Z2O。

199 28 7
                                    


CHANYEOL

Four days later . . .

Gabi na. Andito lang ako sa kwarto ko. Napapaisip isip lang naman. Kung tinatanong niya kung saan si Sehun? Hindi ko siya kasama at tsaka hindi ko alam kung saan siya ngayon. Tsaka kasulukuyang nababaliw na naman siya. Nang dahil nga sa inaasta sa kanya ni Lisa. Naglalasing at pumupunta yun ng bar lagi. Pinagalitan ko na nga wag niyang gawin yun. Pero ang sabi niya, wag ko nalang daw siya papakialaman dahil buhay niya naman yan.

Nagsasawa na din kasi siya sa inaasta ni Lisa sa kanya. So yun, di ko nalang talaga siya pinakialaman kung ano man ang gusto niya. Kasi alam kong di lang siya makikinig sa akin kasi nga nasasaktan siya. Pero concern din ako kung ano na nangyayari ngayon kay Sehun pre 'no.

Kung sa ganyang sitwasyon, masasaktan ka naman talaga ah. Ang tagal niyong hindi nag-usap ng jowa mo. Tapos akala ni Sehun, doon na sila mag-uusap. Pero ang sabi ni Lisa, busy pa din siya. Ang saklap 'non. Ang tagal lang naghintay ni Sehun pre sa kanya. Tapos ang masaklap pa, nagpost pa si Lisa ng litrato niya na kasama si Jaehyun.

Tapos yung parang nawala yung sweetness ni Lisa kay Sehun? Tapos parang nagmamadali siya magpaalam kay Sehun at ang ikli ng mga messages niya. Nakita ko nga sa phone ni pre eh, di man lang siya binalikan ng i love you too or i miss you too ni Lisa.

Pero bakit ba kasi hindi talaga mabigyan ng time ni Lisa yung bestfriend ko? Alam niya namang miss na siya tsaka halos mabaliw na dito sa kakahintay sa kanya. Isa pa, boyfriend niya yun at kailangan bigyan niya yun ng attention. Nagulat nga ako eh, hanggang ngayon busy pa din siya? Hindi ko din maintidihan si Lisa, sa totoo lang.

Baka naman may tinatago? Hindi. Imposible naman yan. Nagsasabi naman ng sikreto yan si Lisa kay Sehun.

Tsaka sa nakita kong litrato nina nung Jaehyun na yun, mukhang close friends silang dalawa. Kaya ang daming gustong mga tao na sila nalang. Hay nako. Isa pa yan sa ikinakaselos ni Sehun. Pero sa akin, alam kong magkaibigan lang sila nung lalaki na yun. Minsan kasi nasabi sakin ni Sehun, baka nagkaganyan si Lisa nang dahil ipinagpalit na daw siya sa Jaehyun na yun. Pero imposible naman ata yun.

Hindi naman yata magtataksil si Lisa kay Sehun. Imposible yan.

Huminga nalang ako ng malalim, "Gagong lalaki yun. Nagiging baliw na. Baka lang naman may ginagawang importante lang yung girlfriend niya." sabi ko at napailing nalang ako ng tuluyan.

Pero maya maya, nabigla ako ng tumunog yung phone ko. May tumatawag yata. Kaya kinuha ko naman agad yun.

Tsaka nung tinignan ko agad yun, nagtaka naman ako. Unknown number siya. Sino naman 'to? Tsaka mga kilala ko lang ang binibigyan ko ng number. Baka naman nagpalit lang siya ng number. Kaya sinagot ko nalang.

"Hello?" sabi ko. Pero nagtaka ako ng walang may nagsasalita at naririnig ko lamang ang ingay na para bang may nagsasayahan? Sino ba 'to?

"Hello? Sino 'to?" tanong ko uli. Baka mamaya pinagtritripan lang ako. Di naman sumasagot.

"Yeollie.."

Nang dahil doon.. nanlaki naman ang mata ko sa tinawag niya akong Yeollie. Natahimik ako bigla. Tsaka bumilis naman ang tibok ng puso ko doon. Kilalang kilala ko ang boses niyang yan. Tsaka siya lang yung nag-iisang babae na tinatawag akong 'Yeollie'.

Siya ba 'to? Paano niya nakuha ang number ko? And why did she call me? Imposible.

Pero bakit ngayon, parang nababaliw na naman ako na naririnig ko naman ang boses niya?

"S-sino ka?"

