The Arrival

7 1 0
                                        

𝗧𝗵𝗲 𝗔𝗿𝗿𝗶𝘃𝗮𝗹
𝑻𝒉𝒆 𝑨𝒓𝒓𝒊𝒗𝒂𝒍
𝕿𝖍𝖊 𝕬𝖗𝖗𝖎𝖛𝖆𝖑

𝓦𝓪𝓻𝓻𝓮𝓷
𝙒𝙖𝙧𝙧𝙚𝙣
𝚆𝚊𝚛𝚛𝚎𝚗

▬▬▬▬▬▬

Kumakain ako nang marinig ko ang alarm na tumunog dito sa tren. I think nakarating na kami sa location. 3 days na naman ang nakakalipas eh.

Pansin ko. Lahat ng Evi sa faction na 'to ay bumubuo na ng alliance. Makikipagkaibigan, oo, pero alam kong nasa isip din nila na kailangan nila ng kasama. Alam ko namang hindi kami magkakalaban sa larong ito, pero alam ko ring kailangan nila ng taong handang protektahan sila kahit anong mangyari.

Ako? Ayokong sumali sa kahit kanino... Ayokong magtiwala dahil natatakot ako na baka isang araw, talikuran ako at siya pa mismo ang tatalo sa akin. Kaya mas mabuting mag-isa na lang ako.

"We're hereeee!" malakas na anunsyo ni Harley. Nagsimula siyang katukin ang bawat kwarto para sabihin ang balita.

Ako, si Harley, Elliot, Velaris, at si Ten lamang ang gising ngayon. Ako ang pangalawang nagising. Gising na si Velaris nang magising ako.

Early bird talaga akong tao. Gumigising kada 4 ng umaga dahil ako ang tinataguriang kuya ng mga kapatid ko. Madami kami, 20 kaming magkakapatid. Kami ang may pinakamalaking bilang ng magkakapatid. Kaso, ni isa man lang, hindi ko nakasama sa larong ito. Hiwa-hiwalay kami. Nakakalungkot isipin. Pero alam ko namang magkikita-kita rin naman kami sa Vanhae. Hintay lang.

Dali-dali kong inubos ang almusal ko at itinapon ang disposal utensils, baso, at plato.

Tinignan ko ang relos ko at 5:16 pa lamang.

"The doors will open at exactly 6 o'clock in the morning, prepare and be ready for departure. Wear your uniforms." sabi ng boses.

Ginamit ko ang natitirang oras para ayusin ang sarili ko. Nagsipilyo, nagpalit ng damit at iba pa.

Ang uniporme namin ay pwedeng lamang tanggalin habang papunta sa location pero kapag nakarating na kami, hindi na namin ito pwedeng tanggalin. Ito ang suot namin sa buong laro. Kaya kahapon, nilabhan ko ng maayos ang uniporme ko.

Naupo ako sa isa sa mga upuan ng tren habang naghihintay.

"Please dispose the rest of your clothes. May it be physically present and the clothes from the laundry bin in your pop-up." Napatingin kami sa gitna kung saan may lumitaw na parang metal case at may apoy sa loob.

"Wait. Everything?! I used 5 outfits! Susunugin lang namin?!" Napatingin ako kay Keandra na siyang nagreklamo.

Sayang naman kung isusunod lamang ang mga damit.

"It is the protocol." sabi lamang ng automated na boses na nagsasalita dito sa tren.

"How come nobody told us this?! Edi sana prepared tayo!" Cora supported.

"It is the protocol."

"Ano pang hindi namin alam?" Velaris asked.

"Are you already aware that we deleted all the unnecessary items at your pop-ups? All that's left there is the 5 essential items you chose during the preparation day."

Dali-dali kong tinignan ang pop-up ko at tunay ngang wala na ang mga gamit ko. Tanging mga damit na nagamit ko na na nasa laundry bin.

"Isinunog n'yo rin ba 'to?" mahinahong tanong ko.

"No, we donated it." Napahinga ako ng maluwag. At least alam kong hindi sayang ang mga gamit ko roon. Mga damit, sapatos, pagkain, unan at kung ano-ano pa ang mga dinala ko para sa larong ito pero hindi ko alam na hindi ko rin pala ito magagamit.

"Suggestion. Can you can also donate the clothes we brought from us? 'Yung mga used clothes namin. Can we request to clean it then donate it?" tanong ni Dexter. Napatango ako sa tanong niya. Magandang ideya 'yun!

"No. It's the protocol." Napabagsak ang balikat naming lahat.

Nauna si Elliot itapon ang mga damit niya na sa metal container, kaya wala kaming nagawa kundi sumunod.

"5 minutes till departure." pag-aanunsyo pagkatapos naming itapon ang mga damit namin. Umupo na lamang ulit ako sa upuan habang naghihintay.

"Stand by the door for departure." Tumayo ako at sumunod. Lahat kami ngayon ay nakatayo sa harap ng iba't ibang pintuan dito sa tren.

Napapikit ako nang bumukas ang pinto at biglang lumiwanag. Wala kasing bintana dito sa tren at ang ilaw na gamit namin ay nagmumula sa loob. Kahit papataas pa lamang ang araw, mas maliwanag pa rin ang sinag ng araw kaysa sa ilaw sa loob ng tren.

"Goodluck, Evies."

▬▬▬▬▬▬

Run from the BitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon