Kabanata 9

31 2 0
                                    

Kabanata 9

Speaking of the devil

ALI


Gusto ko nang natulog pero 'di man lamang ako binibisita nito. Gusto ko rin ilabas 'yung bigat ng nararamdaman ko sa mga nangyari pero parang nagpantayan lang ang mga positibo at hindi, kaya ano pang saysay.

Tiningnan ko ang orasan sa pader ng kwarto ko. Alas dose trenta'y siyete na ng hatinggabi.

Weekday na weekday, Ali.

I can't even tell my friends what happened dahil magiging big deal ito para sa kanila. Or worse, 'di sila makakapagfocus sa pinoproblema ko. 'Di ko rin masabi sa mga kapatid ko, 'di ko alam kung bakit. Baka tingin nila masyado ko naman 'tong pinoproblema. Masyado nga ba?

Oo. Tanginamo, Oo!

Kahit anong gawing kong posisyon sa paghiga at pagpikit ay 'di pa rin ako dinadalawa ng antok. Tuwing imumulat ko naman ito ay biglang nagagawi ang tingin ko sa orasan o 'di kaya'y sa aking cellphone.

Sa sobrang inip at dahil 'di ako mapakali sa higaan ko, kinuha ko na ang phone ko na nakapatong sa lamesa na nasa gilid ng kama ko browse at my socials. I don't usually open them pero I guess it's better to see them para lang dalawin ng antok.

Una kong binuksan ang Twitter ko at nag-scroll. I read some tweets and retweeted a few. I even commented at Eunice's tweet which was posted minutes ago.

@euneunxoxo:

Can't sleep. Baka I need to count sheeps na.

I replied.

@heyalihuang replied to @euneunxoxo:

Same. Mas mapupuno pa ata ang eyebags ko kaysa sa bag at wallet ko bukas. 😂

@euneunxoxo replied to @heyalihuang:

Tara. Chika.

@paulineriiofficial replied to @euneunxoxo:

Tara! 😂😂

@heyalihuang replied to @euneunxoxo:

Ayoko. Mas lalong 'di ako matatahimik at makakatulog.

@euneunxoxo replied to @heyalihuang:

-.-

@euneunxoxo replied to @paulineriiofficial:

Wait. Wala naman silang choice kung hindi sagutin ang tawag.

After a few minutes, I stopped browsing at my Twitter dahil baka 'di na naman ako matapos kakabasa at katatawa sa mga tweet ng iba kong pina-follow na accounts.

I was about to open Facebook nang biglang tumawag si Eunice sa GC namin apat nila Pau at Arianne sa Messenger. At video call pa. Mukhang maling desisyon ang pag-reply sa tweet niya kanina. Wala naman akong magawa pa kaya I accepted the incoming call.

Pau and Arianne was also there. Pare-parehong nakahiga na.

"Midnight chismis? Any stories, guys?" bungad ni Eunice.

"Wala naman."

"Hmmm." sabay na saad ni Pau at Arianne.

"Ako nagpapaantok lang. Kaya I decided to browse. Magkwentuhan na lang kayo, baka antukin na 'ko mamaya." sabi ko and chuckled.

"Ay sus. Ikaw na lang ang magchika." si Pau.

"Ayoko. Kayo na." sagot ko.

Sabay-sabay silang nagreklamo kaya wala silang nagawa kung hindi gumawa ng sariling topic at nagusap-usap na.

Where The Wild Things AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon