Z16。

209 30 10
                                    

SEHUN

"Yung sa kaibigan niya.. yung Jaehyun at Xiaohan."

Nung sinagot ko naman yun, mukhang nagtaka naman si Chanyeol pre sa sagot ko. Mukhang hindi niya ako nakuha.

"Ano pre? Jaehyun at Xiaohan? Sino naman yan?" nagtatakang tanong niya sa akin.

Napahiga uli ako sa sofa at inayos ayos ko lang ang magulong buhok ko, "Mga kasama ni Lisa na nag-aaral sa London." sagot ko sa kanya.

"Bakit ka naman naiinis sa kanila? Kaibigan niya naman pala yun eh." nagtatakang sambit ni Chanyeol.

Tinignan ko naman siya ng seryoso at mas lalo lang naman siyang nagtaka sa akin, "Pre.. eto ikkwento ko sa'yo ha. Kahit nakakainis pa din talaga."

"Ang saya saya na nga naming nag-uusap 'non ni Lisa. Syempre, sa una.. masaya ako dahil may close naman siyang mga kaibigan niya doon. Pinakilala niya pa nga ako sa kaibigan niya bilang boyfriend niya eh." kwento ko sa kanya.

"Eh anong kinakaiinisan mo doon pre?" tanong niya sakin.

Huminga ako ng malalim, "Ganito kasi. Hindi naman ako dapat maiinis doon sa Jaehyun na yun dahil alam kong magkaibigan lang sila ni Lisa. Pero tangina lang. Nainis ako ng sobra pre. Grabe naman kasi yung pinagsasabi ng Xiaohan na yun. Alam niya namang nakikinig ako sa mga pinagsasabi niya."

"Ano bang pinagsasabi niya sa'yo? Bakit inis na inis ka?" tanong niya sa akin.

Huminga ako ng malalim, "Sinabi niya na sa kanila doon, sinasabi sa kanila na bagay daw sila nung Jaehyun na yun dahil lagi silang magkasama. Pinagkamalan lagi na sila na nung lalaki na yun. Naiintidihan ko naman yun eh kasi alam ko namang magkaibigan lang sila. Natural lang yung lagi silang magkasama kasi nga magkaklase sila."

"Tsaka pre? Nagsimula kumulo yung dugo ko nung sinabi niyang bagay talaga sila mismo nung lalaki na yun. Nakakatangina. Tuwang tuwa pa siya. Alam niya kayang nakikinig ako." naiinis kong sambit at medyo naman nanlaki ang mata ni Chanyeol.

"Ano pre? Sinabi niya yun? Alam niya naman yata na nakikinig ka?"

"Yun nga pre eh. Nakakainis nga. Tsaka alam mo? Mukhang gusto ko ng sumabog sa sobrang inis dahil sinabi niya pang maghanda na ako kasi baka makipaghiwalay sakin si Lisa at ipapagpalit niya yung Jaehyun sa akin." naiinis kong sambit at hindi ko alam na napapaupo na naman ako sa sofa ng naaalala ko naman yun.

"Grabe naman yun pre. Harap harapan pa talagang sinabi yun sayo at talagang maiinis ka talaga. Di magandang pakinggan yan 'no." patango tango na sambit niya. "Ano naman ang reaction ni Lisa at nung Jaehyun?"

"Tsk. Yun. Sinasaway lang nila yung babae na tumigil na dahil di yun totoo at nandito ako. Tsaka magkaibigan lang naman silang dalawa." sambit ko.

"Pero pre.. sobra pa din talaga akong naiinis sa pinagsasabi niya. Tsaka sa Jaehyun na yun, paano kung gusto niya pala si Lisa? Di ko lang alam. Tangina. Natatakot ako na mangyari yun." sabi ko.

"Ano ka ba pre. Pinag-iisip mo ba dyan? Di mangyayari yun. Sila na nga mismo nagsasabi na magkaibigan lang silang dalawa. Bakit ka ba natatakot? Wala ka bang tiwala kay Lisa?" tanong niya sa akin tapos natawa siya ng mahina.

"Meron naman pre. Pero iba lang ang kutob ko sa lalaki na yun. Paano kung oo nga? Paano kung mahuhulog si Lisa sa kanya? Tangina." malamig na sambit ko sa kanya.

"Pero naaalala ko yung sinabi ni Lisa sakin, wag na ako magselos dahil wala naman siyang pakialam kung sino man ang magkagusto sa kanya."

Hindi ko alam.. napapangiti na naman ako na parang baliw dito, "Kasi ako lang daw ang mahal niya." nakangiting sambit ko at bumilis naman ang tibok ng puso ko ng naalala ko naman siya.

Nakita ko namang natawa si Chanyeol pre at nagulat ako ng bigla niya akong nilapitan at dinaganan.

"Ano ba pre! Ang bigat mo!" reklamo ko at bigla naman siyang lumayo sa akin kaya bigla niya akong inakbayan.

Natatawa lang naman siya, "Ganun pre. Yun naman pala eh. Dapat wag kang matakot at mag-over think. Tsaka magkaibigan lang sila nung Jaehyun na yun. Sadyang siraulo lang talaga yung Xiaohan na yun." natatawang sambit niya.

"Oo na. Pero nakakainis pa din talaga pre eh. Mahilig daw yun magbiro. Pero sila naman mismo nagsasabi na magkaibigan lang sila." nakangiting sambit ko.

"Yan dapat pre.. ngiti ka lang. Di yung halos biyernes santo na ang mukha mo." natatawang sambit niya at napatango lang naman ako.

"Tsaka pre.. alam kong miss mo na talaga yun si Lisa. Alam ko na hindi mo na yan matiis. Pero wag kang sumuko pre ha? Hintayin mo nalang na magkausap uli kayong dalawa. Baka may ginagawa lang talaga siyang importante. Alam kong miss ka na din yun." nakangiting sambit sakin ni Chanyeol pre.

"Alam ko naman yun pre. Miss na miss ko na nga siya eh." natatawang sambit ko.

"Kahit gaano katagal, kahit nakakatampo na talaga, kahit nakakakabaliw na talaga siya, hihintayin ko nalang talaga si Lisa. Mahal ko yun eh. Sobra."

"Tangina Sehun ang korni mo!" asar sa akin ni Chanyeol pre. Tsaka ng dahil doon, inalis ko ang kamay niyang nakaakbay sakin at tinulak siya palayo sakin.

"Totoo naman yung pinagsasabi ko. Palibhasa ikaw, balewala kay--" di ko natuloy yung sasabihin ko dahil mali pala na banggitin yung pangalan ni Chaeyoung kay pre. Mahirap na.  "Ang ibigsabihin ko pre.. ano.. ikaw kasi single! Ganun!" medyo naiilang kong sambit. Nakikita ko kasing parang napapaisip siya bigla.

"Ano ka ba pre. Okay lang na banggitin mo yung pangalan ni Chae 'no. Wala na sakin yun." nakangiting sambit niya sa akin.

"Mabuti naman yun pre.. akala ko kasi apektado ka pa din." sambit ko.

Natawa naman siya, "Hindi na pre. Past ko nalang siya 'no. Pinagsasabi mo dyan." natatawa niyang sambit pero maya maya napatingin siya sa akin. "Buti nga ikaw.. di mo naranasan yung naranasan kong mabalewala sa taong mahal ko noon eh. Mabuti nalang.. mahal niyo talaga ni Lisa ang isa't isa."

"Kaya pre, sinasabi ko sa'yo na swerte ka kay Lisa dahil ikaw lang yung mahal niya unang una pa lang." nakangiting sambit niya sa akin.

"Kaya wag na wag mo siyang sasaktan pre. Ang sobrang tanga mo nalang talaga." sabi niyang seryoso sa akin.

Pero maya maya din ay natawa ako, "Bakit ko naman siya sasaktan pre kung mahal na mahal ko yun? Hindi ko naman gagawin yun sa kanya. Imposible mangyari yun. My love for her will never end."

"Kahit bumalik pa si Chae sa'yo, di ko yun gagawin kay Lisa 'no." natatawang sambit ko kay Chanyeol.

"Gago." mura niya sa akin.

But later, I smiled.

"I'm willing to love her until on my last breath. Because that's the best thing I ever did on this world.. to love Lisa every seconds."

- - -

woi stream telephone by exo-sc! ( ft. 10cm )

zebbiana | sehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon