Kabanata 4
Sana All
ALI
I decided to come to school early. Hindi na ako sumabay kay Kuya Lear pagpasok at mas piniling magpahatid na lang sa driver namin. Kahit naman may kotse sila parehas.Ewan ko pero feeling ko naman 'di ako maabutan nu'n. Sana nga ay wala. Not that I'm avoiding him because I'm scared, or maybe I am, gusto ko lang umiwas sa magiging gulo na pwedeng ma-involve ako o ang mga kapatid ko knowing na First is capable of doing what's worst than worse.
I've known First, technically, simula pa lang noong nasa Grade School pa ako. I've witnessed him bully students tapos minsan malalaman na lang namin na may nakaaway rin siya sa labas ng school.
Pero enough of that thought. Basta dapat iiwas ako sa gulo.
Habang naglalakad sa hallway papunta sa Nursing building, tumawag ako kay Eunice to inform her na pumasok na ako. Usually kasi siya ang nauuna sa'min pumasok. Ilang ring pa ay sinagot na niya ang tawag ko sa kabilang linya.
"Hmmm?"
"Nakapasok na ako."
"Where?"
"School. Ikaw? Nasa'n ka?"
"What?! Ikaw, ha? Ang aga mo naman ata."
With her malicious tone, alam ko nang ibig niyang sabihin. Iniisip siguro nitong may kikitain ako kaya ako pumasok ng ganitong kaaga. The hell with this girl?
"Hmm... Alam ko na 'yan tono mo. Wala. Wala akong kikitain." Dahil wala naman talaga
"Uh-hmm..." she responded as I mentally rolled my eyes
"Wala nga! Alam mo ikaw, pumasok ka na rito nang may kasama ako. Bilis."
"Osya-- Magbo-blow dry lang ako ng buhok. Toodles!"
Hindi na ako sumagot pa at pinatay na tawag. Napansin kong may mga dumadaan nang esrudyante sa ibaba ng building kung saan ako napaparoon. Tumingin ako sa wris watch na suot ko para tingnan ang oras.
Alas Siete trenta pa lang. Mamaya pang Alas Otso ang klase namin.
Habang naghihintay, isa isa nang dumating ang mga kaklase ko habang nagbabatian. Maya-maya pa'y tumabi na sa'kin ang isa kong kaklase nang biglang nagsalita si Arianne.
"Ali! Nakita ko 'yung story ni First! Anong meron?" Ika niya
Ah, yeah. Yung story ni First. Kahit ako ay 'di rin alam kung para sa'n yu'n. Kaya nagkibit-balikat na lang ako.
"Unang beses yu'n na mag-my day si First ng walang threat. Usually kasi, may mga caption na nakalagay, minsan pa nga may mga stickers as a sign na 'yun yung isusunod na pagdidiskitahan ni First." sabat bigla ni Pauline na kasama namin sa isang mahabang lamesa
"Baka naman napindot niya lang agad 'yung 'post' kaya 'di na niya nalagyan pa?" sagot ni Arianne
Nagkunot ang noo ni Pauline, "'Di ba nga. 'Pag girlfriend of the week, kadalasan, wala siyang nilalagay na caption o kaya naman ay selfie nila, 'Pag naman bubugbugin, may mga caption or stickers."
Girlfriend of the week, huh? Napataas ako ng kilay sa idea ng sinabi ni Arianne sa'kin. How flirt is this guy ba?
"Pero sana all pa rin, mina-myday ni First. Charot!" Pagbibiro ni Arianne
BINABASA MO ANG
Where The Wild Things Are
Mistério / Suspense"Falling in love with yourself first doesn't make you vain or selfish - it makes you indestructible." No one could ripped the youngest Huang apart from his principle. He's naive yet quick-witted, mysterious yet sassy, dramatic yet slow. He's the bes...