-Chapter 3-

826 28 1
                                    




The sin of Envy, Erin



~


"My gahd, so Erin is back na talaga as in here na sya sa Philippines?"


"Yup I saw it in the news."


"Wow." Sabay pa kami sumubo ng pagkain, it's our lunch break nag-take out lang kami at dito kami sa office kumain.


"Ano sabi ni Aiden?" Tanong ni Ian.


"He knows pero wala daw syang gagawin." Sagot ko.



"Ah bitter." Sabay na sabi 'nung dalawa.

"Bitter agad? Hindi ba pwede hindi pa ready?" Minata naman nila akong dalawa.


"Eh ikaw ba kapag nagkita kayo ni Damon anong gagawin mo?" Nasamid ako sa sinabi ni Emma, sinamaan ko sila ng tingin.

Bakit pati si Damon nasama sa usapan?


"Ewan? Sabihin ko 'Hi ako nga pala 'yung sinayang mo'" biro ko pero itong dalawa binato lang ako ng tissue.


"Gaga ikaw nakipag-break so sya 'yung sinayang mo."


"Ohh." Oo nga pala ako nakipagbreak.

Napa-isip tuloy ako, ano nga ba gagawin ko kung magkita kami ni Damon? Kakausapin ko ba sya? Magagalit ba ako? Sasaya? Ready na ba ako?


Hindi ko alam kung ano ba dapat maramdaman ko siguro ganito din ang nararamdaman ni Aiden.

"Hey? Okay ka lang masyado mo naman dinamdam tanong ko." Sinamaan ko ng tingin si Emma, kahit kailan talaga 'tong babae na 'to.


"Shut up just eat."






~

"How are you baby sis?"


"Kuya I'm not a baby anymore." I just gt home from work sakto naman habang nagluluto ako ng dinner biglang tumawag si kuya.


"You're still my baby sis." Inirapan ko sya pero deep inside I'm happy kahit nasa malayo si kuya hindi nya nakakalimutan tawagan at kamustahin ako.


He's in Canada right now after he graduated umalis na sya, he took over our family business minsan umuuwi sya dito for like one week to check me.


"Kailan uwi mo kuya?"


"Matagal pa. By the way can you check on mommy tomorrow? Balita ko nag-paparty nanaman sa mansion." Natawa ako sa sinabi ni kuya, lagi na lang sya na-sstress kay tita.



"Really si tita? Bakit hindi nya ako ini-invite?" Sinamaan naman nya ako ng tingin.




"I'm happy na close na kayo ni mommy pero hindi ko gusto na kinakampihan at kinokunsinti mo sya."



"Relax kuya let tita enjoy her life." Natawa ako  habang sinasabi 'yun.


Hindi madali pinagdaanan ko para maka-close ang mommy ni kuya, madaming masasakit na salita syang sinabi sa akin na inaasahan ko pero tiniis ko 'yun hindi naman kasi pwede habang buhay akong itago ni kuya sa mommy nya. 'Nung umalis si kuya ako na nag-alaga kay tita and eventually nagkaayos kami, tho hindi ako nasanay na tawagin syang mommy okay lang naman daw na tita lang mas bata daw pakinggan.



"Kung pwede lang mag-stay na lang ako dyan para nababantayan ko kay—" natawa ako nang biglang may nakita ako sa background ni kuya.



The Seven Deadly Sins (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon