Kabanata 3

49 6 0
                                    

Kabanata 3

Bakit ba?

ALI


Hanggang sa sasakyan ay tulala lang akong nakatitig sa kawalan sa loob ng kotse. Iniisip ko kung totoo 'yung sinabi ni First na gagantihan niya ako. Obvious naman! Alam ko kung paano makipag-away 'yung taong 'yun dahil kilalang-kilala siya du'n, isama mo pa 'yung mga resbak niya. Dammit, Ali!


Napakunot ang aking noo, pero sabagay, 'pag binalik ko ng binalik 'yung gagawin niya—na sana ay huwag na lang—siguro matatapos din 'to. Ano pa at natuto akong mag-self defense... sa maling tao at pagkakataon ko lang nagawa.

Pagkauwi, I gave my parents a peck on their cheeks at nagpaalam na kaya agad akong umakyat ng hagdan at dumiretso sa kwarto ko sa third floor.

Pagkapasok na pagkapasok ko, naghubad na agad ako ng aking suot at naligo. Habang nasa shower, 'di pa rin maalis sa isip ko 'yung indirect threat na sinabi ni First sa akin at sa tapat ng pamilya ko.

Natapos na ako't lahat ay ganoon pa rin ang nasa isip ko. Paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang mga sinabi niya.

"Pero babalikan ko 'yung gumawa sa'kin nito. 'Di pa ako nakakabawi du'n."

Isa pa.

"Pero babalikan ko 'yung gumawa sa'kin nito. 'Di pa ako nakakabawi du'n."

Isa pa ulit.

"Pero babalikan ko 'yung gumawa sa'kin nito. 'Di pa ako nakakabawi du'n."

Legit ba 'yun? Last na nga!

"Pero babalikan ko 'yung gumawa sa'kin nito. 'Di pa ako nakakabawi du'n."

Aish! Totoo nga!

Napailing na lang ako at sinubukang kalimutan ang mga banta niya. Kinuha ko ang aking gitara sa gilid ng pinto ng walk-in closet ko at nagsimulang mag-strum.

Clear your thoughts, Ali!

And might as well sing these negative thoughts I'm thinking right now.

"If I could begin to be

Half of what you think of me

I could do about anything

I could even learn how to love.

When I see the way you act

Wondering when I'm coming back

I could do about anything

I could even learn how to love like you—"

Napatigil ako at napalingon sa pintuan ng kwarto nang naramdaman kong bumukas ito at nakita ko ang mga kapatid ko. Nakasandal si Kuya Alex sa gild ng pinto habang si Kuya Lear naman ay nasa pader na sa loob ng kwarto ko habang nakahalukipkip. Nakasuot na rin sila ng panjamas kaya naisip kong nakapaghugas na rin sila ng kanilang katawan.

"Steven Universe, huh?" komento ni Kuya Alex nang narinig niya ang lyrics ng theme song ng kinakanta ko mula sa isang kilalang cartoon

Tumango na lamang ako at ibinaba ang gitara sa aking kama at yumapos sa kanila.

For me, singing a cartoon's soundtracks and theme songs feels light. Mukhang childish pero isn't it great that despite their obstacles every episodes, masaya pa rin silang humaharap at nagtatapos kahit anong mangyari tapos biglang fade in ng kanta nila.

Where The Wild Things AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon