"E-ETHAN?" tawag ni Andie sa pangalan ng bagong dating, kahit alam niyang hindi siya nadidinig. Nakasarado ang bintana ng sasakyan nito.
Nagrerebolusyon ngayon ang dibdib ni Andie. Naalala niya tuloy noong High School siya na una siyang makaranas na magkaroon ng crush. Sa tuwing makakasalubong niya sa eskuwelahan ang crush ay nagsa-somersault ang puso niya sa pinaghalong tuwa at kaba.
Walang pinagkaiba sa nararamdaman niya ngayon, habang nakatingin sa pagbukas ni Ethan ng sasakyan.
"Hi, Ma'am," bati nito, paglapit sa kanya. Hindi maganda ang bukas ng mukha nito.
"H-Hello, Ethan," nagkakandautal na sambit niya. "Napasyal ka?"
Hindi ito agad sumagot. Halata ang anxiousness nito habang hinihimas-himas ang mga palad at pinalalagutok ang mga daliri.
Paano paninindigan ni Andie ngayon ang pangako sa sarili na iiwasan na ang lalaking ito, bago pa kung anong kahinatnan ng damdaming nabubuhay sa dibdib niya? Siya lang din naman ang mahihirapan.
Ngunit paano niya din itataboy ang lalaki, na mukhang basang-sisiw sa harapan niya?
"Pasok ka muna, Ethan," paanyaya niya. "Mukhang masama ang pakiramdam mo."
"Just a bad attack of anxiety,"sabi nito, through rapid breathing, "nothing new."
Iginiya niya ito papasok ng bahay. "Magpahinga ka muna. Sandali lang ako."
She allowed him to relax on the couch, habang sinasamantala niya din muna ang comfort ng kanyang silid. Natataranta na siya kanina habang nakatingin dito. Bakit ba kasi ganoon kapogi ang ama ng paboritong estudyante niya? Bakit ba kasi kailangan pang maging malapit siya dito?
Nagbuntung-hininga siya, bago inayos ang sarili at lumabas ng silid.
Mukhang hindi sa bahay niya ang uwi ni Jona ngayon, kaya mas lalong awkward para sa kanya ang pagbisita ni Ethan.
"Ipagtitimpla kita ng maiinom," sabi niya dito.
Dumiretso siya ng kusina nang hindi ito sumagot.
Nakasandal ito at nakapikit pagbalik niya.
Ipinatong niya ang bitbit na isang basong juice sa center table.
"Pumasyal lang ako para kumustahin ka, pero alam ko na ngayon kung bakit hindi ka nakakapasyal sa bahay," sabi nito. "Nagkabalikan na pala kayo ng ex mo."
Bakit may nahihimigan siyang bitterness sa boses nito? Nahihibang na nga siya.
Hindi niya nagawang sumagot.
"Mahirap makalimot 'pag mahal mo talaga, ano?" Inabot nito ang baso ng juice at uminom doon. "'Buti ka pa, bumalik ang sa 'yo."
Natauhan muli si Andie mula sa pagpapantasya. All Ethan needed from her was a friend who would listen, someone to share his pain with. Kaya bakit ito magkakaroon ng bitterness sa inaakalang pagbabalikan nila ni Raymart? Nasisiraan na siya.
"I'm in agony, Andie..." sabi nito, naiiyak. "Kapag umaatake ang kondisyon ko, parang lahat ng bagay, nakakasakit."
She moved closer to him, involuntarily.
Yumakap ito sa kanya, na labis niyang ikinabigla.
"I'm in so much pain, Ma'am Andie..."
Sinuklian niya ang pagyakap nito. Damang-dama niya ang paghihirap ng lalaki. With his face too close to hers, dinig na dinig niya ang strained breathing nito.
At samyung-samyo niya ang nakakaakit na pabango nito.
Nang humigpit ang pagyakap ng lalaki, napasinghap siya. "E-Ethan..."
"Help me, Ma'am, Andie," mahinang sabi nito. "I'm in pain..."
Hindi niya alam ang dapat gawin. Nanlalambot ang katawan niya sa yakap nito. Nang umagwat ito para tingnan siya, all her defenses shattered into pieces.
Maling-mali na nakipagkaibigan siya sa lalaking ito. Dahil heto siya ngayon, labag sa loob na inaamin sa sarili na nahulog na siya dito, sa mga kalungkutan nito, sa mga luha nito.
Naluluha siya sa sariling mga realisasyon. Nang mapatungo sa pagkahiya sa sarili, bigla siyang hinalikan nito ang noo niya. Kumabog nang napakabilis ang kanyang dibdib. Magpa-panic attack yata siya.
"Ma'am Andie," bulong nito, sa napakalungkot na tinig. "Alam kong may boyfriend ka. Alam kong kasama mo siya kanina lang. Pero hindi ko malabanan ang sarili ko... Gusto kitang halikan. Puwede ba?"
Nag-malfunction ang brain cells at heartbeat niya. Para siyang tuod na tumango, blangko ang utak.
Nang naglapat ang mga labi nila, alam niyang wala na siyang pag-asa na makawala sa damdaming iyon. Nilunod siya ng halik nito. Para itong sabik na sabik, naririnig pa niya ang paghingal nito sa gitna ng masiil at marahas na mga halik na iyon.
Wala siyang kayang gawin kundi ang magpatianod. Walang kasing-sarap ang damdaming iyon na hatid nito sa kanya.
Ano mang mga inhibisyon ang mayroon siya, ay tuluyan nang lumisan nang sandaling lumapat ang palad ng lalaki sa kanyang dibdib. Kinapa ng mga daliri nito ang butones at isi-isang ibinukas ang mga iyon.
Ang tamang gawin ng isang matinong babae ay pumalag. Ang tama niyang gawin ay umimik at sawayin ito. Imbes ay napaungol siya. Nawala na siya sa katinuan.
Lalo nang bumaba na ang bibig ng lalaki patungo sa kanyang dibdib.
Marahas ito, nang-aangkin.
Hanggang sa makuha nito ang lahat sa kanya, kahit isang salita ng pagtutol ay walang namutawi mula sa bibig niya.
Matagal sila sa ganoong posisyon, nakahiga si Andie at nakatingin sa kisame, habang nakaupo si Ethan, nakasandal at mabilis ang paghinga. Nobody dared break the awkward, almost painful,silence.
"I-I'm sorry," ang masasakit na salitang bumasag sa katahimikang iyon. "I'I'm sorry, Andie. Hindi dapat ako..." Nagbuntung-hininga ito, hindi tumitingin sa kanya.
Wala siyang kayang sabihin. Walang matinong laman ang isip niya ngayon. Matagal silang ganoon, nagpapakiramdaman, walang kahit kaunting paggalaw.
Isang katok sa pintuan ang sumagip kay Andie sa nakakasakit na katahimikang iyon.
Hulog ng langit ang pagdating ni Jona.
BINABASA MO ANG
Oh, My Ma'am!
RomanceTara was Teacher Andie's favorite student. Nanghihinayang siya sa potensiyal ng bata dahil matalino man, mukhang hindi ito maayos na nasusubaybayan ng mga magulang. Then she met Tara's father, Ethan Rodriguez. She saw how broken a man he was, dahil...