NAPAHIYA si Andie. But this time, may masisisi na siya, unlike the cigarette incident. That was all her and her stupid assumptions.
Gusto niyang masugod si Tara ngayon at kuritin sa singit, dahil sa ginawa nitong pagsisinungaling sa kanya. Pero hindi niya alam kung nasaan ito, and the fact remained na baka kung ano ang pinagdaraanan ng bata.
She looked outside and saw it was dark.
Hindi niya alam kung paano magpapaalam nang matino kay Ethan sa mga sandaling iyon.
Narinig niya ang boses ng lalaki. Hawak nito sa tenga ang cellphone.
"Jillian, gusto kong makausap si Tara. Right now."
Nagulat na lang si Andie sa sunod na sinabi nito. "Tara, ano'ng kalokohan na naman itong pinaggagagawa mo?"
Nanlaki ang mga mata ni Andie. So, Ethan was right. Hindi nga naglayas si Tara at naroon nga ito, kasama ang magaling nitong kaklase.
Makakatikim sa kanya ang dalawang ito sa sunod nilang meeting. Hindi biro itong abalang ginawa ng mga ito sa kanya. At ang kahihiyan!
Ilang sandali pang nag-usap ang mag-ama. Galit ang himig ng lalaki, pero paminsan-minsan, lumalabas sa boses nito ang amusement sa mga kalokohan ng anak. Na-sense tuloy ni Andie na ganoon din kaloko marahil ang ama nito.
"Ethan, gusto ko ring makausap si Tara," she said. "She has to answer to me."
"I understand," sabi nito, sabay abot ng cellphone. "Here."
Dali-dali siyang lumabas ng bahay para doon makipag-usap sa bata.
"Tara!"
"Hi, Ma'am Andie," sabi ng kabilang linya.
"Hindi nakakatuwa ang ginawa mo! Hindi ako natutuwa!"
"I'm sorry, I'm sorry, Ma'am. First of all, hindi totoong suicidal ako, malabong mangyari yun, pero naglayas talaga ako. Inis na inis na ako kay Daddy, eh! Tingnan mo nga ang itsura niyan. You can see he's a total wreck!"
Lumingon siya sa bukas na pintuan at natanawan ang matipunong katawan ng ama nito. All Andie could see was he was a total hunk.
"Nakalimutan na nga niyan kung pa'no humarap nang matino sa tao, Ma'am Andie, eh," pagpapatuloy ng bata. "Pustahan tayo, hindi maayos ang itsura niyan ngayon."
Mukha ngang may mali, dahil hindi man lang nito naisip na magsuot ng pang-itaas sa pagharap nito sa bisita. May mali din sa kanya, dahil na-enjoy niya ang naked upper body nito. Napakagat siya sa labi.
"Diba, Ma'am?"
"Er..." aniya. "Walang siyang shirt."
"You see? Nakakahiya!" Mangiyak-ngiyak na ang bata. "Sorry talaga, Ma'am. 'Wag kang magalit sa akin, please. Gusto ko lang matauhan na ang daddy ko. My mom isn't worth it—"
"Speaking of that, Tara," she suddenly remembered.
Natigilan ang kabilang linya. Tunog lang ng paghinga ang naririnig niya.
"I don't appreciate it, you lying to me like that. Napahiya ako sa ama mo. Ano ba talaga'ng totoong nangyari sa mommy mo?"
Matagal ito bago nakasagot. "M-Ma'am Andie, alam ko kung pa'no napahiya sa sarili niya at sa lahat ng tao si Daddy dahil sa pag-iwan sa kanya ni Mommy. People are judgmental. Kaya sure ako, mas madali kang magpi-feel sorry kay Dad kung ang alam mo, eh, namatayan siya, at hindi iniwan."
"So iniwan kayo ng mommy mo. That's not extraordinary. Why would you need me to feel sorry for him?" nagugulumihang tanong niya.
"Ma'am Andie," napakalungkot ng boses nito, "My dad is in pain, so much pain. Lahat gagawin ko para lang tulungan siya. Oo, galit na galit ako sa kanya ngayon dahil sa ginagawa niya sa sarili niya, pero mahal na mahal ko ang daddy ko." Umiiyak na ito ngayon.
"Tara... I'm sorry," aniya, naguguluhan. "I wish I could help you, pero wala akong nakikitang puwede kong itulong sa 'yo."
"Ma'am, please make friends with my dad. That's all I ask. Maybe that's all he needs. Please, Ma'am Andie. Mabait ang daddy ko, you will see."
And Tara hung up.
Andie was Tara's teacher, may responsibilidad siyang tumulong sa bata sa abot ng makakaya niya, bilang pangalawang magulang. And yes, she was Tara's friend. Pero hindi naman kaya sobra-sobra ang pabor na hinihingi nito sa kanya?
"Ma'am Andie, gusto mong pumasok muna sa loob? Malamok sa labas. Uso ang dengue ngayon. And sorry about this—" tumuro ito sa bagong suot nitong sando, "I didn't realize na wala akong pang-itaas kanina. I can be thoughtless like that. I'm really sorry."
Nang ngumiti ito na halatang nahihiya, Andie decided that Tara wasn't asking too much. Having this hunk of a man as a friend wouldn't be so bad, would it?
Iniabot niya ang CP nito. "Kelangan ko na sigurong umuwi."
"Hindi mo na ba hihintayin si Tara? Baka gusto mo siyang sabunin nang personal. Mas gusto kong marinig."
Napangiti siya. "Kung maaga pa sana, mahihintay ko siya." Tumingin siya sa relo. "But it's late, Ethan. I'll see you around."
Pinagbubuksan siya nito ng gate nang biglang tumunog ang kanyang CP. Hindi niya kilala ang number na tumatawag.
"Si Tara ba?" tanong ni Ethan.
Sinagot niya ang tawag. "Hello?"
"Hello, Andie! I miss you. Nakauwi ka na?"
Nagusot ang kanyang mukha. Si Raymart.
"Hindi pa ako nakakauwi, tumawag ka na lang mamaya."
"Nasa'n ka? Gabi na, ah."
He sounded like a protective boyfriend. Hindi niya alam kung kikiligin o maiinis. Lumabas na siya sa gate at kumaway kay Ethan.
"Goodbye, Ma'am Andie," paalam ni Ethan. "Salamat. Pasensiya na sa anak ko, ha. Pasensya na sa abala."
"Sino yun?" sabi ng kabilang linya sa tenga niya.
"A friend," she said before hanging up, smiling to herself.
(Aww.. Kilig na.. Vote lang po! ❤️)
BINABASA MO ANG
Oh, My Ma'am!
RomanceTara was Teacher Andie's favorite student. Nanghihinayang siya sa potensiyal ng bata dahil matalino man, mukhang hindi ito maayos na nasusubaybayan ng mga magulang. Then she met Tara's father, Ethan Rodriguez. She saw how broken a man he was, dahil...