Chapter VIII

106 11 0
                                    

NAKAKAILANG doorbell na si Andie sa gate ng mga Rodriguez. Mukha namang walang tao dahil dumidilim na ay wala pa ring kailaw-ilaw ang loob ng bahay.

Her eyes looked around to inspect. Malawak ang harapang bakuran ng bahay. Mula sa gate hanggang sa bahay ay may lima hanggang anim na metro ang pagitan. Mukha namang name-maintain ang lawn dahil neatly trimmed ang mga damo, at malinis din ang buong paligid. Malaki ang bahay nina Tara, alangan kung dadalawang tao lang ang nakatira.

May nakaparadang pulang pickup truck sa gilid sa may kalawakang garahe. Sinimpat-simpat niya ang palibot ng bahay, mukhang walang alagang aso o kung ano man ang mga ito.

"Tao po," paulit-ulit niyang sigaw, kunsakali mang hindi gumagana ang doorbell na pinipindot niya. Malakas ang paghiyaw niya pero hindi siya nag-aalala na makaistorbo ng kapit-bahay. Malayo na ang sunod na bahay mula doon. Nasa bandang bukid sa dulo ng bayan ng Padre Garcia ang naturang bahay.

Tiningnan niya ang oras sa kanyang relo. 5:40 P.M.Gumagabi na.

Nagsisimula na siyang mag-give up sa paghihintay ng tutugon sa pagtawag niya nang biglang bumukas ang pintuan ng bahay. Lumagabog iyon sa lakas ng puwersa ng pagkakabukas.

"Ano ba 'yan?" padabog na bulyaw ng lalaki doon.

"Si Miss Andie Sereno po ito." Kumaway siya sa pagpapakilala. "Kailangan ko kayong makausap, Mr. Rodriguez."

Hindi agad ito sumagot. Hindi rin ito kumikilos sa kinatatayuan, at tila nagdadalawang-isip pa kung ie-entertain siya o hindi.

"Tungkol po kay Tara," pasigaw na sabi niya.

Isinara nito ang pintuan ng bahay at dahang-dahang naglakad palapit sa gate.

Napasinghap si Andie sa nakita.

Naka-shorts na maong lang ito, walang pang-itaas! Napaiwas siya nang tingin, hindi alam kung paano aakto sa harap ng isang lalaking walang saplot pang-itaas.

"Hindi pa umuuwi si Tara," sabi nito pagkalapit sa kanya. "Bakit ba?"

At naamoy niya ang masculine scent nito. It was like nothing she had ever smelled before. Pero hindi pa naman ganoon kadami ang nakakasalamuha niyang lalaki sa tanang buhay niya, para maging aware sa mga panlalaking pabango. But she could say this particular scent was quite attractive.

Napilitan siyang tumingin dito nang sumagot siya ng, "We need to talk about—" at natigilan siya nang mapatitig sa hubog ng dibdib at abs nito. Napalunok siya.

"Yes?" sabi nito. Kunot na kunot ang noo ng lalaki, and she could tell malapit na naman itong sumpungin ng ka-weird-uhan. But looking at him this gorgeous in the dim light of sundown, mukhang hindi mababawasan ng kasungitan at weirdness ang kaguwapuhan nito.

"Do you wanna come in?" anyaya nito, na medyo ikinagulat pa ni Andie. Akala niya'y doon na sa bakuran magsisimula at magtatapos ang usapan nila. "Pagabi na. Marami nang lamok."

Binuksan ni Mr. Rodriguez ang gate at iginiya siya papasok ng bahay.

Binuhay nito ang mga ilaw pagkapasok nila sa loob. "Bakit mag-isa ka? Delikado dito sa Barangay Maugat kapag gabi. Delikado sa lahat ng lugar 'pag gabi. Just last night, may binugbog na lasing dito malapit sa amin. May kinursuda daw na babae."

Nabahala si Andie. Bakit ba kailangan pa siyang takutin nito? "Hindi naman ako magtatagal, Mr. Rodriguez. At saka may sasakyan naman ako, safe na safe ako sa daan. Gusto lang kitang makausap tungkol kay Tara."

"Ano'ng problema na naman ba kay Tara?" tanong nito. Pinaupo siya nito sa isang upuan sa malawak na living room. Makalat doon.

"Alam n'yo ba, Mr. Rodriguez na—"

Oh, My Ma'am!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon