Z12。

259 36 10
                                    

SEHUN

One week had passed..

Kasalukuyan na nandito lang ako sa loob ng kwarto habang naglalaro ng Moba. Pero tumigil din ako sa paglalaro dahil ramdam ko wala akong gana sa paglalaro ngayon. Ilalagay ko na sana ang phone ko sa desk ko nang may nagchat na sa akin. Umaasa akong siya yun, pero nagkamali ako. Si Chanyeol hyung lang naman pala.

- - -

Park Chanyeol
active now

Park Chanyeol:
yo yo pre good afternoon

Oh Sehun:
oh ano?

Park Chanyeol:
di ka pa pupunta dito sa bahay?

Park Chanyeol:
di ka na bumibisita dito ah, hinahanap ka tuloy ni mommy.

Park Chanyeol:
gagawan ka niya sana ng favorite nating pancakes. hahaha!

Oh Sehun:
ah. ganon ba?

Oh Sehun:
sa susunod nalang yata ako pupunta dyan pre.

Oh Sehun:
pakisabi kay tita.

Park Chanyeol:
ah ganon? sige sige pre ha. sabi mo yan.

Oh Sehun:
ok

Park Chanyeol:
teka teka pre, may napapansin akong iba sayo

Oh Sehun:
ano naman?

Park Chanyeol:
ang sabaw sabaw mong magreply sa akin eh hindi ka naman ganito ah.

Park Chanyeol:
teka pre..

Park Chanyeol:
okay ka lang ba? may sakit ka?

Oh Sehun:
wala ah, okay lang ako ah.

Park Chanyeol:
weh? talaga pre?

Park Chanyeol:
sigurado ka ba dyan? mukhang hindi ah.

Oh Sehun:
ok lang nga ako sabi eh baliw.

Park Chanyeol:
sinabihan mo pa akong baliw punyeta ka.

Park Chanyeol:
edi sige. sabi mo yan eh. HAHAHAHAH!

Oh Sehun:
osige pre, brb na muna.

Park Chanyeol:
sige pre. ingat ka! ^^

Oh Sehun:
nagkakaganito ako dahil hindi ko na talaga matiis at makaya pa | deleted.

Oh Sehun:
i miss her so damn much | deleted.

Oh Sehun went offline.

- - -

Pagkatapos, nilagay ko lang ang phone ko sa desk ko at huminga nalang ako ng malalim. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Namimiss ko na talaga siya.

Pero maya maya lang ay may kumatok sa kwarto ko at nakita ko na maid pala yun namin.

"Sehun, kanina pa ang tanghalian pero hapon na hindi ka pa din kumakain. Kumain ka na po." nag-aalalang sambit ng maid.

"I said wala akong gana kumain." malamig na sagot ko sa kanya.

"Pero nag-aalala na sina Mom and Dad mo."

Tumingin ako sa kanya, "Nag-aalala? Puro business lang nga iniisip nila. Kung ganito lang naman ako eh doon lang nila ako inaalala."

"Sehun.."

"Kakain ako kung kakain ako. Please manang, wag niyo na akong pilitin. Wala akong gana. Get out." malamig kong sambit at napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

"But Sehun--"

"I SAID GET OUT!" malakas na sigaw ko sa kanya at mukhang nagulat naman siya sa sigaw ko at dahan dahan naman niyang sinara ang pintuan ng kwarto ko at tuluyan na siyang lumabas.

Huminga nalang ako ng malalim, tsaka nalang ako napapikit dito. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, hindi ko alam kung bakit. Nakakaapekto na ako ng ibang tao.

Lagi nalang akong ganito. Minsan pa ay hindi na ako kumakain. Kasi nga wala talaga akong gana. Pero kung kakain man ako, sobrang konti lamang ang kinakain ko. Minsan pa ay hindi na ako nakakatulog pa dahil inoopen ko nalang lamang ang phone ko kung may replies at tawag siya sa akin. Pero masakit, dahil hanggang ngayon wala pa din. One week na siyang hindi active at ang sakit.. she promised to me that babawi siya para sa akin. Pero hindi niya nagawa. I think she's too busy.

Dumagdag pa sina Mom sa problema ko, hindi man lang nila ako binibigyan ng time dahil ginagamit nila yun lahat lahat sa business. Pero kapag nasasabi ng maid sa kanila na di ako kumakain, doon lang nila ako inaalala. Nakakabanas.

Nagkakaganito ako ng dahil kay Lisa. One week niya na akong hindi kinakausap sa Messenger. Minsan pa ay nahuhuli ko siyang sineseen niya ang mga messages ko pero hindi niya 'to nirereplyan. Tsaka ang masaklap pa, nakikita kong active siya pero agad agad naman siya nag-ooffline. Anong nangyayari sa kanya? Kahit isang reply man lang.. hindi niya maibigay sa akin?

Sobrang baliw na baliw na ako sa kanya. Lagi nalang siya ang iniisip ko. Nagawa ko ng hindi kumain at matulog nang dahil sa kanya. Dahil gustong gusto ko na talaga siyang makita. Hindi ko na kayang tiisin 'tong LDR na 'to. Ang sobrang hirap lalo kapag di niya ako nabibigyan ng time at di niya ako nakakausap. Naiintidihan ko naman siya eh pero eto, masyadong sobra na eh. One week akong hindi kinausap? Ang sakit 'non sa akin.

Pero minsan naiisip ko na baka ay ipinagpalit niya na ako sa iba kaya ganon. Pero alam kong hindi yun totoo, at hindi niya yun gagawin sa akin. Dahil alam kong nagpangako siya sa akin na ako lang yung mamahalin niya at wala ng iba.. ako lang. Siya na mismo nagsabi sa akin na kung mayroon mang iba ang magkagusto sa kanya, hindi niya yun papansinin dahil ako lang yung mahal niya.

Pero bakit ganito? Sobra na akong nababaliw sa kanya. Hindi ko na kaya 'to. Sobrang namimiss ko na siya.

Damn Lisa, parang sobrang gustong gusto na kitang sundan sa London ngayon.

--

guys, malapit na sila magbreak. spoil ko langg! 😭✊

zebbiana | sehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon