ng bahay.

"Let's go," sabi ni Andie sa naiwang bisita.

"Finally."

Oh, My Ma'am!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon