Kabanata 2

63 6 0
                                    

Kabanata 2

First


ALI


Napansin ng dalawa kong kapatid na kanina pa akong nakasimangot sa byahe papunta sa Shakey's restaurant na pupuntahan namin, du'n na namin naisipang kumain.

"Parang pinagsakluban ka naman ata ng langit at lupa. Baka naman gusto mong ngumiti kahit pilit?" reklamong saad ni kuya Alex sa akin

Umismid na lang ako at patuloy na humalikipkip sa backseat at inayos ang pagkakaupo.

"Du'n din pala naggi-gym si First?" basag ni kuya Lear sa katahimikan na bumabalot sa'min tatlo

Yeah. I just frowned.

Hindi naman ako usually tahimik sa byahe, ako pa nga ata ang pinakamaingay sumunod si kuya Lear habang nakikinig lang sa'min si kuya Alex pero sa pagkakataong ito, tahimik lang ako kaya nag-umpisa na si kuya Lear umusap.

"Napansin ko nga rin," sagot ni kuya Alex, "...buti nga at hindi nanggulo."

Ah, talaga?

"Ang alam ko'y Ninong niya ang may-ari ng gym na 'yon kaya ayun..." ani kuya Lear

Tahimik lang akong nakikinig sa dalawa nang biglang humarap sa'kin si kuya Lear mula sa front seat at nagtanong ng, " Nakita mo ba siya du'n, Ali?"

Oo. Pinandalihan ko pa nga, e!

Tumango na lang ako kay kuya Lear at nagpatuloy sa pagpindot sa aking cellphone.

"Oh?..." na lamang ang tanging naisagot nilang dalawa sa'kin at nagkibit-balikat na lang ako nang mapansin kong 'di pa natatanggal ni kuya Lear ang tingin niya sa'kin

Kaysa naman sabihin ko pang ginawa kong punching bag si First matapos niya akong matalapid ng sadya. Magagalit lang sila du'n at baka sumugod pabalik sa gym.

Pagkarating namin sa Shakey's, nandu'n pa rin si Mama't Papa at baka patapos na rin sila sa meeting nila sa isang kliyente.

Binati namin sila Mama't Papa at humalik sa kanilang pisngi. Bago umupo, napatingin ako aa babaeng sinasabi nilang kliyente ni Papa. Mukhang nasa mid-40s na ang edad nito base sa mga linya sa kanyang mukha, maputi, matangos at manipis na labi na pulang-pula shouting confidence in every part of her beauty.

I can easily get intimidated sa mga ganitong babae. I don't know, they're so pretty it'd be a sin just to look at them.

"Ah! I'd like you to meet my sons, Mrs. Dionisio. This is Alexis, Adlear and Alvin." pakilala ni Papa habang tinuturo kami

"It's nice to meet you po." bati ko sabay angat ng kamay upang makipag-shake hands

"Oh? You're Alvin?," nabiglang sagot ng babae sa aking harapan, "...Akala ko girlfriend ka ng isa sa mga 'to. Sorry." at biglang tinanggap ang kamay

Napatawa ako sa sinabi niya. I already know it's a comlpliment. Laging inaakala ng mga taong nakikilala ko'y isa akong babae. Una ang mga kabarkada nila kuya, tapos si Eunice pati na rin ang mga kliyente ni Papa na minsan ko na ring nakikita.

'Di tulad ng nga kapatid ko na matatapang at matitigas ang mga features sa mukha na minana nila kay Papa, ako lang ata ang nagmana kay Mama mula sa puti, maputi rin naman ang mga kapatid ko pero dahil sa inaabot sila ng tanghali sa paglalaro ng basketball sa may subdivision namin, naging mas panlalaki ang kulay ng balat nila. Nakuha ko rin kay Mama ang hubog ng mga mata ko, malumanay at inosente kung tingnan, maliit at matangos na ilong, labi na mistula'y maputlang kalimbahin na bumabagay naman sa putla ng pagiging maputi ko. Baka kilay lang ang pagkakatulad namin magkakapatid.

Where The Wild Things AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon