-Chapter 33-

690 26 0
                                    



 The Ten Commandments 



"Wala akong dalang lunch!" Sigaw ko ng malakas sa pag-mumukha ni Damon. 



Ugh! Bakit pa ba ako pumunta dito alam ko naman na wala akong makukuha kay Damon. Damon never tells me anything lalo na kapag tungkol sa Ten Commandments, dapat alam ko na 'to hindi ngayon na nag-iinit ang ulo ko sa kanya. 



"Well okay then, I'll order a lunch for us." Hindi nya pinansin ang sigaw ko at cool na kinuha ang telepono. "Order lunch for two. Make it faster." Utos nito sa kausap.



"For two? Paano kami?" Napalingon ako kay Xander nang biglang sumingit sa amin. 



"Oo nga gutom din kami Captain." Erin. 



"Pinapunta mo kami dito tapos hindi mo man lang kami pakakainin." Inis na sabi ni AIden. 



 "Yeah right, why are you all here? Anong meron?" Bumaling ako sa kanila nang naka pamewang. 



Walang sumagot sa akin kaya pinaningkitan ko sila ng tingin. Sobrang timing naman na pagpunta ko dito ay nandito din sila, sure ako may pag-uusaopan 'tong pito na 'to.



"Reunion?" Nakangiwing sagot ni Greg. 



"You're a bad liar." Mukhang wala naman sasagot sa akin kay bumalik ang tingin ko kay Damon. 



"Reunion." Inulit nya lang 'yung sagot ni Greg. 



"You know what kung wala kang balak magsabi ng totoo wala na akong pake. Bahala ka kung ayaw mo akong kausapin ng maayos eh 'di wag!" Kinuha ko 'yung bag ko at sinuot 'yun at naglakad palabas pero biglang nagsalita si Damon. 



"Wait! How about lunch?" Napanganga ako sa sinabi nya. 



"Kumain ka mag-isa mo!" Sigaw ko at padabog na sinara ang pintuan ng office nya. 



I can't believe him talagang hindi nya ako sinagot sa mga tanong ko, sayang pa 'tong pinirint ko hindi man lang binasa o tinignan. Kung wala akong makukuhang impormasyon sa kanya ako mismo ang maghahanap, hindi ko kailangan ang tulong nya. 



"Hindi na dumadalaw si Damon dito. Emman tumigil na ba sya sa panliligaw sayo?" Nasamid si kuya sa tanong ni tita. 

The Seven Deadly Sins (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon