Kabanata 7
Nakalabas na kami ni Arthur mula sa loob ng elegante at pangmayamang restaurant na iyon nang hindi pa rin mag sink in sa akin.
Paanong kilala nila si Arthur? Kilala na ba talaga siya? Regular ba siya? Or sa kanila ba iyon?
Hindi ko alam pero naguguluhan ako.
May naririnig kase akong sobrang yaman ng pamilya ni Arthur. Halos lahat ng ari-arian at kayamanan ay mayroon sila. Ibat't ibang business na tulas ng mga hotels, hacienda, azucareras, clothing line, beauty products at marami pang iba ang kanilang pinapatakbo.
Nagtanong an rin ako kay Alli noon and she said that all of those ay totoo kaya walang rason para hindi imposibleng sa kanila ang restaurant na ito na ginto na na ang kulay at ganda nito, ay mukhang ginto din dahil sa sobrang laki at tila ginawa talaga to cater the needs of the royal family.
This restaurant maybe ay sa kanila din ito. At hindi iyon Malabo, dahil sa sobrang yaman nila pala ay hindi na kailangan para mag-aral pa.
Nakikita ko kasing sobrang sikap na sikap si Arthur sa pag-aaral. Simpleng pamumuhay na nagtri-tricycle papunta at pauwi sa kaniyang apartment.
At hindi din malabong waa silang magara at malaking bahay na sa tingin ko malulula din ako sa laki, ganda at rangya nito.
Hindi pa man ako nakakabalik sa aking ulirat ng may pumarada ng isang itim na Silverado sa aming harapan. Agad na lumabas ang driver at binuksa ang likod ng kotse.
Agad na lumakad kami ni Arthur dahil hanggang ngayon ay hawak hawak niya pa rin ang aking bewang. Pinauna muna niya ako bago siya sumakay sa sasakyan nito.
Hindi pa ako nakakaupong maayos dahil sa inayos ko ang aking spaghetti dress na damit ay bigla na lamang yinapos na naman ng malaking braso ni Arthur ang aking maliit na bewang.
Kahit hindi pa man ako kuntento sa pagkakaayos ng aking damit ay nagpatinaod na lamang ako dahil ginawang iyon ni Arthur.
Agad kong naamoy ang hininga nitong magkahalong mint at ang matamis na matapang na amoy ng ininom nilang wine kanina lamang sa loob ng restaurant na iyon nina Kevin at France.
Halos magkadikit na rin ang katawan namin dahil sa higpit at kulang na ang ay idikit ako ng todo ni Arthur sa kanyang katawan.
Nagsimula na rin niyang amuy amuyin ang aking ulo pababa sa aking pisngi at patungo sa aking sensitibong leeg.
Halos tumayo ako sa lamyos at rahan ng pag-amoy amoy nito sa aking leeg na kulang na alng ay malagutan ako ng aking hininga dahil sa ginagawang bagay na iyon ni Arthur sa aking leeg.
Halos itulak ko siya dahil pakiramdam ko ay nakamasid sa amin ang driver ni Arthur na kahit nagdri-drive ay nakatingin sa aming banda na tila hindi nahihiyang manood sa amin.
Ewan ko na alng kung mahuli ito ni Arthur, baka sesantihin ito ni Arthur kapag nagkataon.
Agad kong iniwas ang aking tingin sa matandang driver na iyon na sa tingin ko ay nasa may late forties na ito batay sa hitsura nito.
Agad kong tinignan si Arthur at tila may tama na talaga ang lalaking ito.
Ngingisi ngisi pa ito at halatang gustong gusto pa ang kulitin at gawin iyon muli sa akin.
Tinignan ko siya ng mariin at pilit na nilalayo ang aking sarili mula dito.
Hindi ko alam pero mas lalo lang akong kinakabahan sa ginagawa nito.
Mga trenta minutos bago kami nakarating sa apartment ni Arthur at bumaba. Pinagbuksan kami ng driver nito at sinara pagkatapos.
Halos matumba kaming dalawa ni Arthur dahil sa tingin ko ay hilong hilo na din ito.
BINABASA MO ANG
Burned by the Love (Saud Series #1)
General FictionBurned by the Love Saud Series #1 by: @homaxxx