Chapter XIV

107 13 0
                                    

LIPA City ang karatig-siyudad ng Padre Garcia. Sa isang mall siya dinala ng mag-ama for dinner.

Hindi mawaglit sa mukha ni Tara ang saya sa buong panahon na magkakasama sila. Panaka-naka ay napapansin ni Andie na patingin-tingin ito sa ama, which was a very sweet thing. Masyado itong concerned sa kondisyon ng daddy nito.

As for Ethan, the whole time na kumakain sila, hindi ito nagsasalita. Andie preferred the quiet Ethan better than the anxious Ethan, na basta na lang makapagsalita. Pero hindi na niya iyon pinepersonal. She had just recently learned about anxiety, and how compulsive talking was one symptom, among many others.

Tara was in such a jolly mood, inaya pa sila nito sa footwear section.

"This one is nice," sabi nito, hawak ang isang neon pink na sapatos. "I like Nike."

"I prefer Adidas," sabi ng ama. Mayroon din itong hawak na isang coral pink na pares ng sapatos. "Try this one."

"Cool," sagot ng anak. Isinuot nito ang sapatos, saka nagpalakad-lakad sa harap ng salamin. "This is cool."

Nakangiti lang si Andie na pinapanood ang bata.

"Don't you wanna buy yourself a pair?" sabi ni Ethan sa kanya. "These high cut converse would look good on you. Bagay 'to sa tight jeans mo."

Natawa si Andie. Mukhang may alam sa fashion ang lalaki. Kunsabagay nga, halata sa pananamit nito. Nakasuot ito ngayon ng isang cuffed na army green pants na tinernuhan ng cream button-down shirt, and a pair of white sneakers. Napakabata nitong tingnan sa porma nito. She wondered how young he had been when he became a father.

"Try these." Inabot nito ang isang classic black Chuck Taylor na Converse.

"Hindi na," tanggi niya. "Wala akong dalang pera." Wala siyang madadala. Malayo pa ang swelduhan.

Siya ang dakilang kuripot. Sa dami ng kanyang bayarin, hindi niya magawang unahin ang mga bagay na ikino-consider niyang luxuries. Ang sasakyan nga na mayroon siya, third-hand na, hulugan pa, hirap na siyang bayaran dahil sa dami ng utang. Kundangan na nga lang at napakalaking convenience para sa isang guro ang mayroong sariling sasakyan.

"Sagot na ni Dad," sabi ni Tara.

Tinawanan ni Andie ang birong iyon.

Nakita niyang nakatingin nang seryoso si Ethan sa kanya. Napakunot siya ng noo.

"I'm asking you to please try these on," sabi ng ama.

Nang bantulot siyang kunin ang hawak nito, nagsalita ulit ito.

"Treat namin ni Tara sa 'yo. For being a really good teacher to her, and for being a..." ngumiti ito, "a good friend to us, I guess? Sit down, I'll help you."

Parang kinuryente ang buong katawan niya nang sa pag-upo niya ay sumabay ito sa pagluhod sa sahig. Tinanggal nito ang cheap niyang doll shoes, bago maingat na isinuot sa paa niya ang Chuck Taylor's.

Feeling modern day Cinderella siya habang isinisintas ng lalaki ang suot niyang sapatos.

"Fit ba?" tanong nito.

Tameme pa rin siya sa itsura nito sa harapan niya. Wala siya sa sariling sumagot, "Fit na fit."

"Size seven ka rin," sabi nito. Bago bahagyang natigilan. Tumayo ito, seryoso na ang kani-kanina lang ay masayang mukha. Blangko na ngayon ang ekspresyon nito.

Andie saw Tara shake her head. Nadamay na kaagad ito sa biglaang lungkot ng ama.

Hinubad niyang mabilis ang isinukat na sapatos, pagkatapos ay kinuha iyon ni Tara at isinama sa napili nitong coral pink na running shoes. Nagpa-assist sila sa isang saleslady, at mayamaya pa ay nakabalik na ito, bitbit ang dalawang kahon ng mga sapatos. Iniabot nito iyon sa bata.

Padabog namang iniabot ni Tara sa ama ang mga hawak na sapatos.

Pero nakatayo lang si Ethan doon, kahit nasa kamay na nito ang mga babayaran.

"Ano, Dad? Bayaran mo na," padabog ding sabi ni Tara.

Saka lang ito tila nahimasmasan.

Kung hindi niya kilala ang bata, maaari niyang i-assume na isang spoiled brat ito na siga kung makapag-utos sa magulang. There were plenty of such kind in her generation. Pero sa kabaliktaran, ang pagmamarakulyo nito ay nagpapahiwatig lang kung gaano ka-mature ang bata.

Nanggigilid ang luha ni Tara nang lumakad na papuntang counter ang ama.

"You okay, Tara?" tanong ni Andie.

Nagbuntung-hininga ito. "Mukhang tanga si Daddy. Hanggang kelan kaya siyang ganyan?"

Andie didn't know how to answer.

"Ma'am Andie, salamat sa pagsama n'yo sa amin ngayong gabi. It means a lot to me na kahit pa'no, kahit palpak, nakikisalamuha na ulit si Daddy sa ibang tao."

"Masaya rin ako na may nag-aayang iba sa 'kin," aniya. "Si Teacher Diane na lang palagi. S'yempre nakakasawa din yun," biro niya. "'Tsaka hindi yun nanlilibre ng sapatos."

Walang reaksiyon ang bata. Inalakbayan niya ito.

"Look, Tara. Everything will be okay. Bigyan mo pa ng konting panahon ang daddy mo. Trust me, time heals all wounds." And she believed that, having gone through even more painful experiences.

Nararamdaman niya ang sakit na nadarama ng bata.

Oh, how she wanted to help this kid...

(I feel for Tara. Kayo din po ba? Vote lang po. ❤️)

Oh, My Ma'am!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon