Photoshoot
Nag-hihikab pa ako at pilit dinidilat ang mata ko habang nag-dadrive. Antok na antok pa ko.
"Shems palitan na kaya kita Mira? Natatakot ako sa pag-dadrive mo." Lumingon ako kay Ian na todo kapit sa seatbelt nya inirapan ko sya.
"Kaya ko pa hindi ako inaantok." At naglabas nanaman ako ng isang mahabang hikab.
"Gusto kong makarating buhay sa la Union Mira utang ng loob ako na mag-dadrive." Natawa ako sa itsura ni Ian namumutla na sya kaya pumarada muna ako sa gilid at pinagbigyan sya.
"Takot na takot ka naman tignan mo si Emma walang reklamo." Turo ko kay Emma na sarap na sarap ang tulog sa backseat. Pagkapalit namin ng pwesto ni Ian agad na ulit syang nag-drive.
"Tulog mantika 'yan eh walang pake sa paligid." Inadjust ko 'yung upuan ko para makahiga ako. Fine inaantok ako paano ba naman biglaan 'tong lakad namin.
Kahapon kasi biglang pumunta si Vivian sa office, si Vivian lang at hindi nya kasama si Damon na ikinatuwa ko, gusto daw kasi nila magpa-photoshoot para sa engagement nila at as soon as possible daw kya eto kami ngayon on the way to La Union sa beach daw niya gusto, buti na lang at may photographer akong nakuha agad tapos 'yung mga trabaho na maiiwan ko ngayon araw tinapos ko kagabi kaya halos wala akong tulog.
Sinama ko si Ian para may katulong 'yung photographer namin dapat maiiwan si Emma pero 'nung nalaman nya sa beach ang punta nauna pang mag-impake sa amin ni Ian kaya si MAe na lang ang naiwan sa shop.
Wala naman kaming dalang madaming gamit kay nag-isang kotse na lang kami, kotse ko ang ginamikt 'yung photographer may sarili din sasakyan habang sila Damon naka-van 'yung pang-artista na van ang gusto nga ni Vivian sa kanila kami sumabay mabilis akong tumanggi baka bigla akong bumaba sa kotse nila kahit umaandar hindi ko sila matatagalan.
Malayo pa naman kami kaya napag-isipan kong matulog narinig ko pa tawa ni Ian nang makita nya akong papikit-pikit.
"Mira gising, andito na tayo." Dahan dahan akong dumilat nasilaw pa ako sa sinag ng araw na tumama sa mata ko. Sinuot ko 'yung hood ng jacket ko at nag-suot ng sunglass para matakpan ang mata ko na namamaga dahil nga kagigisng ko lang.
Nasa La Union na kami. Nilibot ko ang tingin ko at namangha ako sa view napaka-aliwalas at mahangin din hindi katulad sa Manila na puro polusyon. Nakita ko sila Emma at Ian na busy sa kaka-picture mukhang na-recharge na si emma at todo pose sya sa mga view at napaka-supportive naman ni Ian.
BINABASA MO ANG
The Seven Deadly Sins (SEASON 3)
Romance-time skip- After 5 years, the sinners are back. Book cover: Pinterest (ctto)