Simula

136 6 0
                                    

Simula

"First! Awat na!" sigaw ng isang babaeng na sa tingin ko'y senior namin sa college

"Pre! Kalma! Baka 'di na tayo sa Guida--" awat pa ng isang lalaking umaawat ngunit 'di niya natapos nang sumigaw aang isa pang estudyanteng nakapatong pa rin sa lalaking nakahandusay na at 'di na lumalaban pa.

"Wala akong pakialam!"

Narinig ko ang ilang sigaw pa ng mga estudyante sa pag-awat sa nangyaring away.

"Si First 'yun, 'di ba?" nag-aalalang tanong ni Eunice sa'kin habang sabay kaming naglalakad sa field

Nagkibit balikat na lang ako sa tanong niya at patuloy na naglakad.

"Tara, Ali! Puntahan natin! Nandu'n din ata ang kuya mo!" akit ni Eunice sabay hila sa braso ko

Gustuhin ko man na manood du'n. Mas nananaig 'yung bulong sa isip kong, 'wag na lang. Like, Hello? Anong mapapala ko du'n?

"Huwag na! Panigurado'y papagalitan lang ako ni kuya at tatanungin kung anong ginagawa ko du'n." sagot ko. "...pati wala namang bago, si First pa rin 'yun."

Umirap lang siya sa sinagot ko at nagpatuloy sa paglalakad kaya naman napatawa na lang ako sa reaksyon niya at sumabay sa kanya.

Tama. Si First lang 'yun. Si First pa rin naman 'yun.

Hapon na at tapos na magklase halos lahat ng estudyante sa'min at ang lahat ay unti-unting pumapalibot upang panoorin ang gulo.

May naghihiyawan dahil sa tuwa. Tuwa kasi may gulo na naman.

May mga umaawat.

May mga mahihinang bulong patungkol sa nangyayari na naman sa field ng school.

Halos ganoon lagi ang eksena dito sa eskwelahan namin kaya nasanay na ako. Kung pupunta man ako du'n para makinood o maki-isyoso, paniguradong tatanungin lang ako ng kapatid ko.

Malapit na kami sa main gate ng school ng makasalubong ko si Damian, isa sa mga kaibigan ni kuya, at tumango kami sa isa't isa bilang pagbati

"Ayan ka pala! Sabi ni Lear, hintayin mo na raw siya at sabay na raw kayong umuwi." ani niya

Close naman ako sa mga kaibigan ng kuya ko. Baka dahil na rin sa lumaki akong walang kaibigan noong bata pa ako, sila lang ang lagi kong nakikita at nakakasama.

Tama, sila lang ang kasama ko buong buhay.

Sobrang strikto kasi ng pamilya ko sa'kin. Unlike my brothers na independent, ako lang lagi ang limitado sa mga bagay-bagay.

Pero I didn't think na masama para sa'kin 'yun. Binibigay pa rin ng parents ko ang mga gusto ko, spoiled din ako sa mga kapatid ko, not in a monetary worth but with love and care.

Kaya nung tumungtong na 'ko ng kolehiyo, du'n ko lang naramdaman na nakalaya ako kahit papaano pero nandu'n pa rin sa bawar yapak ko ang striktong mata ng mga kapatid ko.

Napatingin ako sa gilid ko ng maalala kong ihahatid ko dapat si Eunice sa kanila. My best friend. Routine ko 'to sa araw-araw 'pag magkasama kami pero 'di dahil I like her and the likes, but as his friend, I want to assure na she'd travel safetly.

"Sabay na raw kami ni kuya, Eunice. Sabay ka na lang sa'min? May sasakyan naman kami." tanong ko

"Hala! A-anong oras na. 'Wag na. Sa susunod na lang." nahihiyang sagot ni Eunice habang nagkakamot ng ulo

"I insist," pamimilit ko, "...pati baka mabilis na si kuya kaya siya nagpahintay."

"Sige na nga. Pero 'pag alas singko y media na, mauna na ako, ha? Pauwi kasi si Papa ngayon galing Amsterdam kaya baka kumain kami sa labas." alanganing pahayag ng huli

Tumango na lang ako sa sagot niya.

Ilang minuto pa ay nakita na na namin na naglalakad si kuya Lear sa direksyon namin kaya agad na rin kaming tumayo ng kasama ko para salubungin siya.

"Nasa'n ang sasakyan mo?" bungad ko nang mapansin kong wala siyang hawak na susi

"Hindi ko dala. Pero susunduin daw tayo ni kuya Alex. Galing daw kasi sa meeting, e, malapit lang daw sila sa school." sagot ni kuya Lear habang nagpapagpag ng uniporme

"Si Eunice ipahatid na rin natin, ha? Along the way lang naman 'yung subdivision nila."

Tumango lamang si kuya habang patuloy na nagpapagpag ng polo at slacks niya at nagpapahid ng alcohol. Napansin kong may pasa siya sa may braso at sa pisngi kaya 'di ko na imiwasang magtanong

"Bakit ka may pasa? Anyare sa'yo?"

Umigting ang bagang ni kuya Lear at inis na tumingin sa akin.

Bago pa siya makasagot ay biglang may bumusina sa likuran namin, hudyat na dumating na si kuya Alexis.

Agad binuksan ni kuya Lear ang pintuan ng back seat at una kong pinapasok si Eunice at sumunod naman ako. Pumasok na rin si kuya Lear sa front seat at inayos ang seat belt, gayundin kami.

Humarap si kuya Alexis sa'min upang bumati. Pero he still looks cold and serious. No wonder kung bakit ang daming natatakot sa aura niya kapag nagsasalita. But for me, nasanay na siguro ako du'n.

"Hi. How's school today?"

"Usual." maiksi kong sagot

Ngumisi lamang si kuya Alex sa sagot ko at agad na lumipat ng tingin kay kuya Lear na kanina pang innayos at tinatanggal ang mga mantsa sa kanyang uniporme. Agad din tinanong ni pinakamatanda naming kapatid kung anong nangyari kaya muling dumilim ang ekspresyon ni kuya Lear at sinabing gumulong siya sa damuhan nang sinubukan niya rin umawat sa away kanina

Humalakhak naman ako at sinabing, "Well, that's what you get for involving."

"Huwag ka nga! Masyado na kasing napupuruhan 'yung isang estudyante kaya inawat ko na rin sila kasi ayaw rin magpaawat ni First." iritadong sagot ni kuya Lear sabay humalakipkip

"Ano bang nangyari?" isyoso kong tanong

Ngunit 'di na muling sumagot si kuya Lear at nagpatuloy sa paglilinis

"Si Aguirre?" tanong ni kuya Alex habang nakatingin sa kalsada at nagmamaneho,

"Yup. The one and only. The mighty Percival Jakov Aguirre." sarkastiko kong sambit

"Tss. 'Wag na 'wag kang lalapit du'n ha?" mariin na na sinabi ni kuya Lear sa akin at bakas pa rin sa kanya ang inis

"Pero--" magsasalita pa sana ako pero naputol iyon dahil sa pagputol ng Kuya Alex

"He really shouldn't be. He might be a bad influence after all." dugtong ni Kuya Alex while sounding authorative. Buong-buo ang boses at mga salitang lumalabas sa bibig niya everytime na may iuutos siya sa'kin.

Or utos nga ba 'to? No. It sounds like a statement and marked it with finality

"Pero wala namang dahilan para lumapit sa kanya." Ito ang dapat kong sasabihin kanina to assure them pero since naunahan na ako ng mga kapatid ko, E, 'di go.

Napatingin na lang ako kay Eunice nang mapansin kong saktong nakatitig lamang sa'kin at nagkibit-balikat na lang ako biglang pagtugon sa kanya.

Kahit ako 'di ko alam kung saan pwedeng manggaling.

I know. I really shouldn't be near him. I hate violence, after all. Wala akong makukuhang maganda du'n. Ito na lang ang itatatak ko sa'kin.

#


✔ PrinceMemacles

Where The Wild Things AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon