Kabanata 23

24 1 0
                                    

Kabanata 23

Surprise, surprise!

ALI


Days have passed and I have finally recovered from my injuries. My parents insisted that I should rest for a few more days due to the shock the last incident have made on me. Kesyo daw ma-trauma ako. But I am really fine, sure na naalala ko 'yung mga nangyayari pero parang hindi naman ako natatakot or kinakabahan. 

The doctor said na may instances daw na bigla-bigla akong magpanic due to the shock sa isang iglap kaya my parents asked Kuya Lear to guard me, which I opposed dahil I feel perfectly fine. 

I feel jolly and all sunny nang makarating ako sa Laguna Perpetual University but it all subsided nang pagkarating na pagkarating ko sa room ay bumungad agad ang mga kaklase kong nagre-review ng notes nila at tila nakikipag-usap sa hangin at nakatitig sa kawala sa pagme-memorize ng mga kung ano-ano. 

Shit! Naalala ko, may short quiz nga pala kami first thing in the morning sa isang major subject. Kay Ms. Juanilla. 

And when I say short quiz from Ms. Juanilla, it will probably take to 70 items or more. Walang double points sa isang sagot pero may double answer na isa lang ang point. Damn that whole point! 

I immediately ran towards our seat at agaran na nagbuklat ng notes ko. Good thing my professors allowed me to learn through video call. One of the girls will always call me kapag major subject, laboratory man or lecture, but the professors reminded us na wala pa rin ako sa attendance which is okay lang basta ang mahalaga ay may mailagay ako sa notes ko at matuto. 

Buti naman hindi naantala ang buhay ko sa pamemerwisyo ni First. After nung gabing pinatayan ko na siya ng tawag, hindi na ulit siya tumawag. Which I think is good. 

Si Gabbey na lang ang madalas na nagpapaalala sa'kin na 'wag na lang daw istimahin si First dahil baka nga busy 'yung isa dahil sa thesis. Okay, walang istorbohan, it's a win-win then. Hindi na naman ako nagreklamo pa sa sinabi niyang dahilan. 

"Good morning." I greeted my seatmates and opened my notes. 

"Hey!"

"Good morning!" 

"Hello din." the three responded in chorus. Still not making their gazed on me. Busy sa pagrereview. 

Hindi na naman na nasurpresa ang mga kaibigan ko, or kahit ang buong klase, dahil ilang araw ko na rin sinasabi sa kanila na babalik na ako sa klase. 

After a few minutes, Ms. Juanilla came inside and immediately started our so-called short quiz at buti na lang medyo nakahabol ako sa pagre-review dahil minsan nagbabasa rin naman ako ng notes ko sa bahay kapag wala akong magawa. 

Quiz has ended and buti satisfied ako sa mga sagot ko lalo na sa essay sa last part. And when I say essay, along with Ms. Juanilla, the shorter the better, the more precise the higher points. Kaya no doubt, buti mabilis akong mag-pick up at isinulat lahat ng naalala ko. 

"Whooo! Syet! Nakakangalay sa hands 'yung quiz ni Juanilla girl!" maarteng reklamo ni Pauline.

"Shh! Baka naman may makarinig sa'yo!" suway ni Eunice. "Hindi ka pa nasanay sa quiz ni Ma'am Beatrice!" 

"Duh! Para kasing moving exam minus the move dahil feeling ko, frozen ako sa kinauupuan ko kapag quiz ni Juanilla girl!" sagot ni Pauline at muling minasahe ang mga kamay. 

"Aba! Ikaw ba naman ang grumaduate with flying colors sa UP-Diliman kaya ganu'n siya magbigay ng quiz!" si Arianne na prenteng-prenteng nakaupo at nagse-cellphone lang. "Anyways, madali lang naman siya kaya bakit ka nagrereklamo?" 

Where The Wild Things AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon