Third Day

9 1 0
                                    

T H E
C H Ф S Ξ И
C E R E M O N Y

▌│█║▌║▌║ d a y 0 3 ║▌║▌║█│▌

Date: August 3, 2058

Title: Am I courageous enough?


Dear diary,

Kanina... Chosen Ceremony kanina.

Grabe talaga 'yung kabog ng puso ko nung sinabi pangalan ko! Ang lamig ng pagkakasabi ng 'Margarette'. Parang mangangain grabe! PERO NAKAKAINIS! ANG PAGKASABI BA NAMAN NG MARGARETTE AY 'MAR-GA-RE-TE'! ANG SHUNGA SHUNGA! 'MAR-GA-RET' LANG 'YUN HOY!

Pero syempre, tumayo ako, hinayaan ko na lang 'yung curator. Muntik na nga akong manginig habang pababa ng arena! Ang daming taong nagtitinginan sa'kin. Nakakaconcious kaya! Alam ba nila 'yun?! Sila kaya ang titigan ng matagal habang naglalakad.

Imagine! 499 na tao ang nakatingin sa'yo! Sinong hindi macoconscious n'on! Pero alam ko namang hindi sila mangangain, pero ewan ko, nakakakaba, gano'n.

Bakit 499? Gano'n naman lagi. Every year, sabay-sabay ipapanganak ang 500 na laborites. Dahil diyan, namamaintain ng The Shadows ang population rate ng Heriotza. Pero ang astig! Since sabays-sabay kaming pinanganak, ibig sabihin, twins kaming 500! Ano kaya tawag d'on? Well, ako naman, galing ako sa Marl Siblinghood. Lima kami. Wala, share ko lang, gan'on. 

Pero ayun na ngaaa! Tumayo ako tapos naglakad papunta sa gitna. Alam mo, sobrang nagandahan ko sa mga gemstone na nasa loob ng sampung bowl na 'yun kaya tinitigan ko muna. As in ang gaganda!

Ang alam ko... di ko sure ha, don't judge. Diba 10 bato or gemstone or whatever, 'yung 10 daw na 'yon, ayun daw ang pinakamahal na bato, gemstone, whatever. PINAKAMAHAL! TAPOS GAGAMITIN LANG NG THE SHADOWS PARA TULUAN NG DUGO! WISH ALL GANO'N KAYAMAN!

Ay char, citizen nga pala ako ng Heriotza = mayaman din ako.

Pero ayun na ngaaaaaa! Pinagsabihan ako ng curator na nasa stage sabi ba naman, 'Ija, madami pa ang susunod, mamaya mo na iinspect ang mga gemstones.'

EDI PAHIYA AKO GRABE!

Since napagsabihan ako, NAGMADALI AKO TAPOS GRABEEEEEEEE! LALO LANG AKONG NAPAHIYA!

Kasi nung kinuha ko 'yung kutsilyo para hiwain 'yung kamay ko, SOBRANG SAKIT! AS IN! ANG SAKIT SAKIT! HANGGANG NGAYON NATIBOK 'YUNG KAMAY KO (wait, meron ba n'un?) PERO AYUN NA NGA ANG SAKIT SAKIT!

SA SOBRANG SAKIT, NAPASIGAW AKO NG 'FUCK!'

Hiyang-hiya ako grabe. Muntik na akong mapaihi sa hiya. PERO SYEMPRE HINDI KO GINAWA, EDI MAS NAPAHIYA AKO.

Hindi naman ako nagmumura, tuwing nasasaktan lang talaga (naks lalim ah?)

Pero ayoooon, kahit masakit, piniga ko ang dugo ko sa may emblem na susi since ayun 'yung napili kong Evivrus Game.

TAPOS ANG ASTIG GRABE! Nung tumulo 'yung dugo ko d'un sa bato, gemstone, whatever, PARANG NAPRITO 'YUNG DUGO KO TAPOS NAWALA.

Ayun pala, heated daw ang bato, gemstone, whatever.

Tapos ayon, inannounce nung curator kung anong laro ang napili ko kahapon.

Tapos ayon ulit, umupo na ako kasama ng mga ka-faction ko.

P.S. MAR-GA-RET. HINDI MAR-GA-RE-TE!!!

P.P.S. SANA MADALI LANG 'YUNG LARO!!!!

An Evi of Keys to Courage
-Margarette

▬▬▬▬▬▬

Run from the BitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon