Chapter XXIII

106 10 0
                                    

"MAKAKAIN mo ba 'yan?" tanong ni Diane sa kaibigan.

It was a Friday, at hindi na umuwi ng bahay si Diane, bagkus ay sinamahan nang muli si Andie. Hulog ng langit ang kaibigan niyang ito.

"Hoy, makakain mo ba kako 'yan o hindi?"

"Parang hindi," hinawakan niya ang kanyang pinggan at itinulak sa harap ni Diane. "Sa 'yo na lang."

"Okay, thanks. Sarap pa naman ng luto ni Jona," wika nito, nakabungisngis. "Gusto ko ding ma-heartbroken—easiest way para mag-diet."

Ganado si Diane sa hapunan nito, samantalang si Andie ay hindi nakakaramdam ng gutom kahit hindi naman nakapagmeryenda.

"Hoy, Bes!" untag ng kaibigan niya. "Tulalang-tulala ka d'yan. May tumatawag sa 'yo, hindi mo ba rinig? Sagutin mo at baka si Mr. Agojo 'yan. Tungkol sa meeting next week."

Mabagal na tumayo si Andie, hindi interesado. Hinanap pa niya ang cellphone kaya inabutan na siya ng pagkaputol ng ringing bago niya natagpuan iyon sa gilid ng couch.

Her couch, kung saan may nangyari sa kanila ni Ethan. Bumigat lalo ang dibdib niya. It would take a while bago siya maka-recover.

Bitbit niya ang cellphone sa pagbalik sa lamesa.

Nakatingin ito sa kanya habang ngumunguya. "O?"

Andie frowned. "Ano?"

"Sino'ng tumawag?"

Nagkibit-balikat siya, inilapag ang cellphone sa lamesa.

"Akina nga 'yan," anito, inabot ang cellphone. Pumindot-pindot ito bago nakamulagang tumingin sa kanya.

"Si Mr. Rodriguez."

Kumabog ang dibdib ni Andie nang ubod-lakas. Daig pa niya ang magpa-panic attack.

"Tawagan mo!" utos ni Diane.

Nanginginig ang kamay ni Andie nang kunin ang iniaabot na cellphone ng kaibigan. "B-Ba't pa siya tumatawag?" She was welling up. "Ano pa bang kailangan niya?"

"Sige na, mag-dial ka na, para matapos na lahat!" Gigil na si Diane. "Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin, na nabubuwisit ka sa happy ending niya, na masyado siyang sineswerte na napa-in love ka niya. O bahala ka. Sige na, bilis."

Totoong gusto niyang makausap ang lalaki. Gusto niyang sabihing masaya siya para dito, kahit kabaliktaran iyon ng katotohanan. Gusto niyang sabihing sana'y hindi naging masama ang tingin nito sa kanya kahit napakabilis niyang naisuko ang kanyang sarili dito.

Ngunit para saan pa? Maayos na ito. Naging magkaibigan sila ng saglit na panahon, ayos na iyon. Soon, pareho na lang nila iyong makakalimutan.

"Huwag na," sabi niya kay Diane. "Mas mahihirapan lang ako."

"Bahala ka," ngumunguya pang sabi ng kaibigan. "Malay mo lang, importante 'yan."

Iling lang ang isinagot niya.

Bago mayamaya'y naging emosyonal at humagulhol sa kaibigang katatapos lang sa hapunan.


ETHAN was going to have another bout of anxiety attack. Hindi sumasagot si Andie.

Alam niyang magmumukha siyang kontrabida kung manghihimasok pa siya sa buhay nito, pero hindi niya mapigilan ang sarili na subukang kausapin ang babae. Marami siyang gustong sabihin. Kahit sa cellphone lang—masabi niya lang ang mga bagay na kailangan niyang sabihin. Or else, hindi siya iiwanan ng malalang anxiety attacks.

Gusto niyang itanong kung para saan at ibinigay nito ang sarili sa kanya nang walang pag-aalinlangan. Pero hindi niya maiitanong iyon nang hindi pagmumukhaing masama ang babae. Gusto niyang itanong kung magkaibigan pa ba sila. Kung nami-miss man lang ba siya nito.

But he was only going to thank her. Iyon lang ang totoong nakaplanong sabihin niya kaya siya tumawag. Napakalaki ng tulong na nagawa nito sa kanya. At higit kay Tara. Hindi mapapantayan ng utang na loob niya kay Ma'am Andie.

He dialed her number again. No answer.

Tumayo siya at nagbihis.

Pagkatapos ay nagbukas siya isang bote ng San Miguel at nilagok iyon, to help ease his nervousness.

Habang palabas ng bahay ay tinawagan niya ang anak na kasalukuyang nasa bahay pa ng kaibigan, para magpaalam na may pupuntahan siya. Sinabi niyang dadaanan na niya ito kina Jillian pag-uwi.

He took a deep breath bago ini-start ang sasakyan.

Oh, My Ma'am!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon