Z13。

265 36 8
                                    


SEHUN

Maggagabi na at umaasa pa din akong magmemessage siya sa akin at tatawag. Pero nakakaramdam lalo ang kirot sa puso ng narerealize ko na siguro hindi niya na ako kakausapin pa eh alam kong sobrang busy siya at wala na siyang time sa akin.

Huminga nalang ako ng malalim at nilagay ko nalang yung phone ko sa desk ko at kinuha ko nalang yung litrato naming dalawa ni Lisa sa wallet ko. Napapangiti nalang ako ng naalala ko yung mga araw na magkasama kaming dalawa at masaya pa kami. Pero nakaramdam ako bigla ng kirot sa puso ng naisip kong hindi ko na siya makakasama ngayon.

Hinawakan ko naman ang mukha niya sa litrato, "Hindi mo lang ba ako kakausapin? You promised right? I miss you so much." nakangiti kong sambit. "Don't worry, hihintayin kita." bulong ko at tuluyan ko nang binalik ang litrato naming dalawa sa wallet ko. Kahit hindi ko na kaya, hindi ako magsasawang hintayin siya. Mahal ko siya eh.

Tapos pumasok na naman sa kwarto ko yung maid tsaka ko lang naman siya tinignan, "Sehun.. gabi na. Kanina ka pa hindi kumakain. Kumain ka na. Nag-aalala na ako sa'yo. Baka magkasakit ka. Alam kong wala kang gana, pero kumain ka naman kahit konti lang." nag-aalala niyang sambit sa akin.

Buti pa si Manang namin, nag-aalala ng ganito sa akin. Pero sina Mom? Alam kong hanggang salita lang naman sila sa akin.

Tumayo ako sa kama at ningitian ko siya, "Opo.. manang. Kakain na po ako." sagot kong nakangiti sa kanya at nakita kong napangiti nalang din siya sa akin.

Sumunod naman ako sa kanya sa kusina, tsaka niya ako pinaghandaan ng pagkain. Umupo naman ako doon at nagsimula na akong kumain. Tsaka napaupo nalang din sa tabi ko si Manang. Tsaka nakikita kong ningingitian ko nalang din siya habang kumakain.

"Ubusin mo yan lahat, Ijo. Alam kong napipilitan kang kumain. Pero kailangan mong kumain ng madami. Hinanda ko yan para sa'yo." nakangiting sambit ni Manang sa akin.

Natawa ako ng mahina habang kumakain, "Salamat manang, ang sarap nga po eh." sagot ko at may naaalala naman ako. "Ah, manang.. sorry pala nasigawan kita kanina eh.. hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko."

Nakita ko namang natawa siya ng mahina, "Ano ba Sehun, okay lang naman 'no. Naiintidihan naman kita eh. Nag-aalala lang talaga ako sa'yo." nakangiti niyang sambit sa akin.

Hindi ko mapigilang ngitian siya ng pabalik, "Thank you manang ha? Mabuti ka pa at.. nag-aalala ka sa akin ng ganyan. Sina Mom kasi? Hindi nila ako iniisip. Puro trabaho ang inuuna nila." peke akong tumawa.

"Sehun.." seryosong tawag sa akin ni Manang at hinarap ko naman siya. "Hindi ka nila kinakalimutan. Alam kong inaalala ka din nila. Ginagawa naman nila yan para sa'yo. Naghihirap sila ngayon para sa susunod.. ikaw na ang maghahawak ng kompanya na minamanage nila. Sana.. maintidihan mo. Tsaka alam ko sa susunod, magkakasama din kayo na masaya. Tignan mo." nakangiting sambit sa akin ni Manang at napangiti nalang ako uli.

"Salamat.. manang." nakangiti kong sambit sa kanya. "Sana nga totoo yang mga pinagsasabi mo Manang." natatawa kong sambit.

"Oo naman.. alam kong totoo yan. Magtiwala ka lang." sambit niya sa akin at tinapik ako braso ko at ningitian ko lang siya uli at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

"Pero Sehun, bakit ka ganito? Bakit sa tuwing kainan, bakit nawawalan ka ng gana? Tapos.. nagkukulong ka sa room mo? Nakakapanibago.. anong nangyayari?" nagtatakang tanong sa akin ni Manang.

Nang dahil doon, napatigil ako sa pagkain at nabitawan ko ang hawak kong kutsara at tinidor. Naaalala ko na naman siya.

Huminga ako ng malalim at tinignan ko si Manang, "Nang dahil kay.. Lisa." sagot ko at mukha namang nabigla siya.

"Kay Lisa ija? Bakit naman kay Lisa ija?" nabibigla niyang tanong.

"Kasi naman manang.. isang linggo niya akong hindi kinakausap. Hindi ko na kaya. Kahit maikling message lang sa akin, hindi niya yun binigay. Namimiss ko na siya ng sobra. Ang sakit yun sa akin." kwento ko sa kanya. "She's too busy why she can't give me some time. Kung pwede lang na sundan ko siya sa London eh."

Ningitian ako ni Manang, "Wag kang mag-alala, miss ka din 'non.. inaalala ka din niya. Para din naman sa inyong dalawa ang ginagawa niya."

"Alam ko naman yun manang, pero.. hindi niya ako kinakausap. Hindi ko na 'to matiis."

"Sehun.. kung gaano mo siya kamahal, kaya mo siyang hintayin. Kahit gaano pa katagal na hindi ka niya kinakausap, kaya mo siyang hintayin dahil mahal na mahal mo siya. Tsaka alam kong ganun din siya sa'yo." nakangiti niyang sambit sa akin. "Kaya, wag kang magsawang maghintay sa taong mahal mo. Hintayin mo lang siya kahit gaano pa yan katagal. Alam kong dadating ang araw na kakausapin ka din niya, mahal ka din niya eh. Mahal niyo ang isa't isa." dagdag niya sa rason na bumilis ang tibok ng puso ko.

Tama, tama si Manang.. sobrang mahal na mahal ko si Lisa at dapat ko nalang siyang hintayin. Alam ko namang dadating ang araw na kakausapin niya din ako.

"Thank you Manang, you're right. I'll wait for her. Because I love her so much." nakangiting sambit ko sa kanya.

"Yes. Magtiwala ka lang sa kanya." nakangiti niyang sambit sa akin. "Sige, kumain ka na oh. Madami pa dyan." natatawa niyang sambit.

"Opo." natatawa kong sambit at ipinagpatuloy ko lang nga ang pagkain ko habang pinagmamasdan lang ako ni Manang dito.

Hindi ako mawawalan ng pag-asa na maghintay sa kanya, dahil alam kong dadating ang araw na kakausapin niya din ako. Marami lang talaga siyang ginagawa.

Sobrang mahal na mahal ko siya at.. nagtitiwala ako sa kanya.

- - -

zebbiana | sehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon