Kabanata 13
A Jerk's Plus Points
ALI
"Buti na lang pumayag si Sir Azcano na kahit ngayong araw mo ipasa 'yan mga paperworks." sabi ni Eunice habang nasa shed kami sa may gilid ng open field ng campus.
"Pero mas maigi at walang prof na nagpa-quiz kahapon habang absent ka." si Arianne
"Wala din naman daw masyadong prof kahapon, e. Sabi ni Marquez," isa sa mga kaklase namin, "Kaya sa'n kayo nagpunta? Maaga naman kayong na-dismiss kahapon."
"Ako, nag-mall. Kasama ko ang mga kapatid ko. Buti na lang wala rin silang pasok kaya nagkaayaan." sagot ni Arianne
"Magkasama kami ni Pauline kahapon. Pumunta rin kami sa isang bagong bukas na milktea place." sagot naman ni Eunice,
What?! Milktea?! If there's anything that would make my day complete, that would be a milktea. Large dose, Thai flavor, 50 percent sugar level, less ice and lots of pearls.
"How come you went to that place without me?!" reklamo ko
"We actually wanted to invite you, duh! Hindi naman pati du'n ang balak namin ni Pauline. Umalis na kasi si Arianne. E, 'di sumunod kami sa mall..." paliwanag ni Eunice
"What?! Dapat sinabi niyong du'n ang punta niyo!" nabiglang banggit ni Arianne
"It's okay. We're actually bored kasi. Kaya bigla namin nakita na may opening pala ng isang milktea place du'n sa mall. Kaya we tried it out." si Pauline naman ang nagpaliwanag
"Tsaka bakit hindi ka namin matawagan?!" tanong ni Eunice
"Nasira ang phone ko." sagot ko
"E, kanino 'yung gamit mo kanina? Pati pa'no mo kami na-message? Sa kuya mo ba 'yun?" sunod-sunod na tanong ni Eunice.
Umiling ako bilang sagot. Nagsusulat kasi ulit ako ng mga notes kaya naman hindi ako agad makasagot dahil nasa pagsusulat ang focus ko.
"Tingin nga!" saad ni Pauline sabay kuha ng phone ko (na phone talaga ni First) na nakapatong katabi ng libro ko sa lamesa ng shed.
Hindi ko na pinansin sila Pauline pero ngayon ko lang naisip na hindi ko nga pala phone 'yun na pwedeng-pwede at basta-basta na lamang nila kuhanin mula sa akin. Kaya agad akong napatingin at napaangat ng ulo upang makita nag ginagawa ni Pauline.
"Bago ba 'to?" tanong niya
"No."
"Ahhh." sagot ng huli at binuhay ang screen ng phone. She even tried to put the password, my old password, but she failed. "Hindi na 061626 ang password mo, Ali?"
"Hindi na."
"Ano na?"
"Secret."
BINABASA MO ANG
Where The Wild Things Are
Mystery / Thriller"Falling in love with yourself first doesn't make you vain or selfish - it makes you indestructible." No one could ripped the youngest Huang apart from his principle. He's naive yet quick-witted, mysterious yet sassy, dramatic yet slow. He's the bes...