Kabanata 18

25 2 0
                                    

Kabanata 18

Mosquito

ALI

I shrugged off my thoughts. Everything's just making me dizzy.

E, 'di kung hindi siya. Hindi siya.

"Kung hindi man ikaw. Thankful pa rin ako du'n."

Pero naalala ko. "Pero the doctor said na magaling raw ang pagkakatahi sa'yo bago ka raw ihatid dito."

Ibig sabihin may pinuntahan pa ang katawan ko bagi dito sa hospital? Argh! Tigil na nga sa kakaisip! Basta ang mahalaga, humihinga ako.

Pero last na 'to.

"I have a question." ani ko.

"Shoot." si First na inuubos na ang ininuman kong milktea. Akala ko ba ayaw niya nu'n?

"Naniwala ka ba noong sinabi ko sa'yo na kinidnap ako?"

"No. Akala ko prank lang. But I heard you scream. And parang mga frustated sobs. Tapos nakarinig ako ng hindi pamilyar na boses na nagsalita."

"Hmm?" I hummed.

"Dahil malabong lumapit ang isang tao sa isang Ali Huang. Kilala halos lahat ng tao sa bayan na 'to kung sino-sino lang ang malapit sa pamilya niyo lalo na sa'yo." paliwanag niya.

Ganoon ba ka-exclusive ang pagiging ako?

"I even panicked after hearing tha--."

"Paano 'yung panic?" putol ko sa kanya kaya bigla siyang sumimangot.

"Shut up. 'Di naman tayo close. Tandaan mo, ikaw dapat ang inuutusan ko." inis niyang tugon kaya napanguso na lang ako. "But promise me one thing."

"What?"

"Please stay out of trouble." seryoso niyang pagkakabigkas.

"Why? Mawawalan ka ng ibu-bully?"

"Not that, you dummy. Pero pwede na rin."

"What if I can't then?"

"Then, I'll protect you." he seriously said while his eyes are fixated on mine. Like he's reading what will I think next in my mind.

I felt my cheeks profusely heated. Mas lalo akong nahiya dahil maliwanag ang kwarto ko at mas makikita niya ako.

He'll protect me.

Damn!

Replay.

"Then, I'll protect you."

Aaaahhhhh! I'm now screaming internally. Mas higit pa ata 'to sa fanservice ni Carlos kanina.

Kasabay ng pagkalat ng init ng mukha at leeg ko ay ang panlalambot ng tuhod ko at pagsakit ng tiyan ko.

"Hoy! First! Ano 'yan!" sita ni Sai kaya napatingin silang lahat sa amin dalawa.

Mama smiled. Papa and my brothers looked surprisingly silent. My friends are now in awe as well as the boys. Gabbey looked confused while Sai is grinning like a dog.

First laughed it off to take away the awkwardness. "Gago ka talaga, p're!" sagot niya at muling tumingin sa'kin.

Umiwas ako ng tingin.

Noon, sa KDrama lang ako kinikilig gawa ng kung ano-anong mga lines nila. Iba na pala kapag harapan na. But, remember, this is indirect. We aren't even an item. LOL.

Where The Wild Things AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon