Z28。

176 25 12
                                    

CHANYEOL

"Tangina, tanga tanga ka ba pre?! Bakit ka nakipaghiwalay sa kanya?! May rason yung tao kung bakit ganon siya! Bakit hindi mo siya pinakinggan?! Nasasaktan yun ngayon ng dahil sayo!"

"Alam ko naman ang rason pre! Yun yung niloloko niya lang ako.. kasi, si Jaehyun na yung mahal niya! Sinaktan niya din naman ako! Ayaw ko na!"

"Pero pre, dapat hindi ka nakipaghiwalay kay Lisa! Dapat pinakinggan---"

"Alam ko naman magsisinungaling siya sa akin bakit ko pa siya papakinggan?! Hindi mo ako maintindihan pre, masyado nang masakit sa akin! Kung nasasaktan siya, mas nasasaktan ako! Magsama silang dalawa nang lalaki niya!"

"Tangina Sehun, wala kang alam---"

"Alam ko na pre! Alam ko na nga! Niloloko niya lang ako! Kinalimutan niya na ako agad simula nung nasa London na siya! Sinasabi sabi niya lang na mahal niya ako! Pero hanggang salita lang yun! Kaya siya nangiba at di niya ako kinakausap!"

"Bakit ganyan ka? Akala ko ba may tiwala ka sa kanya? Akala ko ba mahal mo siya?"

"Sinira niya ang tiwala ko pre, simula nung nakita ko siyang ginagago niya ako. Kakayanin kong kalimutan siya kahit sobrang mahirap at masakit sa akin."

"Pero pre naman, yung rason niya--"

"Pre.. kung makipagtalo ka lang sa akin, aalis na ako. Wala naman akong kakampi dito."

Napailing nalang ako ng tuluyan ng naalala ko naman ang talunan namin ni Sehun nung nakaraang araw. Naiinis ako sa kanya. Hindi ko inakala na nakipagbreak siya kay Lisa. Ang imposible 'non. Hindi niya pa nga pinapakinggan yung rason ni Lisa at agad siyang naunahan ng matinding galit at selos niya niya.

Nung isang araw nga, pumunta dito si Lisa sa bahay namin kasama si Jaehyun. Grabe ang iyak ni Lisa at halatang sobra siyang nasaktan ni Sehun. Hindi niya matanggap sa sarili niya na nakipaghiwalay sa kanya si Sehun. Naaawa nga ako kay Lisa ngayon. Tsaka mas lalo lang akong naawa nung sinabi niya sa amin ni Jaehyun yung mga pangako ni Sehun sa kanya.

Tsaka nagsisisi siyang gawin na di siya pansinin para lang sa kanyang plano na uuwi siya dito sa Pinas. Dapat pinalaam niya nalang agad kay Sehun yun agad agad. Hindi niya talaga alam na ganon ang iisipin ni Sehun kapag makita niyang ganon sila ni Jaehyun.

Tsaka kinwento din sa akin ni Jaehyun na talagang magkaibigan lang sila ni Lisa. Isa pa, may nililigawan na si Jaehyun. Kapag nakita kasi agad ni Sehun na magkayakap silang dalawa, iba na agad ang nasa isip niya. Nakakainis nga!

Pero sabi nilang dalawa sa akin, ang ibigsabihin lamang nung yakap at halik sa pisngi ay 'thank you' lang ni Lisa kay Jaehyun dahil nga sa tulong niya. Jaehyun helped her to come here again at Philippines. Mabait naman pala na tao si Jaehyun. Pero yung utak kasi ni Sehun, nababaliw na agad. Inisip agad na nagtaksil na si Lisa sa kanya. Tsk.

Dahil nga hindi mapakali si Lisa 'non at grabe na yung iyak niya, pinili niyang makipagkita kay Sehun uli at susubukan niyang magpaliwanag uli kay Sehun baka may chance pa.

Isa pa, hindi na talaga siya pinuntahan ni Sehun simula nung nakipagbreak na siya. Hindi na sila nagkita pa. Pero si Lisa, hindi talaga siya makatulog at tanging pag-iyak nalang ang nagagawa niya dahil nasasaktan siya kay Sehun.

Sinamahan namin siyang dalawa ni Jaehyun sa mansion nina Sehun. Tsaka pagkarating nga namin doon, oras na ni Lisa para makipagkita kay Sehun. Kaya naman ni Lisa, kaya andito lang kami sa kalayuan ni Jaehyun at ipinagmamasdan sila.

Pero nung nakita na siya uli ni Sehun, sinigawan niya lang 'to ng masasakit na salita. Nakita ko namang grabe na naman yung iyak ni Lisa.

Mukhang gusto niyang ipaliwanag ang lahat pero patuloy lang siyang tinataboy ni Sehun sa kanya. Pilit lumapit sa kanya si Lisa para yakapin si Sehun, pero tinutulak lang siya ni Sehun. Nakita pa namin na lumuhod siya sa harapan ni Sehun, pero sinigawan lang siya ni Sehun na lumayo na.

zebbiana | sehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon