Chapter VII

112 9 0
                                    

ANDIE received Jillian's messages instantly. Nagdesisyon siyang puntahan na agad-agad ang address na na-send nito. May kalayuan mula sa kanilang eskuwelahan, pero may sasakyan naman siya, hindi magiging mahirap iyon.

Malapit na siya sa parking area ng kanyang lumang-luma na at hulugan pang Toyota Vios, nang masipatan mula sa sulok ng kanyang paningin ang taong pinagkakaiwas-iwasan niya. Araw-araw, nakikita niya ito, at araw-araw din na umiiwas siya. Hindi niya alam kung dahil ba may nararamdaman pa rin siya para sa lalaki, o dahil lang talaga labis ang pagkainis niya sa panlolokong ginawa nito sa kanya. There was only a thin line between the two.

Gusto niyang umiwas ng direksyon para hindi magpanagpo ang landas nila, pero ilang hakbang na lang at nasa kotse na siya, kaya binilisan na lang niya ang paglalakad.

"Teacher Andie!"

Mabilis na umakyat ang dugo sa ulo niya. Kung kelan naman siya nagmamadali...

Labag sa loob niyang nilingon ang tumawag sa kanya.

"'Buti inabutan kita," sabi ng isa niyang co-teacher.

Haggard na haggard na ang itsura ng babae, dahil sa maghapong pagtuturo. Napaisip tuloy siya if she had the same dishevelled look.

"Yung estudyante mo, si Magsino," sabi nito, "gusto ko sanang makausap ang magulang. Nagpaalam muna ako sa 'yo, para naman hindi—"

"Sige, sige," putol niya sa sinasabi nito. Nakita niyang papalapit si Raymart sa kanila. "Ite-text ko sa 'yo ang number ng parents niya." Agad siyang nagpaalam.

"Okay, salamat," sabi ng babae. "Teka, hoy, Andie," pahabol nito.

Inis niya itong nilingon.

"Si Raymart, o."

She felt her blood boil nang mapansin ngang nasa gilid na nila ang lalaki.

"Hi, Raymart," bati ng co-teacher niya dito. "Maiwan ko na kayo."

"Bye Jane, ingat sa pag-uwi, ha," pa-cute na saad ng ex-boyfriend niya. "Delikado ang panahon ngayon." Binuntutan nito ng pa-charming na ngiti ang sinabi.

Nagsitindigan ang mga balahibo ni Andie sa katawan. Gasgas na sa paningin niya ang mga ganoong istilo ng lalaki. Noon pa niya nakikita iyon, and she had always found it charming kung paano nito i-treat ang mga babae. Ngayon na nga lang siya natauhan. Raymart was an absolute flirt.

Nahihirapan pa rin siya na makita ito. She was sure she had loved him with all her heart. Sa dalawang taon na naging relasyon nila, madalas niyang in-imagine ang kanyang magiging buhay-pamilya, at si Raymart ang kasama niya. Two years was a fairly short amount of time pagdating sa mga relasyon, pero para sa kanya, napakatagal na niyon. Raymart was her first love. Sa edad niyang bente-sais that time, noon pa lang siya nagkagusto sa isang lalaki, kaya inakala niya na panghabambuhay na iyon. And how mistaken she had been.

"Hi, Andie," bati ng binata. "Alam ko, iniiwasan mo ako, pero nagbabaka-sakali lang, baka gusto mong magmeryenda minsan? Gusto ko lang na makumusta ka. Makakuwentuhan ka, gano'n."

Iniwas niya ang tingin. It still hurt to look at him, with all the happy memories she had had with him rushing back to her. Perhaps she still had feelings for him. Perhaps sobra siyang nasaktan kaya gusto niyang isumpa ito. Perhaps both.

"No, thanks," tanggi niya. "Masyado akong busy sa mga lesson plan ko, not like other teachers na hindi sineseryoso ang pagtuturo."

Natawa ang lalaki. "Sineseryoso namin ang pagtuturo. Hindi lang kasing-seryoso mo. Kelangan mong mag-relax paminsan-minsan."

"May lakad pa ako, and I'm turning you down," aniya. "Kaya kung wala ka nang sasabihin..." Binuksan niya ang pinto ng kotse.

"Andie," pigil ni Raymart. Hinawakan nito ang braso niya. "Gusto kitang i-text, o tawagan. Pero alam kong hindi mo papansinin, kaya sinadya talaga kitang abangan dito sa parking lot."

She shook her hands away from his grip. "Raymart," may kung ano sa dibdib niya na kumirot sa pagbanggit sa pangalan nito, pero nagpatuloy siya, "there's reason I keep avoiding you. You've done so much damage. Ngayon, makisama ka naman. Huwag mo na akong guluhin."

"Andie, alam ko, mahal mo pa rin ako. Please, Andie, give me one last chance, nagkamali ako, pero mahal talaga kita—"

"How dare you," napapalakas na sambit niya. Luminga siya sa paligid hoping nobody had heard her. "Andami kong chances na ibinigay sa 'yo, Raymart, chances na mai-prove na mahal mo talaga ako. But you failed each and everytime. And now, I hate you!"

Sumakay siya sa sasakyan at aktong isasara ang pintuan niyon, pero humarang ang braso ng lalaki. "Ikaw ang mahal ko, Andie, alam mo 'yan."

She chuckled bitterly. "'Yan din ang sinasabi mo kay Tracy, for sure. Now, get your hands off my car."

"Si Tracy lang ang habol nang habol sa akin, Andie. Alam ko, pinagtsitsismisan kami, pero hindi ko siya girlfriend. I'm not in love with her. Ni hindi ko nga siya gusto!"

"Oh, gosh, here we go again," usal niya sa sarili. Gasgas na litanya na nito iyon, may kinalaman sa mga babaeng napapasabit dito. "Seriously, Raymart," matigas niyang saad, "I need to go. May lakad pa ako, at ayaw kong gabihin ng uwi."

"Puwede ba kitang tawagan mamaya?"

She shrugged. "Sure," sagot niya, just to get him to leave her alone.

Ngumiti nang pamatay nitong ngiti ang lalaki. "Thanks." Dahan-dahan nitong inalis ang pagkakahawak sa pinto ng kotse niya. "Ingat ka sa pag-uwi."

Naiiyak siyang nagmane-obra ng sasakyan, habang iwas na iwas na mapatingin sa lalaking dumurog sa inosenteng puso niya.

(Pls vote po! Thank you.. ❤️)

Oh, My Ma'am!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon