"ANO 'yan?"
"A pink rose and a box of chocolates, obvious ba?"
Iniabot ni Diane kay Andie ang mga iyon. Alinlangan siyang kunin ang iniaabot nito kaya isinalampak na lang nito ang mga hawak na bulaklak at tsokolate sa desk niya.
It was lunch break. Usually ay oras niya iyon para ipahinga ang bibig mula sa kangangawa sa mga klase. Pero may mga pagkakataon, nagkakasama sila ni Diane for their lunch. Diane was fun to be with, makulit ito, masayang kasama. Nakakatulong ang presensiya nito para maaliw niya ang sarili from last Saturday night's incident.
Napangiwi si Andie nang tiningnan niya ang nakapatong sa desk niya. Hindi pa nagpapalit ng istilo ang kanyang ex-boyfriend. Nakakaalibadbad.
"Kilig ka 'no?" pang-iintriga ng kaibigan.
"Sana ginawa na lang niyang cash. Kapos ako ngayon. Sipag maningil ni Tita Flor."
Tinampal siya nito sa balikat. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo? Sabi mo sa 'kin, kung mag-a-apologize siya sa 'yo, gagaan ang pakiramdam mo kahit pa'no?"
Nanluwang ang mga mata niya. "W-What?"
"Anong what? 'Ayan na ang apologies niya, ano pa bang kelangan mo?"
"Are you saying na hindi kay Raymart galing 'yan?"
"Duh!" Diane rolled her eyes. "As if naman ii-special delivery ko sa 'yo 'yan kung sa kanya 'yan galing. Kay Mr. Ethan Rodriguez galing 'yan!"
Para siyang biglang natuyuan ng lalamunan. Kumakabog ang dibdib niya for some reason.
"Natameme ka na," sabi ng kaibigan.
"N-Nagpunta siya dito?"
"Oh, yes! Akala ko nga, eh, kung bakit ako tinatawagan sa phone ni Manong Guard. May naghahanap daw sa 'kin. Pagdating ko dun, kinilig ako, Bes, mukha akong may super poging manliligaw."
Napakagat-labi si Andie.
"Hindi daw niya maidiretso sa 'yo ang mga 'to dahil nahihiya daw siya. Baka daw galit ka pa rin." Nangisay ang mga balikat nito, bago dinampot ang pink na rosas. "So, ayun, matsitsismis ako nito for sure," she said, "and I like it."
Hindi pa rin makapagsalita si Andie. Na-stuck na yata ang dila niya sa ngala-ngala niya. Hindi niya masabi, pero ang totoo, kilig na kilig nga siya sa mga sandaling iyon. Inagaw niya ang rosas mula sa kamay ng kaibigan at wala sa sariling inamoy iyon.
"Ayiee," ani Diane. "Ngayon, for sure, hindi mo na poproblemahin si Raymart."
Tulala pa rin siya hanggang sa makapagpaalam na si Diane pabalik sa classroom nito.
A SHRILL voice woke Andie from an afternoon nap. Kauuwi niya lang from school at dahil siguro sa ka-hectic-an ng Monday na iyon, mabilis siyang napaidlip pagkahigang-pagkahiga niya sa kama niya.
"Ate Tara," pagtawag uli sa kanya ng matinis na boses na iyon ng kanyang pamangkin sa pinsan, na madalas ay nakikituloy sa kanya kapag tinatamad itong umuwi sa bahay ng mga ito sa bukid pagkakagaling sa eskuwelahang pinapasukan.
Bumangon siya, at saka naalalang hindi pa man lang pala siya nakakapagbihis ng pambahay.
"Bakit, Jona?"
Sumilip ang dalagita sa kuwarto niya. "May naghahanap sa 'yo, Ate."
Napakunot siya ng noo. "Sino?"
"Ethan daw po."
Her heart skipped a beat. Nagiging normal na yata sa dibdib niya na kumabug-kabog sa tuwing maririnig ang pangalan ng lalaki.
"P-Patuluyin mo," sabi niya, medyo namamalat ang boses sa pagka-idlip. "May kasama bang bata?"
"Wala, Ate." Iniwan siya nito. "Mag-isa lang siya, me dalang sasakyan. Angas."
Nagmamadaling inayos ni Andie ang kanyang sarili. Mabilis siyang nagsuklay bago ipinuyod ang buhok. Tumingin siya sa salamin. Naka-uniporme pa siya! Dali-dali siyang nagpalit ng damit. At bago tuluyang lumabas ng silid ay nakapag-powder pa siya ng mukha.
Nagbuntung-hininga siya bago harapin ang bisita. And when she was finally face to face with the man again, hindi na niya malabanan ang nararamdamang kilig. She finally admitted to herself that she had a huge crush on Tara's father.
"Hi, Ma'am Andie." Tumayo ito pagkakita s kanya. "Naabala ba kita?"
It tookher a moment bago nakasagot. "Er, no, no, Ethan. Bakit ka napasyal? 'Buti nakita mo agad 'tong bahay ko."
"Magaling magturo ng direksyon si Tara." Ngumiti ito. "I wanted to apologize in person about, you know, Saturday night."
She remembered she was supposed to at least look slighted from the incident, pero mukhang dinadaig ng kilig ang pagpapakita niya ng inis dito. She surrendered.
"It's okay. Naintindihan ko naman. May pinagdadaanan ka. At s'yempre, teacher ako, trained ako na mas lawakan palagi ang pang-unawa ko."
"Kahit sa hindi estudyante?" nakangiti pa ring tanong nito.
Matutunaw na yata si Andie sa kilig sa mga pangiti-ngiting lalaki sa kanya. Kundangan na nga lang at alam ng isang bahagi ng utak niya na masyado itong in love sa asawa kayaimposible ang mga bagay na naglalaro sa kanyang imahinasyon.
"Sa lahat," she answered with a coy smile. "Upo ka. Gusto mong kape?"
"Uhm, hindi," sagot nito, nananatiling nakatayo. "Actually, lalakasan ko na ang loob ko, Ma'am. Andito ako para ayain kang kumain sa labas."
Biglang nanlambot ang mga tuhod niya. Pasimple siyang umupo, at hindi agad nakasagot.
"I understand kung hindi mo ako mapapaunlakan. I know how busy teachers can be. Kahit kami na lang ni Tara."
"E-Ethan, uhm..." pagas na saad niya, "sure. Ngayon na ba? Magbibihis lang ako."
Iniwan niya ito sa sala at bumalik sa kuwarto niya. Nakasunod ang kanyang pamangkin sa kanya. "Ate Andie, sino siya?" pang-iintriga nito, nakabungisngis.
"Ama ng estudyante ko."
Binuksan niya ang kanyang cabinet at hinawi isa-isa ang mga damit na naka-hanger doon. She picked one.
"Okay ba 'to?" tanong niya sa pamangkin.
"Okay naman lahat ng damit mo, Ate," sagot nito. "Manliligaw mo ba?"
"Hindi, ah," sagot niya habang isinusuot sa ulo ang long-sleeved shirt.
"Ba't parang kilig na kilig ka?" she observed.
"Bantayan mo ang bahay sandali," imbes ay sabi niya dito. "Hindi naman kami magtatagal. Kakain lang kami. Kung gusto mo, dun ka muna kina Aling Ising. I-lock mo lang ang bahay."
"Dito na ako," sabi nito. "Take out ka na lang."
Dahil mukha namang hindi pormal na dinner ang pupuntuhan nila, pantalon at simpleng doll shoes lang ang isinuot niya.
Nag-a-apply siya ng makeup nang may mahimigan silang ibang boses mula sa sala.
Lumabas ng silid si Jona para mag-usisa.
Nagkasalubong sila sa labas ng pintuan ng kanyang silid.
"Sino yun? May kasama si Ethan?"
Bahagyang nakangiwi ang pamangkin. "Ang ex mo, si Sir del Mundo."
"Ano?"
Nagkibit-balikat ang dalagita.
(Vote pa po tayo. 🥰😊)
BINABASA MO ANG
Oh, My Ma'am!
RomanceTara was Teacher Andie's favorite student. Nanghihinayang siya sa potensiyal ng bata dahil matalino man, mukhang hindi ito maayos na nasusubaybayan ng mga magulang. Then she met Tara's father, Ethan Rodriguez. She saw how broken a man he was, dahil...