Day 01 Part 07

1 0 0
                                    

D01:P07 [Part]

[Name] Keandra|

▬▬▬▬▬▬

I cried and cried in my bed.

I can't rest. Hindi ako makatulog habang nasa utak ko ang pagkamatay ni Cora at Kira, habang nasa utak ko ang pinagsamahan namin kahit ilang araw lang iyon.

I heard a knock on my door, so I tried so hard to not sob loudly na kunwari tulog lang ako. I buried my face on my pillow. Triny ko ring gawing normal ang paghinga ko na parang tulog ako.

I heard the door opened and closed. Naramdaman ko ring may umupo dito sa kama ko.

"Alam kong hindi ka tulog, Keandra..." I heard him say. It was Conner.

Huminga siya ng malalim. "Naiintindihan kita... sobra. Tayong apat 'yung magkakasama eh... Tayong apat 'yung unang nagkakakilala... Tayong apat 'yung pinaka nagbond ng matagal... Alam mo 'yun. Ang sakit isipin na hanggang tatlong araw lang pala. 'Yung tatlong araw lang, sapat na para makahanap ka ng totoong kaibigan." His voice cracked. He is crying... and so am I.

"Nakakamiss sila. Kahit sobrang yabang ni Cora, mahal ko 'yan... Rinig ko pa ang malakas niyang 'what the fuck' d'un sa stairs... Ayun yung first meeting natin eh... Hinding-hindi ko malilimutan 'yan...Nung second day nga natin sa train... naalala mo 'yun? Sabi ni Cora 'You're beautiful, Keandra. Pero I'm beautifuller'... Lakas ng tayo natin kasi wala namang word na beautifuller... Tapos sabi niya, kapag natapos ang laro, magiging model daw kayong apat nila Margarette at ni Kira kasi magaganda naman daw kayong apat." I cried and cried.

"Sabi naman niya sa'kin, gwapo din naman daw kami ni Ten kaya magmodel na daw kami tapos si Cora ang photographer." He chuckled a bit pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"Si Kira... Hinding-hindi ko malilimutan ang babaeng 'yon... Ang bait bait. Ang friendly pa. Sana pala... sana... tinadtad ko ng compliment 'yun... Hindi 'yung napipilitan lang akong magsecond the compliment para sa libre... Sana, niyakap ko na lang sila kesa sa asarin ko... Sana kinompliment ko na lang sila kesa laitin ko... Sana nilutuan ko si Kira nung nagpapaluto siya... Sana tinulungan kong pumili ng pang-OOTD si Cora nung nagpapatulong siya sa'kin... Sana... sana..."

I sat and hugged Conner and cried on his shoulders. Siya din ay umiiyak na yakap ako.

"It's... it's all my fault. Ako ang may kasalanan... Tama si Harley... Sana pinigilan ko sila... Sana... imbes na sabihan kong 'be safe' si Cora... p-pinigilan ko na lang... Sana hinawakan ko si Kira... para hindi siya lumabas... Ako 'yung katabi niya eh... Ako may kasalanan... Ang palpak kong tao... Lahat na lang mawawalay sa'kin... Nawawala sa'kin... Ang tanga ko... Ang gaga ko... Ang useless ko... Ang wala kong kwenta..." pag-iyak ko.

"Miss ko na sila Keandra... Miss na miss ko na sila... Sana panaginip ko na lang 'to... Sana paggising ko... sasalubungin ako ng ngiti ni Kira at pagyayabang ni Cora..."

"I'm sorry... I'm sorry... Kira... Cora... I'm sorry."

Umiyak lamang kami ng umiyak ni Conner.

▬▬▬▬▬▬

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Run from the BitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon