"ISIPIN mo ang bright side," sabi ni Diane. "Hindi mo na kailangang mag-effort nang mag-effort para sa mag-ama. Nakakapagod din kaya ang ginagawa mo. Hindi ka na mai-stress. Hindi ka na mahahawa ng depression. And most of all, hindi ka matsitsismis."
Tama naman ang lahat ng sinasabi ng kaibigan, at iyon din ang sinasabi ng utak ni Andie habang nakaubob siya sa unan. Pero kailan pa mas nanaig ang utak kaysa sa katangahan ng puso?
"Ambilis mo kasing ibinigay 'yang ano mo, eh," sermon pa ng kaibigan. "Kaya doble-hirap sa 'yo."
"Ayoko nang ma-in love ulit, kahit kailan, Diane. Sinasabi ko sa 'yo, ayoko na."
Tinuktukan siya ni Diane sa pagkakasubsob niya. "Kinikilabutan ako sa kaartehan mo."
"Ate Andie," ang matinis na boses ni Jona.
Sabay sila ni Diane na napalingon sa pintuan ng silid.
"May tao," anunsiyo ng bata.
Nagkatinginan sila.
"Sino?" tanong ni Diane.
"Yung tatay po ng estudyante n'yo. Nasa labas pa siya, hindi po bumababa ng sasakyan niya. Kung puwede daw kayong makausap."
Lumaglag ang panga ni Diane.
Napabangon naman si Andie. "Ano'ng gagawin ko?" tarantang tanong niya.
"Mag-ayos ka," sagot nito. "Mag-usap kayo once and for all."
Halos ipagtulakan siya ng kaibigan palabas ng kuwarto, diretso palabas din ng bahay hanggang sa sasakyan ni Ethan.
"Puwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Ethan sa nakabukas na bintana ng sasakyan. "Ride with me, please."
Tinabig si Andie ng balakang ng kabigan. "Go, Bes," bulong nito. At tuluyan siyang iniwan doon.
MATAGAL na walang nagsasalita sa loob ng sasakyan.
Napansin ni Andie na nasa daan sila patungong Brgy. Maugat.
At ano ang plano nitong gawin, ipakilala siya sa ubod-gandang asawa nito?
"I don't need to meet her, Ethan," aniya, hindi maipagkakaila ang inis sa boses.
Napalingon ito sa kanya, nagmenor, pero hindi nagsalita.
Bakit ba kasi siya nakasakay-sakay pa sa sasakyan nito? Torture lang sa sarili ang ginagawa niya. Naaamoy niya ang scent nito na masyadong nagpaakit sa kanya. Pinahihirapan siya ng mere presence ng lalaki.
"Come on, kung may sasabihin ka, 'wag sa inyo. Bumalik na lang tayo, doon tayo mag-usap sa bahay." Every word was painful.
"I just want to thank you, Ma'am Andie," sabi nito. "And I want to be with you kahit ngayon lang."
Lalo siyang sinasaktan nito, pero bakit ganoon, bakit parang malugod na tinatanggap ng dibdib niya ang sinasabi nito, kahit ang totoo'y nahihirapan siya?
"Mahal mo ang boyfriend mo, for sure," sabi nito.
Napatigalgal si Andie, at walang naisagot.
"Hindi mo siya babalikan kung hindi mo siya mahal. Pero may nangyari sa atin, Andie, it has to mean something to you."
Nanggilid ang luha niya. "Bakit? Sa 'yo ba may kahulugan yun?"
"My God, Andie, hindi nga siya mawala-wala sa isip ko!"
Doon tumulo ang mga luha ni Andie. Ano ang ginagawa ni Ethan sa kanya? Iniiwas niya ang tingin at nanatiling walang kibo, nakamasid sa kadiliman ng daan.
"Alam mo ba kung gaano kasaya si Tara ngayon?" tanong nito.
Alam ni Andie. Kitang-kita niya iyon.
"Do you even know why?" sabi pa nito.
Kailangan pa bang itanong iyon? Nabuo na uli ang pamilya ng bata, hindi na wasak ang mundo nito.
Pero nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ang lalaki.
"It's because she can see now na okay na ang daddy niya." Itinigil nito ang sasakyan.
Napakadilim sa bahaging iyon, walang tanaw na bahayan.
"Andie, I was able to look my cheating ex-wife in the eye without feeling the tiniest amount of bitterness. Wala kahit konti."
Upon hearing that, parang unti-unting humupa ang nadarama ni Andie naunos sa dibdib niya. "A-Ano'ng sinasabi mo?"
"Yes, Ma'am Andie," anito, nakangiti. "Kung ano man ang nararamdaman ko for you—I'm not sure what this is, honestly—but it helped me move on. Nakita mong kasama ko si Lily kanina, and up until now hindi pa rin ako makapaniwala that I've gotten over her in just a snap—because of you. I'm only sorry na hanggang dito na lang ako, dahil may boyfriend ka. Hindi ko alam, baka somehow umaasa ako na lolokohin ka niya uli at 'pag nangyari yun—"
Hindi na niya ito nabigyan ng pagkakataong tapusin ang sinasabi. Dinaluhong niya ng halik ang lalaki.
Naging masiil at mainit ang halik na iyon. Hindi nila inalintana ang hindi komportableng puwesto sa sasakyan.
Si Ethan ang humiwalay. "Does this mean you're choosing me over him?" hindi makapaniwalang tanong nito.
Kinurit niya ang pisngi nito. "Wala siyang panama sa 'yo. At mas mabango ka kesa sa kanya."
"Seryoso?" parang batang tanong nito.
Tumango siya. "Truth is, hindi kami nagkabalikan, Ethan. Hindi na puwedeng mangyari yun."
Hinawakan nito ang kamay niya. "And why is that?"
"Dahil ikaw ang mahal ko, Ethan," aniya, pinitik ang ilong ng lalaki. Nagbuntung-hininga siya at nakaramdam ng labis-labis na ginhawa sa pagkasabi niyon. "Wow, I can't believe how much I love you, Ethan Rodriguez, to think na akala ko autistic ka nung una kitang nakilala," mahinang sabi niya.
"What?"
"Nothing. I love you."
He just smiled. "Nagkausap na kami nang maayos ni Lily. She wants time with Tara every once in a while. Hindi ko ipagkakait iyon sa kanya. Kaya kasama namin si Lily dito was for her to bond with her daughter after such a long time. Nasa Lipa siya ngayon with her boyfriend—soon-to-be husband, nagbabakasyon. At ngayong weekend na 'to, Tara will join them kung saan man nila gustong pumunta. Basta ako, dito lang sa Maugat, kasama ka."
Napapangiti si Andie sa sinasabi nito. "Iuuwi mo ako sa bahay ngayon, dahil ayokong matsismis, Mr. Rodriguez."
"Walang makakakita sa 'yo, Teacher Andie. Andilim kaya."
Iyon lang at muling inangkin ng sabik na labi ng lalaki ang sa kanya.
Pag-ring ng cellphone ang umabala sa halik na pinagsasaluhan nila.
"It's Lily," sabi ni Ethan.
Tinanguan ito ni Andie.
"Hey," sabi nito sa hawak na cellphone. "Yes, nasa bahay lang ng kabigan niya. Susunduin ko siya ngayon."
Nahihimigan ni Andie ang boses ng babae sa kabilang linya, pero wala siyang naiintindihan.
"No, thank you," sabi ni Ethan. "Seriously, I have so much more to thank you, Lily. So much more." Hinawakan nito ang kamay ni Andie. "You have no idea..."
Habang nasa linya pa ang babae, siniil muli si Andie ng halik ng lalaki, at para bang tulad niya'y ayaw na rin nitong matapos ang mga sandaling iyon.
"Ethan? Ethan?" ang boses ng babae na nanggagaling sa cellphone. "Are you still there?"
Wala na silang naririnig.
--END--
BINABASA MO ANG
Oh, My Ma'am!
RomanceTara was Teacher Andie's favorite student. Nanghihinayang siya sa potensiyal ng bata dahil matalino man, mukhang hindi ito maayos na nasusubaybayan ng mga magulang. Then she met Tara's father, Ethan Rodriguez. She saw how broken a man he was, dahil...