"Ako 'to. Si Chae."

Mas lalo lang kumabog ng kumabog ang puso ko. Siya nga. Pero bakit sa sobrang tagal ko na siyang kinalimutan, bakit parang bumalik yung nararamdaman ko noon nung unang una kami nagkakilala? Simula ng marinig ko uli ang boses niya?

Hindi 'to maaari. Moved on na ako sa kanya. Hindi 'to pwede. Siguro naninibaguhan lang ako dahil sa sobrang tagal naming di nag-usap, ngayon ko nalang siya uli narinig.

"Alam kong nagulat kita, sorry. Tsaka kung nagtatanong ka kung saan ko nakuha yung number mo, tinignan ko sa phone ni Sehun."

Nabigla naman ako doon. Sehun? Phone ni Sehun? Magkasama silang dalawa ni Sehun ngayon?

"Tsaka kaya kita tinawagan, kasi kailangan mong puntahan dito si Sehun. Sobrang lasing na lasing na siya. Mukhang hindi niya na kaya. Hindi ko mahayaan kasi baka kung saan pumunta punta."

Nang dahil doon. Napabugtong huminga naman ako. Lasing na naman siya. Tsaka paano sila nagkasama ni Chae?

"Magkasama kayong dalawa ni Sehun?" tanong ko.

"Oo. Nandito na siya ngayon, nakatulog na. Kaya nga tinawagan kita para kunin mo siya dito. Alam ko kasi na ikaw lang ang malapit sa kanya."

"Sige.. saang bar ba kayo?"

"Sa Franklin's Bar."

"Sige. Papapunta na ako dyan. Hintayin mo lang ako at pwede pakibantayan mo muna siya. Salamat."

"Sure. Walang problema."

"Bye Chae." paalam ko sa kanya pero hindi ko naiintidihan na sobrang bilis ng kabog ng puso ko. Yung parang noon lang. Pero tsk! Hindi pwede 'to.

"Bye Yeollie." mahina niyang sambit at ni-end niya na ang call. Hanggang ngayon.. Yeollie pa din ang tawag niya sa akin. Hindi pa din talaga siya nagbago. Ang bait niya pa din. I think.. she's still treating me as her friend.

But I hate this weird feeling that I feel when we talked again. Damn.

Tumayo na ako tsaka nagbihis na ako ng damit ko. Ano na namang katarantaduhan ang ginawa ni Sehun? Lasing na naman pala. Sasabihin ko na talaga 'to kay Lisa kapag online na siya. Masyado ng nababaliw si Sehun dito. Buti nalang nalaman ko kay Chae na nalasing na naman siya.

Naman kasi. Noon ako pinipigilan niya na hindi maglasing kasi nakakasira daw yun sa sarili. Tapos ngayon, hindi siya nakikinig sa akin at siya naman 'tong naglalasing ngayon. Gusto niya bang sirain ang sarili niya?

Nagpaalam naman ako kay Mom na aalis muna para kunin si Sehun. Mukhang nag-aalala na din si Mom kasi baka anong mangyari sa kanya kasi lasing siya. Pero sinabi ko namang may kasama siya.

Tsaka pagkatapos 'non, papunta na ako doon gamit ang kotse ko. Ano ba yan si pre. Dapat kailangan niya nalang intidihin si Lisa. Pero kasi sumusobra na din kasi si Lisa, di niya man lang bigyan ng attention si Sehun.

Tapos inaamin ko, para bang nagbago si Lisa sa kanya. Di na siya gaya dati na isang chat lang sa kanya ni Sehun, yung reply agad tapos ang sweet sweet pa. Talagang kontrolado ang time management niya.

Pero ngayon.. kahit nakikita kong online si Lisa, di niya pa din kinakausap si Sehun. Etong isa ding Sehun, kahit online si Lisa, hindi niya naman kinausap. Ang sabi niya sa akin, ayaw niya ng umasa pa dahil alam niyang sasabihin lang din naman sa kanya ni Lisa na busy siya. Pero alam kong sobrang masakit yun kay Sehun, kaya nag naglalasing na eh.

"Ewan ko nalang sa'yo pre." napapailing na sambit ko habang nagmamaneho. Kakausapin ko nalang siya mamaya.

Tsaka ngayon ko lang pala narealize.

Magkikita na pala kami uli ni Chae. Sa sobrang tagal naming hindi nagkita, magkikita din ang landas naming dalawa.

-  -  -

zebbiana | sehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon